Kabanata 27

155 7 0
                                    

Ilang araw simula nung nagbreak kami ni Tristan at si mommy naman ay medyo okay na kumpara dati.

"Alam mo daddy, si mommy ginagawa na nya ulit yung ginagawa nya" Nakangiti kong sabi kay daddy

"Namimiss ko na kayo ng mommy mo" Malungkot na ngumiti si daddy

"Miss ka na rin po namin sobra" Sabi ko sakanya at niyakap ko pa sya

"Kwentuhan mo pa nga ako" Interesado nyang sabi

"Wala na din po kami ni Tristan" Mahina kong sabi sakanya at mukha pa syang nagulat

"Bakit? Anong nangyari? Sya nakipag break nako iharap mo sakin yung lalaking yun sasapakin ko" Galit nyang sabi

"He don't want me to let go but I give up" Wala sa sarili kong sabi

"Bakit?" Tanong nya ulit sakin

"Kasi nasaktan po ako. Feeling ko niloko nya ako. Tinanong ko sya kung may tinatago ba sya at ang sabi nya wala daw." Honest kong sabi sakanya at hinawakan nya ang kamay ko

"I am sorry anak nadamay pa yung relationship nyo" Paumanhin ni daddy sakin

"Okay lang po daddy. Kung para talaga kami sa isa't isa mangyayari po yun" Mahina kong sabi sakanya at alam kong nasasaktan din sya para sakin

"Ilang taon lang naman ako dito kaya kapag nakalabas na ko. Babawi ako sainyo" Sabi nya at lumiwag na agad mukha ko

"Hintayin ko yan daddy" Masaya kong sabi at tumango sya sakin

Maya maya ay may biglang tumawag sakin at nakitang ko si mommy yun.

"Yes po?" Tanong ko sakanya

"Sunduin mo ko dito sa office ko maaga akong nag out" Sabi nya sakin at ngumiti ako

"Sige po. I am on my way" Sagot ko sakanya at binaba na nya ang call

Pagkatago ko ng phone ko at inayos ko na rin mga gamit ko.

"Daddy bye na sunduin ko muna si mommy sa office nya" Pagpapaalam ko sakanya at humalik ako sa pisnge nya

"Sige anak. Ingat ka sa pamamaneho mo" Papapaalala nya sakin at tumango ako

Pagkalabas ko ay inistart ko na agad ang kotse ko at dumiretso na agad ako kay mommy. Pagkarating ko doon ay naghihihintay na sya sa labas ng opisina nya.

"Bumisita sa daddy mo?" Tanong ni mommy

"Yes po" Sagot ko sakanya at ngumiti sya sakin

"Gusto kong bumawi sayo sa ilang araw kong malungkot ikaw yung naging sandalan ko" Bulong nyang sabi sakin at hinaplos pa nya ang buhok ko

"Saan po tayo?" Tanong ko sakanya

"Saan mo ba gusto? Sagot kita ngayon" Kindat nyang sabi sakin kaya lumiwanag ang mukha ko

"Dun tayo sa may national bookstore" Jolly kong sabi sakanya

"Okay. Drive ka na" Sabi nya at nagsimula na akong magdrive

Habang nagdridrive ako ay kinukwentuhan ako ni mommy kung anong nangyari sa araw nya at paminsan minsan ay sumasagot din naman ako kung may comment ako.

"We're here" Pagaannounce ko at pinatay ko na ang makina ng sasakyan

Nauna na akong lumabas at tinignan ko ang malaking national bookstore na nasa harapan ko.

"Tara na" Sabi ni mommy at nilahad nya ang kamay nya

"Tara" Sagot ko at humawak na ko sakanya

Pagkapasok namin ay tumakbo na agad ako sa mga libro at naghanap na ako.

"Matagal kong hindi nakita yung ngiti mo na yan" Mahinang sabi ni mommy

"Mommy naman" Mahinahon kong sabi at hinaplos nya lang braso ko

Pagkatapos kong mamili ng libro ay binayaran na ni mommy at dumiretso na kami sa bahay.

"Kailangan na natin magbawas ng katulong kasi masyado nang magatos pero kung papayag sila na kalahati lang ibabayad edi stay sila" Pag iinform na sabi sakin at tumango lang ako

Pagkapasok namin sa bahay ay tinawag na ny ang mga lahat ng aming kasambahay.

"Magandang Hapon sa inyong lahat. Kailangan na namin magbawas ng katulong dahil sa personal na rason pero kung papayag kayo na hindi buo ang akimg ipapa sweldo sainyo ay sige maari kayong manatili. Kaya pag isipan nyong mabuti kung tatanggapin nyo ba o hindi. Ayon lang naman" Mahinang sabi ni mommy at tumango ang mga katulong

Eto na ang simula ng pagbabago ng aming buhay

Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon