Kabanata 21

131 6 0
                                    

"Okay we'll take a break and after that we will continue the photo shoot" Seryosong sabi ng staff

Kaya tumayo na ko tsaka pumunta sa back stage para makapagpahinga ng konti.

"Hoy bakla okay ka lang ba? Araw araw mo ng sinasalo yung photo shoot" Pag aalalang sabi ni Ysabell sakin

"Oo naman okay lang ako. Kailangan ko lang talaga ng pagkukuhanan ng pera" Pagkwekwento ko sakanya

"Magkano ba kailangan mo? Pahiramin muna kita tas bayaran mo nalang pag nakaluwag luwag ka na" Sincere na sabi ni Ysa at natetemp akong sabihin sakanya

Hindi nalang ako nagsalita para madismiss agad ang pinaguusapan namin because I am a bit sensitive when it comes to family problem especially when we are not super close.

Maya maya ay tinawag na ulit ako para ituloy yung photo shoot.

"Fierce" Sabi ng cameraman kaya ayon ang ginawa ko

Marami pa kaming shot na ginawa bago nya sinabi na tapos na.

"Ayaw mo talaga mag artista?" Tanong sakin ng staff

Dahil sa tanong nya ay nabuhayan ako pwede din naman na pag isipan ko muna.

"Pag isipan ko po muna" Sagot ko sakanya at ngumiti sya saakin

"Aasahan ko yan iha" Nakangiti nyang sabi at tumango sya

Pagkalabas ko ng building ay nag aabang sakin sila Mielle.

"Tara na kumpleto na tayo" Pag aannounce nya at hinila na nya kamay ko

Habang nasa sasakyan kami ay sobrang clueless ko kung saan kami pupunta kaya di ko na napigilan na magtanong sa kanila.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanila

"Bar" Sabi naman ni Licelle

"You don't need to worry about the expenses. We got you" English na sabi ni willow at tumango nalang ako

May tiwala naman ako sa mga to. Pagkarating namin sa bar ay mukha syang mamahalin at hindi ka basta basta makakapasok. Nagulat nalang ako kasi dire ditetso lang ang pasok namin at wala man lang pinakita na id.

"Bakit hindi tayo hinarang? Like dapat di ba strict sila" Naguguluhan kong sabi

"Sis kilala na kami dito kaya hindi na kailangan nun" Sabi ni Ira at inakbayan pa nya ako

Pagkapasok ko ay expeceted ko na maingay. Syempre hindi ko na first time to kaya alam ko na.

"Tara upo muna tayo" Pag aaya ni Mielle

Pagkaupo naman namin ay agad silang umorder ng mga inumin.

"Bakit naman puro hard to?" Singhal ko sakanya

"Para mag enjoy ka" Sabi nya at kinindatan ako

Ang talino talaga netong tao na to. Siguro may gusto tong malaman kaya ako nilalasing. Wala naman syang makukuha saking mga impormasyon.

"Hoy Mielle ang dami walang bukas?" Sagot ni Licelle

"Hindi ko naman sinabi na uubusin natin yan para may choices tayo" Pangangatwiran nya

"Dami nating pera ngayon ah"  Gatong naman ni Ira

"Syempre duh mayaman din nanlibre edi lubos lubusin na natin" Seryoso nyang sabi kaya natawa nalang ako sakanya

Nagsimula kaming uminom pero ako ay dahan dahan lang para hindi agad ako malasing kasi mababa yung alcohol tolerance ko.

"Ang daya nito ni Natalie konti lang iniinom" pagpupuna ni Ira at tumawa pa sya sumabay din ako dalawa

Shocks may tama na tong mga to. Nababahala tuloy ako kung sino maghahatid samin mamaya.

"Anyway, anong problema mo? Ready to listen kaming mga gaga" Sabi ni Mielle

"Napagod lang siguro ako this fast few weeks kaya siguro ganito ako" pagrarason ko sakanya

"Basta kapag need mo ng kahit ano kasama na pera papahiramin kita" Concern nya saking sabi at tumango ako

"Kaya mahal ko kayo" Nakangiti kong sabi at sinuklian din nila ako ng ngiti

Maya maya ay may lumapit sa table namin at hula ko ay nakatingin sya kay Ira kaya feeling ko interesado ang binata sa kaibigan ko.

"Hi miss can I get your number?" Tanong ng lalaki

"I am not interested" Malamig na sabi ni Ira

"Ang damot mo naman" Sabi ng lalaki

Sasagot na sana ako pero may nauna sakin.

"Pag sinabing ayaw wag pilitin. Di mo ba alam yung word na not interested" Sagot ng lalaking nasa likod nya at nakalagay pa ang kamay nya sa bulsa

"Sino ka ba? Bakit ka nangingielam?" Naiirita na sabi ng lalaki

"Girlfriend ko yan. May problema ka ba?" Maangas nyang sabi

"Wala" Sabi ng lalaki at tumalikod na samin

Lumapit samin ang lalaki at namumukaan ko sya.

"Ira sya yung kaibigan ni" Bitin kong sabi sakanya

"Di kita boyfriend" Sagot naman ni Ira at mukha na syang tipsy

"Ang kulit mong babae ka" Sabi ng kaibigan ni Tristan

"Edi iwan mo na ko" Mahinang sabi ni Ira at pinaglaruan nya ang shot glass nya

"Pero mahal pa din kita" Dugtong ng lalaki at wala ni isang nagbalak gumalaw

Tinignan ko ang oras at mag aalas dose na kaya sabi ko umuwi na kami wala naman silang angal kasi may tama na din sila.

Pagkalabas ko namin ng bar ay may nakita akong isang familiar na kotse sa malapit kaya tinignan ko. Pagkakita ko ay si Tristan iyon natutulog. Kaya kumatok ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya

"I am waiting you so that I can drive you home" Mahina nyang sabi

"Pwede bang sa bahay nyo nalang ako matulog para di ka na mahirapan?"Tanong ko ulit

"Kahit araw araw nga eh. Di na kita iuuwi sainyo. Mine na kita" Maharot nyang sabi at natawa lang ako

"Pre sabay mo din tong dalawa mong pinsan" Sabi ng kaibigan nya at tumango lang si Tristan

Pagkasakay ng dalawa sa kotse ay hindi na kami nakapag usap ni Tristan dahil kung ano ano pinagsasabi ng dalawa. Pagkarating namin sa bahay nila ay pinagbuksan kaming tatlo ni Tristan ng pinto.

"Manang padala po yung dalawa sa guest room" Pag uutos ni Tristan at tumango naman si manang

"Sama na ko" Sabi ko sakanya at maglalakad na sana ako palayo sakanya pero pinigilan nya ako

"You will stay with me tonight" Bulong nyang sabi at napalunok ako

Pagkapasok namin sa kwarto ay sinalubong na ko ng malamig na aircon at nagtaasan ang balahibo ko sa braso.

"Hinaan ko nalang. Madali kasi akong mapawisan" Mahinahon nyang sabi at umupo ako sa kama nya

Nakaisip ako ng kalokohan siguro dahil naka inom na rin ako.

"Gusto ko ng baby" Random thoughts kong sabi at mukhang natigilan sya

"Hindi pa pwede" Sagot nya sakin at natawa ako

"Tapos gusto ko kahit dalawa lang. Sa tingin mo?" Natatawa kong sabi sakanya

Lumapit sya sakin at umupo sya sa tabi ko.

"Hihintayin ko muna yung panahon na may nakalagay na singsing sa kamay mo bago kita bigyan ng baby atsaka kapag ready and kaya natin magprovide para sa sarili natin. Pero ngayon ikaw muna baby ko" sabi nya at kinindatan nya ako

Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon