"Iaannounce ko yung mga kasama para sa competition bukas" Sabi ng prof namin
"Sino po ma'am?" Tanong ng kaklase ko at sinundan naman ng iba
"Okay sasabihin ko na. Si Elisha" Nakangiting sabi ni ma'am at tinignan nya ako
Wala naman akong masabi kasi ako din nagulat hindi ko expected.
"Sige po ma'am" Magalang kong sabi sakanya at tumango sya
Pagkatapos non ay nagdiscuss na sya ng mga gagawin pero mabilis din natapos ang aming klase.
"Elisha may sasabihin ako sayo" Masayang sabi ni Ira sakin
"Ako din meron pero mauna ka na" Sabi ko at hinawakan nya ang kamay ko
"Kasali ako sa competition bukas" Excited nyang sabi at napabitaw ako sakanya
"Kasali din ako bukas it means na magkalaban tayo" Mahina kong sabi sakanya pero nakangiti pa din sya sakin
"Okay lang yun ano ka ba. Maganda nga yon sabay na tayong magpractice mamaya sa bahay namin" Pag aaya nya sakin at di na ko tumanggi pa
Pagkasapit ng uwian ay nagulat ako kasi sa paglabas ko ng school nakita ko ang nakasandal na Tristan sa may kotse tapos kasama nya si Elisha.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya
"Sabi ni mommy sunduin daw kita" Honest nyang sabi
"Hindi pa sya pwedeng umuwi kasi magprapractice kami para sa competition bukas" Pagpapaliwanag ng pinsan nya at sumakay na sa kotse
Sumunod na din ako sakanya at wala na din nagawa si Tristan kung hindi pumasok din. Sinundan nalang nya ang hiling ng kanyang pinsan. Pagkarating namin sa bahay nila Ira ay pinagbuksan kami ni Tristan ng pintuan.
"Ang bait ng pinsan ko bakit kaya" Pang aasar ni Ira
"Ako lang to ano ba" Maangas na sabi ni Tristan at tumawa pa
"Sige binabawi ko na yung sinabi ko" Bawi na sabi ni Ira
As usual nauuna syang naglalakad syempre sya yung may ari ng bahay kaya dapat lang. Pagkapasok namin sa loob ng bahay nila ay parang may party.
"Anong ginagawa nyo dito? Kakakita lang natin ah" Masungit na sabi nya
"Si Tristan kasi sabi nya kasama ka daw sa competition bukas kaya pumunta kami ngayon baka kailangan mo ng moral support" Pang aasar na sabi ni Liam
"Chismoso ka ba? Ano ka bakla?" Naiirita na sabi ni Tristan
"Anong bakla? Baka mabalitaan mo nalang may nabuntis na ko" Proud na sabi ni Liam
Natawa ang mga lalaki at napangiwi naman ang mga babae sa sinabi ng binata.
"Gago ka lagot ka kay Tita kapag may nabuntis ka" Sagot sakanya ni Tristan
"Lumayas nalang kayo dito kapag puro kalokohan lang paguusapan nyo" Inis na sabi ni Ira at tumingil na ang mag pipinsan
Maya maya ay nag start na kami magpractice hindi naman masyadong mahirap kasi sanay naman ako kaya walang kaso sakin.
"Natalie yung damit mo pili ka nalang sa closet ko marami akong dress and gowns if want mo" Pagsusuggest nya sakin
"Sige mamaya pagkatapos na natin kasi madali lang pumili ng damit" Nakangitikong sabi sakanya
Tumagal kami ng ilang oras sa pag prapractice mabuti nalang at wala pa ang magulang nya.
"Okay na to ang galing na natin dalawa baka masyado na nating makabog yung mga kasali" Natatawang sabi ni Ira
BINABASA MO ANG
Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)
Teen FictionScars of Pain Series #2 Elisha Natalie Gonzales is a soft hearted girl especially to her family. She is always obeying her parents even herself forbids it. She will do anything to make her parents proud. When she met Tristan Jace Arden, her life ch...