Kabanata 33

154 8 0
                                    

Pagkatapos ng scene na yun ay nagsalita na si Ate Kiana na kailangan ko na agad practisin para bukas o mamaya ay makapag simula na.

Kaya heto kami ni Tristan mgkatabi pero may space sa gitna namin para hindi kami magkadikit.

"Simple lang naman para makuha mo yung role na ito just like act one. Isipin mo na hindi ka isang artista kundi ikaw si Atty. Gonzales para madali mong magawa" Pagbibigay nya ng tip sakin at tumango ako sakanya

Pagpatak naman ng alas dose ay lumapit samin ni Ysabell.

"Atty, pwede ko bang hiramin kaibigan ko?" Pang aasar na tanong ni Ysabell

Humanda to mamaya sakin sasabunutan ko to kung ano ano sinasabi.

"Yeah,sure. No problem" Seryoso nyang sabi at may tumawag sakanya kaya napabaling ang atensyon namin dito

I am trying my best to not look at the caller because it is called privacy.

"Sayang, baka may jowa na si papi" Bulong na sabi ni Ysabell

"Edi good for him and masaya ako para sakanya" Sabi ko nalang para matapos na ang usapan

"Tara na nga lang kain na tayo nilibre tayo ni ate Kiana" Pag aaya nya at lumiwanag mukha ko

Gustong gusto ko talaga ng nililibre alam mo yun masarap na nga yung pagkain pero mas lalong sasarap kasi libre.

"Kain na kayo" Sabi ni Ate Kiana habang kumakain sya

"Sige po" Sagot naman ni Ysabell at kumuha na agad sya

"Si Tristan pala?" Tanong ni Ate Kiana

"Kausap po ata yung girlfriend" Magalang kong sabi sakanya at tumango sya sakin

Kumain nalang ako at maya maya ay dumating na si Tristan. Hindi na ako nag abala na lumingon kasi alam ko namang sya yun.

"Attorney kain ka na" Pormal na sabi ni Ate Kiana

"Sige po" Magalang nyang sabi at umupo sya sa tabi ko

Lumingon ak kay Ysabell at tama nga ang hula ko kinikilig ang gaga. Tapos yung tingin nya samin hindi ko gusto.

"May girlfriend ka na pala" Panimula na sabi ni Ata Kiana

"Wala po" Natatawang sabi ni Tristan

"Sabi kasi ng isa dyan baka daw girlfriend mo yung tumawag sayo" Panglalaglag na sabi ni Ate Kiana at pasimple pa syang tumingin sakin

"Baka naman kasi nagseseslos" Mahinang sabi ni Ysabell at sinamaan ko sya ng tingin

"Galing naman" Sabi naman ni Iris at nag apir sila ni Ysabell

Kaya naging totally awkward na talaga tapos katabi ko pa sya. Sana po matapos na po ito ayoko na talaga. I promised myself na I will build a house para kahit wala na si daddy ay natupad ko yun.

"Bakit naman magseselos? Kakakilala lang naman nila ngayon. Ano yun love at first sight?" Sabi ni Ate Kiana at tumahimik na ulit

Kung alam mo lang po kung ano ang mga pinagdaanan namin lalo na ako. Buti nalang ay nag iba na rin ang topic kanina ko pa talaga pinagdadasal yun.

"Wala ka bang ibang gagawin ngayong araw? Okay na siguro yung mga tinuro mo dito sa alaga ko" Pag aalala nyang tanong kay Tristan

"Okay lang po. I cleared my schedule for today" Sagot naman nya agad

"Sana all priority" Pagpaparinig nanaman ni Ysabell

"Same same" Sagot naman ni Iris at tinignan ko sila

Kung nakakamatay lang ang tingin ko. Wala na tong dalawa na to.

"Bakit pala attorney yung napili mo?" Curious na tanong ni Ate sakanya

"I want to be an attorney po talaga and after my break up with my girlfriend. It gives me motivation to pursue it more" English nyang sabi at tumango si Ate sakanya

Ako ba yung tinuturing nyang girlfriend? Baka assumera lang ako. Nagpatuloy lang ang kwentuhan at good thing dahil na iba na rin ang topic kaya naging komportable na din ako.

Pagkatapos namin kumain ay pinagpatuloy namin ang pagtuturo nya sakin hanggang sa kailangan na namin umuwi.

"Teh uwi na tayo" Sabi sakin ni Ysabell at tumango ako sakanya

Kinuha ko ang gamit ko sa gilid at nakita ko si Tristan na pinapanood nya ako.

"Bye Attorney" Pagpapaalam ko at kumaway ako sakanya

Pagkalabas namin ay otomatiko na binuksan nila ang van at umupo na ko. Sinandal ko pa ang ulo ko sa upuan dahil sa pagod. Maya maya ay narinig ko ang tunog ng paulit ulit na pag trtry ng makina pero ayaw pa rin gumana.

"Ma'am sorry po wala na po ata tayong gas" Sabi ng driver at ngumiti lang ako sakanya

"Okay lang po mag gragrab nalang po ako" Magalang kong sabi at tumango sya

"Teka mag gragrab ka delikado" Angal na sabi ni Ysabell

"Kasama naman kita" Sagot ko sakanya at bumaba na ko

Binuksan ko na ang phone ko at pumunta na sa grab.

"Ay nandyan pa si Attorney sabay nalang tayo sa ex mo" Sabi nya habang nakatingin sya kay Tristan

"Mahiya ka naman dyan" Mahina kong sabi sakanya pero ngumiti pa sya

"Ayaw mo non eto na yung sign na mag meet ulit kayo" Nakangiti nyang tugon sakin

Lumapit na sya kay Attorney at kinausap nya ito. Nakita ko na tumango si Tristan at binigyan ako ng sign ni Ysabell na lumapit sakanila.

"Okay na. Pumayag na si Attorney" Masayang sabi ni Ysabell

Pumasok na sya sa backseat at papasok na rin sana ako kaso nilock niya yung pinto kaya napabuntong hininga nalang ako pero pumasok na din ako sa front seat.

Pinaandar na agad ni Tristan ang kotse nya at tahimik pa rin ang paligid.

"Isa sa dahilan kung bakit mo pinush ang pagiging attorney mo dahil sa ex mo?" Curious na sabi ni Ysabell

"Yes" Cold na sabi ni Tristan at ngumisi ang kaibigan ko

Alam ko yung mga ganyang tingin nyan may hinuhuli yan. Nakakahiya sya kung ano ano pinagsasabi nya.

"What if bumalik yung ex mo anong sasabihin mo and hahabulin mo ba sya?" Parang host na sabi ni Ysabell

"Yes hahabulin ko sya kasi worth it sya and I will tell her that I am sorry because I caused her pain.I promise when she give me a second chance, i will not let her go again" Seryosong sagot ni Tristan at parang may nagbara sa lalamunan ko

"Sabi nga nila, Love is sweeter the second time around kaya kapag nakita mo na sya ulit wag matakot na sumubok ulit" Advice nya kay Tristan at tumahimik na ulit ang paligid

Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon