Kabanata 7

181 9 0
                                    

"Hop in" Pagbabasag nya ng katahimikan kaya di na ko umapila

Pagkapasok ko sa kotse nya ay hindi nya muna agad pinaandar.

"Ano ibig sabihin mo sa sinabi mo kanina?" Clueless kong tanong sakanya

"Manhid mo naman" Sabi nya agad at kumunot agad noo ko

"Paano ako naging manhid?" Tanong ko ulit sakanya

"Basta next time ko nalang sasabihin pag di ka na manhid" Natatawa nyang sabi at sinamaan ko sya ng tingin

"Sorry din pala sa inasal ko nung isang araw" sincere kong sabi

"Ako dapat mag sorry kasi ako talaga may kasalanan" Sabi nya at ngumiti nalang ako sakanya

Tumingin nalang ako sa labas at nagulat ako dahil malapit na mag gabi. Siguro nagsisimula na yung party ni Ira. Oo nga noh teka bakit ko to kasama.

"Hoy bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya

"Bakit? Problema mo?" Balik nyang tanong sakin

"Diba kasama ka sa mag sasayaw kay Adira nakakahiya sa mga bisita kapag hindi ka sumipot" Sabi ko agad sakanya

"Chill ka lang dyan binibilis ko na nga takbo ng sasakyan para umabot ako" Mahinahon nyang sabi

"Paki ulit ng sinabi mo?" Shock kong sabi sakanya

"Dadalhin kita sa party whether you like it or not, you will be my date" Walang pakialam nyang sabi

"Para naman di ka makakapunta dun na wala ako" Mahina kong sabi

"Hindi talaga" Straight forward nyang sabi

"Grabe ka naman baka mafall ka sakin" Pang aasar ko sakanya

"Sisiguraduhin ko kapag na fall ako sayo kasabay kita para win win" Sagot nya sakin at tumahimik nalang ako

Maya maya ay nakarating na din kami sa venue at hindi na ko nagulat na engrade talaga ang selebrasyon. Pagkahinto nya sa entrance ng venue ay marami pa ding naka abang na reporter.

"Ganito plano. Una ka na lumabas tapos susunod nalang ako okay" Seryoso kong sabi sakanya

"Ano bang sinasabi mo dyan? Syempre sasabay ka sakin no buts" Sabi nya agad at lumabas na sya

Automatic na bumaling ang mga atensyon ng mga reporter kay Tristan pero hindi niya pinansin ang mga ito. Binuksan nya ang pinto ko at nakipagtitigan pa ko sakanya ng matagal bago lumabas.

Pagkapasok namin ay sumalubong samin ang lamig at tinignan ko ang mga bisitang pumapasok. Mga naka long dress kaya tumingin ako kay Tristan pero tuloy tuloy lang lakad nya.

"Tristan" Tawag sakanya ng isang babae at ngumiti sakanya

Hindi ito pinansin ni Tristan pero parang kailangan ata nila mag usap.

"Sige na kausapin mo muna tapos hintayin nalang kita" Sabi ko sakanya at nag aalinlangan pa sya pero sa huli ay sumunod nalang sya

Habang hinihintay ko sya ay iniikot ko ang mata ko para suriin ang paligid di ko na rin namalayan na naglalakad na pala ako papunta sa room ng event ni Adira.

"Ma'am may invitation po ba kayo? No invitation, no entry policy po" Sabi nya sakin at natameme mo ako

Hindi ko kasi dala yung invintation na binigay nya sakin kanina.

Reminiscence Underneath the Tears (Scars of Pain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon