Kabanata 31

153 7 0
                                    

Lumipas ang ilang buwan simula nung nangyari yun at mahirap dahil sobrang sakit lalo na sa parte ni mommy. Ako ang naging sandalan nya at minsan ay napapaluha nalang ako sa gabi.

"Mommy papasok ka po ba sa office ngayon?" Tanong ko sakanya

"Yes anak ikaw?" Balik nyang tanong sakin

"May photoshoot po ako" Sagot ko sakanya at ngumiti sya sakin

Sabay kami na lumabas at malapit na kami sa pinto ay biglang napatigil si mommy.

"Wait balik muna ako sa bahay nakalimutan ko yung gamit ko" Sabi ni mommy at tumango ako sakanya

Hinintay ko sya sa may gate at ilang minuto lang ay lumabas na kami. Pagkapasok namin sa kotse at sinubukan ni mommy iistart yung kotse ayaw.

"Dun nalang tayo sa kabila" pagbibigay nyang alam at bumaba na ko sa kotse

Pagkaalis namin ay syempre ako muna ang ibaba nya.

"Umuwi ka maaga mamaya may suprise ako sayo" Nakangiti nyang sabi at niyakap ko sya

"Okay see you later. I love you" Sabi ko sakanya at nag flying kiss pa ko sakanya

Pagkapasok ko sa loob ay otomatiko na naging seryoso ang mukha ko.

"Namiss kita bakla ka" Bungad na sabi ni Ysabell

"Sorry marami kasing nangyari kaya ngayon lang" Sagot ko sakanya

"Condolence pala" Malungkot nyang sabi at hinawakan nya ang kamay ko

Habang naglalakad kami ay puro chismis lang pinaguusapan namin pero madalas naman na sya yung nag sasalita. Pagkarating namin sa tamang floor ay tumahimik na kami.

"Magandang tanghali" Nakangiting sabi ng director at nagbow ako ng konti sakanya to give respect

Pagkatapos naman nun ay tinignan ko ang mga kasama ko at sila sila parin. Maganda yun kasi para di ako mailang.

"Okay start na tayo. You know what to do Natalie" Sabi sakin ng camera man

Nagsimula na ko mag pose sa harap ng camera at katulad noon ay impress na impress pa rin sila sakin. Ganon talaga kapag maganda char not char.

"Nice Job Natalie you never failed me" Nakangiting sabi ni Ate na nagpipicture sakin

"Ako pa ba" Kindat kong sabi sakanya at ngumiti sila sakin

Ayun lang ginawa ko buong araw ang mag photo shoot pero okay lang kasi dagdag ipon para samin na din ni mommy yun.

"Tawagan ka nalang ulit namin kapag need mo na ulit mag photoshoot nako ang dami ngang kumukuha sayong iba" Pagkwekwento sakin ng director at tumawa nalang ako sakanya

"Ayaw nyo po ba ako pakawalan?" Tanong ko sakanya

"Ayoko dito kalang samin" Sabi nya sakin at ngumiti sakanya

"Sana all di pinakawalan" Bulong kong sabi

"Diba pinakawalan mo sya" Di mapigilan na sabi ni Ysabell

"Alam mo pasmado bibig mo masyado" Masungit kong sabi at tumawa pa ang gaga

"Ay sorry natamaan ka pala wala naman akong sinasabing pangalan" pangangatwiran nya at tumawa silang dalawa

"Grabe naman kayo sakin ganyan nyo pala ako kamiss kaya mahal ko kayo eh" Sabi ko sakanila at nagtawanan nalang kami

Marami silang kinwento sakin at nagkwento din naman ako sakanila minsan din ay nag cocomment din ako sa sinasabi nila.

"Bye na uwi na ko nandyan na sundo ko" Sabi ko sakanila

"Sana all may nagsusundo" Sagot naman ni Ysabell

"Gaga nanay ko yun" Sabi ko sakanya at inirapan ko sya

"Let na let ka nanaman baka tumanda ka nyan ng maaga" Mahina nyang sabi at tinalikuran ko sya

"Bahala ka dyn bye na nga" Pananapos ko ng usapan at bumaba na ko

Hinintay ko na dun si mommy dahil ang sabi nya sakin ay mabilis lang daw ang byahe kaya ilang minuto lang ako naghintay.

"Good Afternoon my supermodel slash my future architect" Sabi ni mommy at ngumiti pa sya sakin

"I am excited for your suprise for me" Masaya kong sabi sakanya at tinuro nya ang backseat kaya tumingin ako dun

"I bought you a new laptop kasi sabi mo sakin nasira na yung gamit mo" Sabi nya at napangiti ako

"Thank you very much mommy pero sana hindi na muna dahil kaya pa naman ng laptop ko naghihinalo lang pero di pa natutuluyan" Pagkwekwento ko sakanya at natawa pa sya sa sinabi ko

"Ikaw talagang bata ka palagi mo nalang akong iniintindi gawin mo din namang masaya ang sarili mo kasi deserve mo naman yan" Sagot nyang sabi at tumango ako

Habang nagmamaneho si mommy ay bigla akong kinabahan di ko alam kung bakit kaya kumakanta nalang ako sa utak ko para di ko na naiisip kung bakit ako kinakabahn at mukha naman syang effective.

"How's your shoot by the way?" Tanong ni mommy

"Sobrang okay at ang talented ko daw" Sabi ko sakanya

"Syempre nagmana ka samin ng daddy mo kaya ganon wala ng nakakagulat doon" Kindat na sabi ni mommy sakin

Nung patawid na kami sa intersection ay nagulat ako dahil may paparating sa gilid ko na kotse na sobrang bilis ng pagpapatakbo at malapit na sya samin. Maya maya ay bumangga ang kotse nya samin.

"Mommy!" Sigaw ko at cinover ko ang kamay ko sa mukha ko para maiwasan ang bubog na tumama sa mukha ko

Sa sobrang hilo at natamo kong sugat ay nahimatay ako. Mga ilang oras na ata nung nagising ako dahil marami ng tao sa paligid mga police at ambulansya.

"Mommy" Sabi ko at inalog ko sya sa balikad

Mas marami ang kay mommy dahil siguro sa impact ay sakanya napunta at napaiyak na rin ako.

"Ma'am dahan dahan kayong lumabas" Sabi ng isang taga ospital kaya tumango ako

Tinulungan nya akong lumabas at inalalayan papunta sa sasakyan nila at kasunod naman si mommy na nakahiga sa wheeled stretcher.

Umalis na kami at habang nasa sasakyan ay pumikit ako at narealize ko kaya siguro may nakalimutan si mommy at ayaw gumana ng kotse kasi sign na yon na wag tumuloy.

Hinawakan ko ang kamay nya habang tinititigan ko sya sa mukha. Maya maya ay narinig kong tumunog ang heart rate monitor na nag iindicate na tumigil ang tibok ng puso nya.

"Mommy wag mo muna akong iwan oh kailangan pa kita" Umiiyak kong sabi

"Mommy please stay with me. Daddy tell mommy to go back" Nakapikit ko na sabi

Habang tumatagal ay tunog pa rin sya ng tunog at ilang minutong nakalipas ay ganon parin kaya tinignan na ko ng mga kasama ko dito kaya alam ko na ibig sabihin nun.

I lost my parents in a same year. Sobrang sakit para akong pinapatay ng paulit ulit

Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon