Pagkagising ko biglang sumakit ulo ko ang dami ko siguro nainom kagabi. Tumingin ako sa paligid at nagtaka ako dahil hindi ako pamilyar sa kwarto kaya bigla akong kinabahan.
"Good Morning sleepyhead" Bati ni Tristan at nagulat ako
"Nasaan tayo? Baliw ka baka makita tayo ng mama mo" Balisa kong sabi sakanya
"Nasa condo unit na niregalo sakin ni papa and mama don't visit me here kasi minsan lang ako umuwi dito" pagkwekwento nya
"Uuwi na ko mamaya sa bahay namin" Sabi ko sakanya at umiba timpla ng mukha nya
"Iiwan mo na ko?" Nguso nyang sabi sakin at natawa ako sakanya
"Uuwi lang sa bahay eto ang drama kala mo naman mawawala ako" Nakangiti kong sabi sakanya
"Syempre iba pa din yung pwede kitang makita anytime" katwiran nya sakin
"Ano? Nafafall ka na sakin nyan" Natatawa kong sabi
Lumapit sya sakin at nagtira sya ng ilang inches lang.
"Gusto na kita di ko alam kung paano nagsimula pero ayaw ko na rin tapusin" pagcoconfess nya sakin
"Kikiligin na ba ako nyan" Pang aasar kong sabi at sinamaan nya ako ng tingin
"Panira ka talaga ng moment kahit kailan" Sabi nya at ginulo nya ang buhok nya
Ang pogi parin nya kahit messy hair. Gusto ko rin hawakan hair nya. Shet ano ba tong iniisip ko.
"May food na ba?" Pag iiba ko ng tanong
"Meron na" Sagot nya agad sakin at dumiretso sa pintuan
"Saan ka bumili?" Tanong ko sakanya
"I can cook kala mo hindi ako marunong" Pagmamalaki nya sakin
"Grabe ang hangin" Sabi ko at umakto pa akong tinatangay
"Alam mo ang ganda mo" Nakatitig nyang sabi sakin
"Matagal ko ng alam yun" Nakangiti kong sabi at kumindat sakanya
Nauna na kong lumabas at nakita ko ang lamesa puro favorite food ko. Spam and egg tas may mango pa.
"Paano mo nalaman favorite ko to?" Tanong ko sakanya
"Kasi may super power ako" Sagot nya sakin
"Kulang ka lang sa tulog" Pang aasar ko sakanya
"Oo kulang ako kasi wala ka" Malandi nyang sabi sakin
"Tumahimik ka nalang please" Sabi ko nalang
" Sige baka na fafall ka na sakin" Natatawa nyang sabi
Nagtuloy tuloy naman ang kwentuhan namin at inayos ko na ang sarili ko bago kami umuwi ng bahay. Nauna na akong lumabas at nag ayos na ko ng gamit para makauwi na sa bahay. I miss home.
"Hatid na kita" Pagprepresenta ni Tristan
"Wag na. I can handle it" Sagot ko sakanya
![](https://img.wattpad.com/cover/248216677-288-k346057.jpg)
BINABASA MO ANG
Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)
Teen FictionScars of Pain Series #2 Elisha Natalie Gonzales is a soft hearted girl especially to her family. She is always obeying her parents even herself forbids it. She will do anything to make her parents proud. When she met Tristan Jace Arden, her life ch...