Kabanata 19

137 7 0
                                    

Bigla naman ako nahiya sa suot ko kasi syempre expected ko naka decent clothes ako.

"I am sorry. This is not my plan to introduced you to my mother" Sabi nya sakin

"Okay lang. Akyat muna ako sa taas magpapalit muna ako damit" Bulong ko sakanya kasi nilalamig na ko

"Ma, akyat lang kami. Let's see each other later" Pag papaalam ni Tristan at hinalikan nya sa noo ang nanay nya

Pagkarating namin sa elevator ay bigla akong nilamig kahit meron naman akong towel na nakabalot sakin.

"Are you okay? Tumataas kasi balahibo mo" Concern nyang sabi sakin

"Okay lang ganito lang talaga ako kapag nilalamig" Sabi ko para mawala ang pag aalala nya kahit kaunti

Pagkalabas namin sa elevator ay pumasok na kami sa kwarto at di na ako nag aksaya ng oras pa. Pumasok na agad ako sa cr para maligo at pag kalabas ko ay naginhawaan na agad ako.

"You ready?" Tanong nya sakin at tumango ako

Dumiretso na kami sa restaurant dahil nagtext sakin si Ira na nandon sila. Pagkarating namin dun ay tahimik ang dalawang panig at walang gustong magsalita kaya sobrang awkward.

Umupo na ko sa tabi ni mommy habang si Tristan naman ay tumabi sa kanyang ina pero katapat ko naman sya.

"Let's start eating para hindi lumamig ang pagkain" Pag aaya ni madame at kumuha na kami ng sari sarili naming pagkain

Habang kumakain kami ay nagtatanong naman si madame at magalang ko naman na sinasagot yun.

"How long did you knew my son? Far as I know when you start living in our house that's where you met each other right?" Seryoso nyang sabi sakin

" No po, I knew him since that Adira invite me on the party" Nakangiti kong sabi sakanya at nakatingin lang sakin si Tristan

"Your both parents have worked?" Pagtutuloy nyang tanong sakin

"My father do not have work but my mother has" Sagot ko agad sakanya at tumango sya

" I hope that your parents like my son for you" Sabi nya habang naka tingin sya sa wine glass

Wala na kong maisagot kasi hindi ko alam parang may iba syang meaning na cinoconvey or sayang assumera lang ako.

"Yes, I like Tristan for my daughter" Seryosong sagot ni daddy sakanya

"Very well, that's good" Sabi ni madame at ngumiti sya samin

Pagkatapos ng scenario na yun ay wala na nag swimming ulit dahil na pagod na rin. Kaya napagdesisyun namin ni Tristan na maglakad lakad.

"You know what, I like night walking with the people who are close to my heart. Watching the moon and have peace" Pagkwekwento ko sakanya at nakatitig sya sakin

"I like watching you because I have waste many chances why I didn't pursue you" Honest nyang sabi

"No, our time is right because love takes time. Sabi nga nila diba kung para sayo kahit anong path pa ang daanan magkikita talaga kayo" Sabi ko sakanya

"But your right, I want to buy a house for us in the future" Pag iimagine nya na sabi sakin at natouched ako

Ganito yung nabasa ko sa facebook one time na kapag ang boyfriend mo sinasama ka sa plano nya for the future ibig sabihin gusto ka nyang kasama tumanda.

"Can I design the house?" Masayang kong tanong  sakanya

"Of course, my architect" Sagot nya agad sakin at naexcite agad ako

Nung mga bandang maggagabi na ay nagulat ako na nag eempake na agad sila.

"Ate mag empake ka na po. Sabi ni Tita need na daw po natin umuwi" Sabi naman ni Summer sakin at napakunot ang noo ko

Nag ayos nalang ako ng gamit at mamaya ko na tatanungin sila mommy kung bakit. Pagkababa namin ay nandoon na sila daddy at mama. Lumapit na ko sakanila.

"Bakit po? anong nangyari?" Tanong ko sakanila at walang isang sumasagot sakin

"Pagkauwi nalang natin tsaka ko ikwekwento" Sabi ni mommy at dali dali syang pumasok sa sasakyan

Pumasok na rin ang mga pinsan ko at tumingin muna ako sa dagat na parang nagpapaalam.

"Uuwi na kayo?" Kunot na tanong ni Tristan

"Something came up pero hindi ko pa alam kung ano" Sabi ko sakanya

"Okay. Just text me when you are home and don't forget to call or text me you know that I always say that to you" Paalala nya sakin

"Yes papa" Pang aasar ko sakanya at kinurot nya ang pisngi ko

"Natalie tara na" Pag aaya ni mommy at lumingon kami sa sakanya

"Bye, see you when you get home. I love you"  Sweet nyang sabi sakin

"I love you too" Sagot ko sakanya at hinalikan nya ako sa noo

Pagkapasok ko sa sasakyan ay sa window ako pumwesto at kumaway ako kay Tristan, ganon din ang ginawa nya.

Habang nasa byahe kami ay sobrang tahimik namin pero di ko parin alam kung bakit kami biglaan umuwi. Pagkarating namin sa bahay ay nasa labas sila manang at umiiyak.

"Anong nangyari manang?" Tanong ko sakanila

"Kanina habang nasa kwarto kami para magpahinga may pumasok na magnanakaw tapos tinutukan kami ng baril" pagkwekwento nya at di ko alam ang sasabihin ko

Pagkarating ko naman sa aking kwarto ay magulo ang mga damitan, kama at binuksan ko ang side table. Wala namang nawawala.

Pagkapunta ko kila mommy sa kabilang kwarto ay pareho silang nakaupo sa lapag at hawak nila ang isang lalagyan. Magkayakap din sila.

"Mommy anong nawala?" Tanong ko sakanya

"Nawawala yung dapat pang bayad natin sa kompanya. Napakalaki na ng pera na naipon namin doon ng daddy mo. Konti nalang ang kailangan" Tulala na sabi ni mommy at bigla nalang bumagsak ang luha ko

Hindi ko alam kung anong gagawin dahil ang dami na nangyayari sa buhay kong hindi maganda. Masama ba maging masaya kahit kaunti? Mahirap ba yung hinihingi ko?

"Wag kayong mag alala mag tutulong tulong tayo ulit para makapagbayad tayo" Wala sa sarili kong sabi at nagyakapan nalang kami

Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon