Kabanata 39

179 7 0
                                    

"Good morning baby" Bati nya sakin at hinalikan pa nya ako sa labi

"Gago ka ang sakit wag mo kong lapitan" Inis kong sabi sakanya at tumawa sya

"Buhatin nalang kita papuntang cr. Sa tingin mo?" Tanong nya sakin

"Heh manahimik ka dyan alalayan mo lang ako sasapakin kita" Sabi ko sakanya at ganon nga ang ginawa nya

"Eto na po boss baba ka na ang bigat mo" Natatawa nyang sabi sakin at sinamaan ko sya ng tingin

"Sige na umalis ka na maghanap ka na ng mas maganda sakin" Nakanguso kong sabi sakanya

"Try kong humanap ng Natalie the second" Pang aasar nya sakin

"Kahit wag ka ng bumalik" Sagot ko sakanya at pinisil nya ang pisngi ko

"Kaya mahal kita eh" Malambing nyang sabi sakin

"Lumayas ka sa harap ko baka di kita matantsa" Inis kong sabi sakanya

"Luh buntis ka na agad. Gusto ko babae tas lalaki di tayo titigil hanggang hindi natin nagagawa yun" Lakas ng loob nyang sabi

"Bahala ka dyan mag break nalang tayo. Hanap ka nalang ng baboy" Sagot ko sakanya at tinawanan nya lang ako

"Sige na maligo ka na dyan tas lock mo pinto ah" Sabi nya at kinindatan nya ako

Kumakanta ako habang naliligo at medyo matagal pa. Maya maya ay may biglang nag doorbell.

"May nag dodoorbell" Sigaw ko kay Tristan

Narinig ko din na lumabas sya mula sa pinto at binilisan ko nalang din maligo syempre duh chismosa ako kaya dapat alam ko rin.

"Ay bat ikaw nagbukas ng pinto?" Gulat na tanong ni Ysabell

"Bakit may kailangan ka?" Balik na tanong ni Tristan

"Hiramin ko sana kaibigan ko" Pagpapaalam nya dito

Lumabas na ko sa kwarto at lumapit sakanila.

"Gaga ka bat ka nagpapaalam? Bata ako?" Tanong ko sakanya

"Hindi pero diba sabi mo baby mo yan" Pang lalaglag na sabi ni Ysabell at sinamaan ko sya ng tingin

"Kailan ko sinabi? Pero nevermind tara na" Sabi ko sakanya at hihilahin ko na sana sya pero may nauna na

"Kiss ko muna" Sabi nya at bigla kong tinakpan bibig nya

Kahit kailan talaga toh walang filter bibig.

"Alam mo ikaw mamaya masasapak ka na sakin puro ka kiss quota ka na" Inis kong sabi sakanya at hinalikan ko nalang sya para matapos na

"Waiting nalang sa bunga" Kindat nyang sabi sakin at hinampas ko sya

"Bye mag shoot na kami" Sabi ko sakanya at kumaway na ko

"Baka mamayang hapon pa kita makikita kasi may kikitain akong client" Pag iinform nya sakin

"Siguraduhin mong client yan pag ikaw kumaliwa ka. Wala ka ng girlfriend mark my word" Awtoridad kong sabi sakanya

"Yes boss" Nakangiti pa sya at sumaludo sakin

"Puro ka talaga kalokohan" Sabi ko sakanya at ginulo ko ang buhok nya

"See you later baby" Malambing nyang sabi at sinarado ko na ang pinto

Nagsimula na kaming mag shoot kasi last shoot na namin to. Maganda naman ang mga kuha ko kahapon kaya okay lang.

"Great Job Natalie. Okay na tong pang cover na magazine kahit naman anong suot mo maraming bibili nun" Sabi sakin ng manager at ngumiti ako sakanya

"Masyado mo naman ako pinapakilig" Natatawa kong sabi sakanila

"Nangangamoy lovelife kanino kaya yun?" Pang aasar ng manager ko

Habang nagaayos ako ng mga gamit ko ay may biglang tumabi sakin.

"Attorney, bakit ka andito walang dito girlfriend mo" Sagot ni Kiana

"Susunduin ko lang fiance ko" Sabi nya at pinulupot nya ang kamay nya sa bewang ko

"My ship is sailing na ulit" Kinikilig na sabi ni Ysabell

"Pwede ko na bang kunin?" Seryoso nyang sabi

"Oo kunin mo na sayo naman talaga yan" Sagot naman ni Ysabell at nakangiti pa rin

"Sakin naman talaga to" Malamig na sabi ni Tristan at tumalikod na kami

"Bakit ka galit?" Nguso kong tanong sakanya

"Ang daming nakatingin sayong mga lalaki. Annoying masyado" Honest nyang sabi sakin

"Hala nagseselos baby ko" Pang aasar ko sakanya at sinamaan nya ako ng tingin

"Palit ka na ng damit may pupuntahan tayo" Sabi nya at pinakawalan na nya ako

Nagsuot ako ng pants at tight na damit kasi ganon talaga ako pumorma.

"Okay lang ba? Or pangit" Nahihiya kong tanong kay Tristan

"Sobrang ganda mo" Bulong nyang sabi at hinipan pa nya tenga ko

Napakalanding nilalang talaga neto di ko alam kung saan nagmana.

"Ready na?" Tanong nya at tumango ako sakanya

Habang nasa byahe ay naka tingin lang ako sa labas ng bintana.

"Don't be shock sa makikita mo ah" Pagreremind nya sakin at sa kakaisip kung ano yun ay nakatulog ako

"Baby nandito na tayo" Sabi nya at tinapik nya na ako

"Huh? Saan?" Gulat kong sabi at luminga ako nakita ko na may malaking pinto

"Mama and papa wants to meet my girlfriend kaya dinala kita. Sana okay lang. I'll be with you" Malambing nyang sabi

Bumaba na ko at hinihintay syang magpark ng kotse tsaka kami pumasok sa loob.

"Anak namiss kita" Bungad ng sabi ng ginang at niyakap ang anak nya

"Mama naman kakakita lang natin. By the way si Natalie, girlfriend ko po" Pagpapakilala ni Tiristan sakin at nawala ang ngiti ng ginang

"Good afternoon po" Magalang pa rin akong bumati sakanya

"Tristan may papakita ako sa kwarto mo" Pag aaya ni Tito sakanya at tumingin sya sakin pero tumago lang din ako sakanya

Pagkaalis niya sa tabi ko ay hinintay ko muna silang makaalis bago ako tumingin sa ginang.

"Bakit ka nanaman lumalapit sa anak ko? Para mag revenge? Marami ka namang pera. You can buy anything pero di lahat makukuha mo kasi bawal na si Tristan" Matigas nyang sabi sakin

"Hindi po ako unang lumapit sakanya. Pinilit ko naman na umiwas" Sagot ko sakanya

"Kulang pa yun kays dapat try harder hanggang sa hindi na ulit magtagpo ang mundo nyong dalawa okay na sana" Disappoint nyang sabi

"Hindi ko na ulit bibitawan ang anak nyo. Hanggang hindi nya sinasabi na umalis ako ay mananatili ako sa tabi nya kahit anong mangyari" Matapang kong sabi sakanya at tinaasan nya lang ako ng kilay

Kala nya ata nagloloko ako. Wait and see ka lang dyan wag kang kukurap

Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon