Kung saan saan na kami nagpunta ni mommy pero hindi kami na sasatisfy kapag nandyan na. Etong huli naman naming pinuntahan ay sana okay na po.
"I am Attorney Celeste Snow Moon" Pagpapakilala ng attorney na pinuntahan namin
Pagkatapos ng introduction na ginawa namin ay tinanong din namin sya kung mabilis ba syang malagyan at kung ano ano pa.
"Thank you po" Sabi namin sakanya at ngumiti pa sya sakin
"Thank you din. Sige po una na ko may meeting pa kasi akong pupuntan" Sagot nya samin
Umalis na kami dun at nakangiti na syempre may nahananp na kaming attorney kahit medyo mahal okay na rin. Pagkauwi namin sa bahay ay ininform kami na bukas na agad ang hearing.
Tahimik lang ang buong bahay ng araw na yun pagkatapos kumain ay dumidiretso na agad si mommy sa kwarto at ganon din ako.
"Mommy can I sleep beside you?" Tanong ko sakanya at tumango sya sakin
Kaya humiga na ko sa tabi nya habang hinahaplos nya ang buhok ko.
"Bakit hindi ka po nag disagree nung nanligaw sakin si Tristan kung alam mong sila ang may dahilan kung bakit tayo nahihirapan?" Curious kong sabi sakanya
"Kasi hindi naman sya yung may gawa nun kaya hindi ko sya pinakitaan ng kalupitan ko atsaka mukha namang mabait ang bata na yun at naniniwala akong kayo ang magkakatuluyan" Nakangiting sabi ni mommy
"Pero ako nagagalit ako sakanya tinanong ko sya kung may tinatago sya sakin sabi nya wala tapos nung mga panahong nagbrebreakdown na ko sya nilapitan ko tas sila din pala may dahilan. Tapos na kami" Madiin kong sabi at kinuyom ko ang kamao ko
"Wag lang ang puso ang pairalin gamitin din ang utak. Pero kung ano ang magiging desisyon mo dun kita susuportahan" Mahinahon nyang sabi
Mga madaling araw na rin ako nakatulog dahil panay panay ang isip ko sa mga nangyayari lalo na mamaya sa korte.
"Good Morning" Bati sakin ni mommy
"Morning" Sabi ko namana sakanya
Pagkababa ko sa baba ay balik sa dati nandon si manang nagluluto ng almusal pero nakakapanibago na wala si daddy.
"Manang sama kayo mamaya samin" pag aaya ni mommy at tumango naman sila
Pagkatapos namin kumain ay nag ayos na kami agad at formal ang sinuot namin. Pinag drive din kami ng driver namin hanggang sa makarating kami doon.
"Good Morning Attorney Celeste" Bati namin sakanya at nagsimula na syang magbigay ng instruction and mga flows
Nung sumapit na ang oras parang sa hearing ay saktong dumating na ang pamilya ng Arden kasama si Tristan at ang mga magpipinsan.
"Tara na pasok na tayo" Cold kong sabi at nauna na ko pumasok
Nagsimula na ang mga matagal natapos ito dahil medyo mabigat ang kaso naipapatong kay daddy kung maakusahan itong guilty.
Hindi naman kami binigo ni Atty. Moon kasi magaling sya at practisado talaga sya. Alam nya yung mga pasikot sikot kahit mahirap nagagawan nya ng paraan pinapalangin ko nalang na sana lumabas yung totoo.
"Mr. Lucas Gonzales is proven guilty" Sabi ng prosecutor kaya nanlumo kami at si mommy ay umiiyak na
Habang ang kabilang panig ay nagsasaya maliban sa magpipinsan. Galit ako sakanila kasi pati inosenteng tao napagbibintangan. Nagpaalam na si Atty. Moon samin at kami naman ni mommy ay dumiretso kung saan ikukulong si daddy.
"Daddy gagawin ko ang lahat para iprove na innocent ka hindi ako papayag na makulong ka ng matagal" Mahina kong sabi at kasabay nun ang pagtulo ng luha ko
Pagkaalis namin doon ay inalalayan ko si mommy kasi tulala talaga sya.
"Mommy please stay strong for me" Nakangiti kong sabi sakanya
"I am sorry baby, I will try for you" Sagot nya sakin at hinalikan ako sa noo
Pagkauwi namin sa bahay ay walang nagsasalita kahit mga maid.
"Manang nakaluto ka na po ba?" Tanong ko sakanya
"Opo matatapos na" Sagot naman nya at tumango ako sakanya
Siguro kaya di sya nagtatanong sa nangyari kasi na figured it out na nila.
"Ma'am nandyan po boyfriend nyo" Sabi sakin ng isang katulong at lumabas na agad ako
Nakita ko syang medyo magulo ang buhok at nakalagay ang dalawang kamay nya sa bulsa.
"I am sorry" Bungad nyang sabi sakin
"Sorry saan? Sa panloloko mo sakin? Sa pagkukuha ng tiwala ko? Sa pagpapaikot mo sakin?" Di ko na napigilan na sabi sakanya
"Totoong mahal kita" Seryoso nyang sabi sakin
"Wow ang lakas naman ng loob mo na sabihin sakin yan pagkatapos na nangyari. Habang napapagod at naghihirap ako nasa harapan ko lang pala yung problema ko ang tanga ko di ko agad nalaman yun" Galit kong sabi sakanya
"Maniwala ka naman sakin" Mahina nyang sabi
"Sorry pero ang hirap nung gawin lalo na sayo pa. Mahal kita eh pero ginago mo lang ako. Alam mo yun para mo kong tinitira na patalikod" Pagpapatuloy kong sabi at nakita kong umiiyak na rin sya
"Hindi ko naisipan na gantihan kita kasi nakikita ko sa mata mo tuwing sinasabi mong napagbintangan lang ang tatay mo ay totoo. Oo inutusan ako pero di naman nya ako inutusan na mahalin ka. Baby please ang sakit na sobra." Basag na boses nyang sabi at pareho kami na umiiyak
"Anyway tapos na tayo" Walang emosyon kong sabi sakanya at bigla syang napatulala
"No. Please baby accept me again. Anong gusto mong gawin ko wag mo lang akong iwan"Bulong nyang sabi at niyakap nya ako pero di ako gumalaw
"Face your consequences then. I loved you" Sabi ko sakanya at tumalikod na
Kasabay nun ang sunod sunod ng pagtulo ng luha ko. Tanginang pag ibig to masyadong mapaglaro.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay bumungad agad sakin si mommy at tumakbo ako sa kanya para yumakap.
"Mommy ang sakit" Nahihirapan kong sabi sakanya at hinagod nya ang likod ko
"Walang pagmamahal na perpekto kahit gusto mong wag masaktan hindi mo parin maiiwasan yun" Bulong na sabi ni mommy at pumikit nalang ako
once upon a time, my heart was yours
BINABASA MO ANG
Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)
Novela JuvenilScars of Pain Series #2 Elisha Natalie Gonzales is a soft hearted girl especially to her family. She is always obeying her parents even herself forbids it. She will do anything to make her parents proud. When she met Tristan Jace Arden, her life ch...