" Thank you for today. Naenjoy ko promise" Sabi ko sakanya
"I am glad that you did and I am also happy because I see the smile that I am looking for" English nyang sabi
"Bye. Text me when you got home" Sabi ko at hinalikan nya muna ako sa noo bago ako bumaba
Pagkababa ko ay nagwave sya ng goodbye sakin at hinintay ko mawala sa paningin ko ang sasakyan nya bago ako pumasok sa bahay.
"Hi manang kamusta ka po?" Bungad na sabi ko kay manang
"Ikaw talagang bata ka. Namalengke lang ako nawala ka na agad pag alis buti nalang nakita ko yung note mo" Pagkwekwento nya sakin at niyakap ko sya
"Kailangan ko po kasi talagang puntahan si mama kaya biglaan din po" Pagsisinungaling kong sabi
"Sige na mukha kakagaling mo lang sa date mo" Pang aasar sakin ni manang
"Pinapataba nga po ako ni Tristan" Pagsusumbong ko sakanya
"Aba maganda yun para naman magkalaman ka kahit papaano" Pagtatanggol nya kay Tristan
"Manang bukas pala maaga tayo. Diba birthday ni mommy bukas" Paalala kong sabi sakanya
"Oo nga pala sige samahan mo nalang akong pumunta sa grocery para sa gagamitin para kapag magluluto tayo" Sabi nya at tumango ako
Kinabukasan nga ay ganon ang ginawa namin. Maaga kaming nagising para naman pumunta sa grocery at binili namin lahat ng kailangan. Pagkauwi namin ay naligo muna ako at saktong paglabas ko ng kwarto ay lumabas din si mommy.
"Happy Birthday mommy. I love you" Malambing kong sabi sakanya at niyakap ko sya
"I love you" Sabi nya at hinalikan nya ako sa pisngi
Pagbaba namin ay abala na sila manang na magluto at hindi alam ni mommy na pinaghanda ko sya ang alam nya lang ay para lang sa tanghalian namin yun. Pagdating naman ng tanghali ay dumating sila mama.
"Happy Birthday anak" Bati ni mama kay mommy at nagulat si mommy
"Thank you ma. Kain po tayo may nilutong ulam sila manang" Pag aaya ni mommy
Nauna na akong pumunta sa dining at nakahanda na lahat ng pinaluto ko. Hawak naman ni daddy ang cake para kay mommy.
"Happy Birthday" Bati sakanya ni daddy at hinalikan sya sa noo
"Make a wish" Masaya kong sabi at pumikit na sya
Hinintay namin na mablow nya at pumalakpak kami pero ako syempre may pasimuno.
"Sinong naghanda nito?" Curious nyang tanong
"Present po" Sagot ko at nagtaas ako ng kamay
"Ikaw talagang bata ka mahal na mahal mo talaga ako" Sabi nya sakin at tumawa ako
"Maliit na bagay" Sabi ko sakanya at kinindatan ko pa sya
Kumain na kami habang nagkwekwentuhan sila mommy at minsan ay sumasagot din ako kapag kailangan.
"Punta tayo sa beach bukas" Pag aaya ni mommy at tumango kami
I love swimming kaya naexcite na agad ako.
"I will going to book for us" Pag prepresenta ko
"You don't need to worry about anything I got everything under control" Masayang sabi sakin ni mommy kaya ngumiti nalang ako
Pagkatapos namin kumain ay tumulong muna ako sa paghuhugas ng pinggan habang sila mommy ay naguusap sa living room. Pagkarating ko sa living ay nagtatawanan sila kaya umupo nalang ako sa isang upuan at nakinig sakanila.
"Natalie may nagpadala sayo" Sabi ng isang maid namin at tumayo ako
Inabot nya sakin ang isang bouqet ng flower at mayroong ferrero sa loob. May nakita akong isang letter kaya kinuha ko yun.
I hope you like it. I love you
- Pogi mong manliligaw
"Kanino galing?" Tanong ni Daddy habang nakatitig sa bulaklak na hawak ko
"Tinatanong pa ba yan syempre sa manliligaw nya" Sabi ni mommy at ngumiti pa sakin
"Lagay ko lang po ito sa kwarto ko" Pagpapaalam ko sakanila at tumango sila sakin
Pagkapasok ko sa kwarto ay umupo ako at kinuha ko lahat ng chocolate at kumain ako ng isang piraso. Pinapataba talaga ako ng loko na yun. Favorite ko pa yung nilagay nya. Sakto naman ay bigla syang tumawag.
"Did you receive the flower?" Tanong nya sakin at nakaisip ako ng kalokohan
"Hindi pa. May dumating dito galing daw sa pogi kong manliligaw" Sabi ko sakanya
"Sakin galing yan" Pag iinform nyang sabi sakin
"Hala pogi ka pala ngayon ko lang nalaman" Natatawa kong sabi
"Sige asarin mo ko itatali kita sakin" Sagot naman nya sakin at tumigil ako sa pagtawa
"Edi itali mo ikaw lang naman hinihintay ko" Sabi ko sakanya at bigla syang tumahimik
"Ibig sabihin ba matagal mo na rin akong mahal?" Tanong nya sakin
"Di ko alam kung paano nagsimula pero ayoko rin tapusin" Honest kong sabi
"Ano ka ba lalaki? Ako dapat magsasabi sayo nyan" Reklamo nya sakin
"Lalaki lang ba pwede. bye na thank you sa flowers and chocolate pinapataba mo talaga ako" Sabi ko sakanya
"Gusto ko ngang tumaba ka kasi ang payat mo kaya kitang buhatin ng isang kamay lang" Sagot nya naman sakin
"Kapal naman ng mukha mo. Bye" Sabi ko sakanya at tumatawa parin sya
"Bye. You hang up first" Utos nya sakin at ginawa ko naman yun
Nagstay na sila mama dito dahil kinabukasan naman ay aalis rin kami kaya pagkasapit ng gabi ay nag ayos kami ng mga guest room para makapag pahinga na sila.
"Alam ko na bakit sya nagpadala ng flower" Random thoughts na sabi ni mommy
"Bakit?" Tanong ko sakanya
"Diba kinabukasan ng birthday ko Valentine's Day" Nakangiti nyang sabi kasi favorite event nya yun
"Advance po yun mag isip kaya ganon" Sagot ko sakanya
"Daddy nagpaparinig po si mommy baka naman daw" Natatawa kong sabi sakanya
"Wag kang magmadali. Kakabugin ko yung flowers ng manliligaw ng anak natin" Sabi ni Daddy at niyakap nya si mommy
"Willing to wait po" Batang sabi ni mommy kaya natawa na ko
Pagkatapos ng kulitan namin na yun ay bumalik na kami sa sari sarili naming kwarto para makapagpahinga na kaya madaling araw palang kinabukasan ay nagising na kami lahat.
"Nandito na lahat ng gamit?" Tanong ni daddy samin at tumango ang iba
"Yes po" Sagot ko naman sakanya
"Kung wala ng naiwan sakay na kayo para makaalis na tayo" Sabi ni Daddy at naunang pumasok ang mga bata bago ako sumunod
Beach, here I come !
BINABASA MO ANG
Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)
Novela JuvenilScars of Pain Series #2 Elisha Natalie Gonzales is a soft hearted girl especially to her family. She is always obeying her parents even herself forbids it. She will do anything to make her parents proud. When she met Tristan Jace Arden, her life ch...