Kabanata 38

157 7 0
                                    

"Natalie tingin ka naman sa camera" Sabi ng cameraman kaya ganon din ang ginawa ko

"Grabe ang ganda talaga ni Natalie" Sabi ng isang staff habang nagshoshoot pa din kami

"Nako ma'am matagal ng maganda yan. Malapit na nga akong magpa autograph dyan" Sagot ni Ysabell at tumawa ang mga staff

"Ang swerte naman ng magiging boyfriend nito. Maganda, matalino at mabait wala ka ng mahihiling pa na iba" Masayang sabi ng manager ko

"Wala pa po sa isip ko yan. Marami pa po akong kailangan na gawin" Hilaw na ngiti kong sabi

Inabot na rin kami ng mga hapon bago kami magtapos sa pag shushoot.

"Punta lang ako sa mall or dyan dyan lang. maglilibot lang talaga ako" Pagpapaalam ko

"Gusto mo samahan kita o magdala ka nalang ng kotse?" Nag aalalang tanong ni Ysabell

"Chill kalang kaya ko na to" Sabi ko sakanya at hinalikan ko sya sa pisngi

Tumakbo na ko palayo para di na nya ako mapagilan at para wala na rin syang masabi. Pagdating ko sa market kung saan pwede bumili ay namangha ako agad.

"Diba sya yung tatay na naging dahilan" Bulong ng isang nagtitinda at nainis ako bigla kaya nilapitan ko sya bigla

"You don't have right to say anything against my father. Sabihin mo ng harapan hindi yung duwag ka" Galit kong sabi sakanila

"Porket yumaman ka ganyan na ugali mo at naging kilala ka sa idustriya" Sagot ng isa nyang kasama impokrita

"Atleast sarili kong pagsisikap" Mataray kong sabi at umalis nalang ako

"Aba't" Sabi nya at tumigil na din sya nung umalis ako

Sa mall nalang ako dumiretso kesa bumili ako doon.

"Hala mommy sya yung idol ko na sinasabi ko sayo" Sabi ng bata at tinuro pa ko kaya napatingin din ang nanay nya sakin

"Paano mo naman nalaman?" Tanong sakanya

"Syempre mommy idol ko yan kahit naka mask at salamin yan malalaman ko agad" Sabi nya at tumakbo sya papunta sakin

"Hi I am Daphne" Pagpapakilala nya sakin at ngumiti ako

"Natalie" Sagot ko sakanya at nagulat sya

"Sabi ko sayo mommy ayaw mo maniwala sakin. Pwede po bang magpapicture?" Cute nyang tanong sakin kaya ngumiti nalang ako sakanya

Pagkatapos non ay bumili nalang ako ng libro sa national bookstore kasi mahilig naman ako magbasa.

"Glow in the sky, My captain" Basa ko sa story na nakuha ko at inisip ko muna kung ayon ang bibilhin ko

Pagkatapos kong bumili ng libro ay umuwi nalang ako kaagad siguro kahit medyo konti lang ang ginawa ko ay napagod agad ako.

"Pwede ba tayong mag usap?" Bungad na sabi sakin ni Macy at tumango ako

Napunta kami sa isang bench at umupo nalang kami dun.

"Sana hindi ka nalang bumalik" Bungad nyang sabi sakin at napatulala ako sa sinabi nya

"Alam mo ba yung pinagdaanan ni Tristan huh? Sinisisi nya yung sarili nya nung naghiwalay kayo. Sana sinabi ko na agad sakanya. Sana hindi ko sya sinaktan. Sana masaya pa kami. Ako yung nandon nung iniwan mo sya" Galit nyang sabi sakin at tinuro pa nya ako

"Wala kang karapatan na sabihin yan. Hindi mo alam yung pinagdaanan ko" Sagot ko din sakanya

"Pwede bang sakin na sya. Promise ko sayo di ko sya sasaktan at mamahalin ko sya ng buo" Sabi nya sakin at nag swear pa

"Sayo na. Ayan na ba lahat ng sasabihin mo? Kasi pagod na ko" Malamig kong sabi sakanya

Tumakbo na ako malapit sa dagat at umupo sa may buhangin.

"Mommy, Daddy. Miss ko na kayo sobra parang kahapon lang nangyari ang lahat. Kasalanan ko lahat to siguro kung hindi ko minahal si Tristan di to mangyayari" Basag na boses kong sabi at yumuko nalang

"Why are you crying?" Tanong ng taong nasa harap ko

"Wala napuwing lang ako" Sagot ko sakanya at inangat nya ang ulo ko

"Hindi kita hinayaan na mawala sakin para umiyak at masaktan lang" Mahina nyang sabi sakin at hinaplos nya pisngi ko

"Ngayong gabi sa harap ng bituin at ng dagat. Pinapalaya na kita" Nakangiti kong sabi sakanya at bumagsak na ang luha ko

"You are lying" Malamig nyang sabi sakin at tumayo na ko at tumakbo sa loob ng room

Umupo ako sa couch habang nakatulala.

"Binisita kita dito kaninang madaling araw pero naabutan kitang umiiyak" Mahina nyang sabi sakin

Nakaisip ako ng sasabihin para hindi naman kami maging awkward.

"Kwekwento ko sayo yung storya ng babaeng umiiyak palagi tuwing naaalala nya lahat ng masasakit na pinagdaanan nya " Sabi ko sakanya

Hindi sya sumagot kaya ibig sabihin nun ay sinulan ko na agad.

"May isang babaeng maganda ang buhay pagkatapos biglang nagbago ang lahat ng dumating ang problema niya sa pamilya" Pagkwekwento ko

"Anong nangyari?" Tanong nya

"Biglang isang araw dumating ang kinakatakutan nya. Hindi na nya nakasama ang tatay nya at ang nanay nalang nya ang tumatayo bilang magulang nya" Pagkwekwento ko sakanya

"Kamusta na pala sila Tita pati Tito? Gusto ko sana silang bisitahin para humingi ng tawad" Tanong nya sakin

"Nasa heaven na sila" Nakangiti kong sabi sakanya at nanlaki ang mata nya

"I am sorry" Sabi nya at biglang tumulo luha nya

"Wala kang kasalanan" Mahinahon kong sabi sakanya

"Nagkaroon ako ng PSTD kaya kailangan kong magpunta sa doctor atsaka tuwing gabi, bago matulog at minsan napapanaginipan ko ang lahat bigla nalang akong naiiyak kaya minsan naiisip ko nalang bat hindi nalang ako sinama ni mommy" Mahina kong sabi at kita ko sakanya ang sakit

"Hindi pwede. Papayag ako na malayo ka sakin pero hindi habang buhay" Sabi nya at hinawakan nya kamay ko

"Siguro tama nga sinabi ni Macy. You deserve better" Nakangiti kong sabi sakanya at ngumiti ako sakanya

"Hindi ako papayag na hindi ikaw ang ikakasal sakin. I love you baby please take me back. I promise hindi na kita bibitawan at sa lahat ng bagay palagi tayong magkasama" Sunod sunod nyang sabi sakin

"I love you too pero" Sabi ko sakanya habang umiiyak

"Walang pero pero. Simula ngayon. I Tristan Jace Arden will not let go of Elisha Natalie Gonzales kahit anong mangyari kung gusto mong umalis, dapat kasama ako. Kung linta ang tawag mo dun. Edi ako na ang linta mo" Nakangiti nyang sabi at tumawa ako sa sinabi nya

"Alam mo ikaw talaga napapasaya mo ako" Sagot ko sakanya at hinalikan nya ako sa noo

"Tara na baby tulog na tayo" Sabi nya at kinindatan nya ako

"Duda ako sa tulog na tayo" Pang aasar kong sabi sakanya at binuhat na nya ako

"Edi wag muna madali akong kausap" Maharot nyang sabi at sinamaan ko sya ng tingin

Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon