Kabanata 14

138 7 0
                                    

Naiwan ako sa bahay kinabukasan kasi sila mommy may aasikasuhin at sila manang naman ay namalengke. Kaya eto ako ngayon nanonood ng tv. May naramdaman ako na parang laser na nakatutok sakin kaya kinakabahan ako.

"O my god. Kanino galing to? " Bulong kong sabi sa sarili ko at umalis ako na kinauupuan ko

Nakatulala lang ako dahil hindi ko alam kung sinong may galit samin pero may naisip ako na pwedeng may gumawa nito.

"Mommy, pwede bang umuwi muna ako sa probinsya natin?" Tanong ko kay mommy habang kausap ko sya sa phone

"Bakit? Anong gagawin mo dun?" Balik nyang tanong saakin

"Miss ko na kasi sila mama atsaka para bakasyon na rin" Pag rarason ko sakanya

Pinagdadasal ko na sana maniwala sila. Kasi ayoko naman na sabihin yung totoong rason baka madamay pa sila.

"Sige, may kotse na isa dyan ayun nalang gamitin mo tapos kapag natapos kami ng daddy mo ng maaga pupunta din kami kila mama" Sabi sakin ni mommy

"Okay po see you later" Pagpapaalam ko at umakyat na ko sa taas at nag impake ng mga damit ko

Kinuha ko na rin ang susi sa opisina ni daddy dahil nandon lahat nakatago at nag iwan nalang ako ng note na aalis ako.

Sinimulan ko na buksan ang makina ng kotse tsaka ako umalis. Mahigit dalawang oras din ang byahe papuntang probinsya ni mommy. Pumasok na ko sa loob ng bahay at nakita ko si mama na nanonood ng tv.

"Mama I miss you" Bungad na sabi ko at niyakap ko sya

"Kasama mo mommy mo?" Tanong nya sakin

"Hindi po may inaasikaso po sila ni daddy biglaan lang po talaga yung pagpunta ko dito" Pagkwekwento ko sakanya

"Ikaw talagang bata ka. Tara nasa kwarto ang mga pinsan mo" Pag aaya sakin ni mama at tumayo na kami

"Sige po tawanan ko po muna sila mommy para malanan nila na nandito na po ako. Sunod po ako sayo" Magalang kong sabi at tumango si mama

Pagkatapos ko na tawagan si mommy ay pumunta na ko sa kwarto at pagkapasok ko sa kwarto ay saktong naglalaro sila. Hula ko ay truth or dare yun.

"Hi ate Isha namiss kita" Nakangiting sabi ni Kenshee at niyakap ako

"Miss ko na rin kayo. Naglalaro kayo ng truth or dare?" Tanong ko sakanila at sabay sabay silang tumango

"Opo gusto mo sumali?" Balik na tanong sakin ni Denise

"Sure" Masaya kong sabi at umupo ako

Pinaikot na ang baso at kamalas malasan naman at saakin pa tumapat.

"Truth or Dare?" Tanong sakin ni Althea

"Dare nalang para may thrill" Sagot ko sakanya

"Call the first person in your messages tapos kakausapin namin isa isa"Sabi ni Summer

Binuksan ko na ang phone ko at sakto din na kakatext lang ni Tristan kaya sya tinawagan ko.

"Yes baby bakit?" Tanong nya sakin

"May mga kakausap sayo dare lang" Pag iinform ko sakanya

"Sino ba?" Tanong nya

"Wait lang" Sabi ko sakanya at nilahad ko ang cellphone ko sa harap

Unang kinuha ni Kenshee at niloud speaker pa nya.

"Hi" Masayang sabi ni Kenshee

"Hi baby girl" Bati naman ni Tristan sakanya at ngumiti ako

"Ano mo si Ate?" Tanong naman ni Denise

" Manliligaw" Vocal nyang sabi

"Wag mo sasaktan to ah. Kapag ginawa mo yun mahihirapan ka ng makuha sya ulit understood?" Awtoridad na sabi ni Summer

"Yes po ma'am" Natatawang ni Tristan sakanya

"Good buti nagkakaintindihan tayo. Pakita ka samin kapag may time ka marami kaming tanong sayo" Seryosong sabi ni Althea

"Masusunod po" Magalang na sabi ni Tristan kaya natawa ako

"Good. Buti nagkakaintindihan tayo" Sagot nila ng sabay sabay

Nung tapos na sila makipag usap ay tinanggal ko na sa pagka loud speaker.

"Sorry ha nasama ka pa sa kalokohan na ginagawa namin. Naglalaro kasi kami truth or dare tas talo ako" Nakanguso kong sabi

"Okay lang cute naman ng mga pamangkin mo" Sabi nya sakin

"Pero mas cute ako diba?" Tanong ko sakanya

"Syempre naman baby" Sagot agad nya sakin

"Baby baby pa babytawan din naman" Sagot agad ni Kenshee at natawa kami

Naalala ko yung sinabi ni Adira last time pareho sila.

"Sige na bye na thank you sa pakiki pagcooperate sa mga kalokohan ng mga pamangkin ko. Ingat ka dyan" Sabi ko sakanya

"Ingat din bye" Pagpaalam nya at binaba ko na yung call

"Ano pwede na? Pasado na?" Tanong ko sakanila

"I like Kuya Tristan na" Random na sabi ni Kenshee

"Same here" Sabi naman ni Althea

Pinagpatuloy namin ang nilalaro namin hanggang sa napagod na din sila pero ang saya maglaro ng ganito nakakamiss.

"Iha pwede ba kitang kausapin?" Tanong sakin mama

"Sige po susunod po ako" Sagot ko sakanya at tumayo ako sa kinauupuan ko

"Tapatin mo nga ako bakit ka umuwi dito?" Diretso nyang tanong sa akin

"Wag nyo pong sasabihin kila mommy" Sabi ko sakanya

"Buntis ka?" Gulat na tanong nya sakin

"Mama naman syempre hindi wala pa akong boyfriend" Sagot ko agad sakanya

"Ano?" Seryoso nyang sabi sakin

"Kanina po sa bahay habang nanonood ako ng tv tas feeling ko may nakatingin sakin kaya luminga linga ako sa paligid tapos wala namang tao kaya pinagpatuloy ko panonood ko" pagkwekwento ko sakanya

"Tapos?" Sabi nya sakin

"May nakita akong laser na nakatapat sa dibdib ko kaya kinabahan ako parang hindi na safe sa bahay" Mahina kong sabi

"Anong klaseng laser yun?" Tanong sakin ni mama

"Laser po na galing sa baril para mabilis nila agad matarget" Natatakot kong sabi at bigla nalang tumulo ang luha ko

Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon