Nauna akong nagising kay Tristan at kaya nung wala akong magawa ay hinaplos ko nalang mukha nya ang clear skin nya sana all nalang.
"Good morning baby" Bati ko sakanya at hinalikan nya ako sa noo
"Morning. By the way this is my favorite day because you are next to me" Pambobola nyang sabi sakin
"Sige mambola ka pa" Irap kong sabi sakanya
"Sungit ng baby ko" Sabi nya sakin at tumayo na sya
"Siguro dati kang basketball player" Panghuhula ko at tumawa lang sya
Maya maya ay may kumatok na para sabihin na handa na ang agahan.
"Pwede mo ba sabihin sakin kung sino nasa baba?" Tanong ko sakanya
"Yung mga bestie mo tas depende kung nandyan sila mama" Sabi nya sakin at natawa ako sa "bestie"
"Tara na nga sa baba bago pa kita hindi pakawalan" Kindat kong sabi sakanya at hinila ko sya
"Wag na tayo bumaba para di mo na ko pakawalan" Sagot nya kaya tinaasan ko sya ng kilay
Nakipagtitigan pa sya sakin pero di ako nagpatalo sakanya sa dulo naman ay sya na ang umiwas.
"Weak mo naman talo ka" Natatawa kong sabi sakanya
"Handa akong magpatalo basta ikaw kapalit baby" Malambing nyang sabi
"Baba na tayo. Gutom lang yan" Pag iiba ko ng topic
"Bagay yung tshirt ko sayo" Bulong nya at nilagay nya ang kamay nya sa bewang ko
"Syempre kasi bagay ka rin sakin" Sabi ko sakanya at kinindatan ko pa sya
Pagkababa namin ay nagkwekwentuhan sila kasama sila Ira pero nung nakita nila kaming magkasama ay bigla silang tumahimik.
"Si Natalie pala girlfriend mo sabi sakin ng mama mo. Congrats may girlfriend ka na" Masayang sabi ni Tito pero biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Tristan
"Tara na tuloy na natin. Kain na ulit tayo" Awkward na sabi ni Ira at umupo ako sa tabi niya
Habang kumakain kami ay ang tunog lang ng kutsura at tinidor ang naririnig namin.
"Kamusta naman ang nanay at tatay mo?" Tanong ni Tito kaya nabigla ako
"Okay naman po" Maikli kong sagot sakanya
"I heard your father got fired from his work" Bigla nyang sabi at nagulat ako kasi alam nya
"Yes po but the reason po is confidential" Nahihiya kong sabi
"I understand it iha" Sabi ni Tito at ngumiti sya
Maya maya ay sa ibang topic na nabaling ang atensyon nila kaya naman nakahinga na ko ng maluwag.
"What do you want?" Tanong ni Tristan
Siguro kasi nakita nyang nakatingin ako sa pagkain sa harapan ko.
"Ikaw lang sapat na" Bulong ko sakanya at bigla syang naubo
"Anong nangyari sayo anak?" Nagaalalang tanong ng ina nya
"Nabulunan lang po ako" Excuse nya at natawa ako
"Seryoso ako dun kala mo dyan" Pang aasar ko salanya at lumayo sya sakin ng konti
"Ingay mo. Dun ka nga" Sungit nyang sagot at kumain na sya
Pagkatapos kong kumain ay nagpahatid na agad ako kay Tristan kasi baka nag aalala na sila mommy.
"Samahan kita kausapin sila?" Tanong nya sakin
"Wag na kaya ko na to" Sabi ko sakanya
Nagulat ako ng lumabas sila mommy sa main door namin at pagkalingon ko ay lumabas na rin si Tristan. Napaka kulit talaga netong lalaki na to.
"Sorry po Tito ngayon ko lang po sya inuwi. Nagkasiyahan po kasi sila ng mga pinsan tapos hating gabi na rin po kaya samin ko po sya muna pinatulog" Sincere na sabi ni Tristan habang kinakabahan sya
"Hanga ako sayo ikaw pa ang nanghihingi ng tawad" Sagot sakanya ni daddy at ngumiti sya
"May tiwala kami sayo na aalagaan mo anak namin" Nakangiti sabi ni mommy
"Parang pinamimigay mo naman ako" Nakanguso kong sabi sakanila
"Ramdam ko naman na gusto ka ng kunin nito pero hindi lang pwede tama ba ako?" Tanong sakanya ni mommy
"Opo naman" Agad agad naman nyang sagot at inirapan ko sya
Pagkatapos non ay nagpaalam na din si Tristan kasi bigla daw tumawag sakanya ang mama nya nagpapasama.
"Sige pasok na muna kami. Natalie punta ka sa office pagkatapos" Utos ni daddy at tumango ako
Hinintay namin muna namin sila pumasok.
"Tulog ka ulit kapag may time ka ang gulo ko ata matulog" Seryoso kong sabi sakanya
"Sakop mo nga buong kama ko. Nahiya ako sayo bigla kala ko kwarto mo yun kasi konti lang space ko" pang aasar nyang sabi sakin at ngumuso ako
"Sige di na mauulit" Tampo kong sabi sakanya
"Syempre joke lang kahit araw araw nga dun ka na g lang" Sagot nya sakin at natawa ako
Maya maya ay napagdesisyon na nya na umalis kasi nag ring ulit cellphone nya kaya pumasok na sya sa kotse nya at binaba nya ang window sa kabili.
"Bye. Take care. I love you" Sabi ko sakanya at kumaway pa
"I love you too" Sagot nya agad sakin at pinaandar na nya ang kotse nya
Pagkapasok ko sa bahay ay dumiretso na agad ako sa office ni daddy.
"Isang linggo nalang binigay sa daddy mo kapag di pa rin sya nakapagbayad makukulong sya" Bungad agad ni Mommy
"Pero bakit kulong agad?" Naguguluhan kong sabi
"Kasi maraming naapektuhan atsaka yung may ari nasira din yung pangalan kasama ang buong pamilya nya"Mahinahon na sabi ni Daddy
"Malapit na po yung ipon ko siguro mga 2 o 3 nalang" Sabi ko sakanila at ngumiti sakanila kahit ang dami kong pangamba
Lord tulungan mo po kami makaahon sa problema namin
![](https://img.wattpad.com/cover/248216677-288-k346057.jpg)
BINABASA MO ANG
Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)
Teen FictionScars of Pain Series #2 Elisha Natalie Gonzales is a soft hearted girl especially to her family. She is always obeying her parents even herself forbids it. She will do anything to make her parents proud. When she met Tristan Jace Arden, her life ch...