Dumiretso nalang ako sa garden nila para magpalamig kesa sa makipagsagutan.
"I am sorry" Sabi ko pagka upo ni Tristan sa tabi ko
"Para saan?" Tanong ko sakanya
"Nag away pa kami ng mama mo" Natatawa kong sabi sakanya at nakatitig lang sya sakin
"You don't need to prove anything from people pabayaan mo sila kung anong iniisip nila" Sagot naman nya sakin
"Pagod na ako" Bulong kong sabi at tinaas ko nalang ang dalawa kong paa at dun ako yumuko
"Bakit ba ayaw mo pinapakita sakin na napapagod ka o nasasaktan? Tara nga dito" Sabi nya at inusog nya ko sakanya
Niyakap nya ako ng mahigpit habang tahimik lang kami.
"Thank you for being my pahinga" Sagot ko sakanya
"I love you baby. You are my home" Bulong nyang sabi sakin at hinalikan nya ang buhok ko
Pinagmasdan nalang namin ang garden nila kasi ang ganda.
"Dito ka lang ba muna? Bibisitahin ko lang sila mommy" Tanong ko sakanya at tumayo na sya
"Kung nasaan ka, Dun rin ako. Tara" Pag aaya nya at nilahad nya sakin ang kamay nya
"Gaya gaya ka talaga" Pang aasar ko sakanya
"Mahal mo naman" Kindat nyang sabi sakin
Pumasok na kami sa bahay nila at naabutan namin ang mag asawa na nakaupo habang nanonood ng tv.
"Anak, hindi ba muna kayo kakain?" Tanong ng kanyang ina
"Hindi na po, balik ako mamaya dito. We will talk" Seryosong sabi ni Tristan sa ina nya at napakunot ang noo ng ginang
"Why?" Naguguluhan na tanong ni Tita at hinila na ko ni Tristan palabas ng bahay
Pagkasakay namin sa kotse nya ay inistart na nya ang kotse.
"Para saan?" Tanong ko sakanya at alam kong gets nya yun
"Ang chismosa mo naman" Natatawang sabi nya at inilingan nya ako
"Kapal ng mukha mo sa lapag ka matutulog mamaya sinasabi ko sayo" Inis kong sabi sakanya
"Kung kaya mo" Panghahamon nya sakin at sinamaan ko sya ng tingin
Maya maya ay nakarating na din kami sa sementeryo at nauna na syang bumaba at inalalayan nya ako.Nauna akong maglakad sakanya pero nakasunod naman sya sa likuran ko.
"Hi mommy, daddy miss ko na kayo. May kasama po akong panget" Masaya kong sabi sakanila habang naka tingin sa lapida nila
"Hi Tita and Tito. Tutuparin ko po yung pangako na binitawan ko bago kayo nawala. Paki sabi naman po kay Elisha na wag na syang umiyak kasi palagi ko syang naririnig tuwing gabi pumapanget po anak nyo" Pang aasar nya sakin at kinurot ko sya
"Epal" Irap kong sabi sakanya at hinawakan nya ako sa bewang
"Katulad po ng pinangako ko sainyo. Aalagaan ko po anak nyo at papasayahin ko sya. Sasamahan ko sya kahit saan sya magpunta at susuportahan sa mga desisyon nya" Nakangiti nyang sabi at tumingin ako sakanya
"Hoy, pinapaiyak mo naman ako" Nakanguso kong sabi sakanya at niyakap nya ako
"I love you" Bulong nya sakin at nakaisip ako ng kalokohan
"Mahal ka ba?" Pang aasar ko sakanya
"Sige salamat nalang sa lahat" Sabi nya sakin at pinakawalan ko sya
"Hatid pa kita gusto mo? Joke lang I love you too" Nakangiti kong sabi sakanya at hinalikan ko sya sa pisngi
"Tita oh anak nyo ang harot" Panunumbong nya at nanlaki ang mata ko
"Kapal ng mukha talaga di ko alam kaninong nagmana. Layuan mo ko please" Sabi ko sakanya at tinaboy ko pa sya
"Ayaw. Linta nga ako diba" Malakas nyang sabi at inemphasize pa nya ang word na Linta
Magsasalita na sana ako ng may tumawag sakanya kaya nabaling ang tingin namin dun at unknown number lang nakalagay kaya sinagot na nya ito.
"Yes?" Pormal na sagot ni Tristan
"Okay. I am on my way. Thank you. Bye" Sagot ni Tristan
"Sino yun?" Tanong ko agad sakanya
"Client ko. Sorry baby but we have to go home" Mahina nyang sabi sakin at tumango ako
"Bye daddy and mommy. I will visit you again. I love you both" Pagpapaalam ko tsaka ako tumayo
Pagkarating namin sa bahay ay may nakatayong isang babaeng kulang sa tela as in malapit na makita yung kaluluwa nya. I hate this girl.
"Wag masyadong mataas ang kilay" Bulong sakin ni Tristan at inirapan ko sya
Pumasok na kami sa bahay at umupo ako sa isang upuan para makapagpahinga kasi napagod ako kaya pumikit nalang ako.
"Dun lang kami sa office" Pagpapaalam ni Tristan kaya tumango nalang ako
Maya maya ay nakatulog na ko sa upuan at hindi ko alam kung anong oras ako nagising pero ang tantsa ko ay mga bandang hapon.
"Thank you Atty" Pagpapasalamat ng client ni Tristan sakanya at napakunot ako ng noo kasi ang tagal nilang magusap
Bigla na silang naglakad sa harap ko at tumingin sakin ang babae.
"Ilan taon na tong kapatid mo?" Tanong ng babae at nag init agad ulo ko sakanya
"Fiance ko yan" Seryosong sabi ni Tristan at natawa ang babae
"Tara na hatid na kita sa labas" Pormal na sabi ni Tristan at nauna na syang naglakad
"Alam kong ikaw yung sikat na model ngayon idol kita nung una hindi na ngayon" Natatawa nyang sabi at tumawa din ako
Bitch I know how to play this game. Pagkaalis nya ay pumasok nalang ako sa kwarto at humiga.
"Are you tired baby?" Tanong ni Tristan at tumango ako
"Hindi pa. Kakatulog ko lang kanina" Sagot ko sakanya
"Kwentuhan mo nalang ako and I am willing to listen" Assure nya sakin kaya ngumiti ako sakanya
"Ang sweet mo naman. May ginawa ka bang kasalanan?"Tanong ko sakanya
"Syempre wala ikaw lang sapat na" Kindat nyang sabi sakin
Nagsimula na akong magkwento sakanya at masasabi kong interesado talaga sya.
I wish I can stop the time. Me and him. Just the two of us.
BINABASA MO ANG
Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)
Teen FictionScars of Pain Series #2 Elisha Natalie Gonzales is a soft hearted girl especially to her family. She is always obeying her parents even herself forbids it. She will do anything to make her parents proud. When she met Tristan Jace Arden, her life ch...