Chapter 10

2.2K 56 19
                                    

"Hindi ko alam na gustong-gusto mo pala ang panonood ng sunset."

Napalingon ako sa kan'ya nang magsalita ito. Kapwa kami nakatanaw sa paglubog ng araw dahil nagpapahinga pa sa kakatapos lang na pagjejetski kanina.

Tumango ako bago nag-iwas ng tingin. "Uh, oo."

Tumikhim siya saka umayos ng upo. "Alam mo ba na ilusyon na lang ang nakikita natin at hindi na mismo ang sunset? What we see in the sky is just the refraction of the sun. The Earth’s atmosphere bends the sunlight, which enables us to see the sunset. Pero sa oras na ito, ang araw ay lumubog na ng malalim sa abot-tanaw natin."

Namangha ako sa sinabi niya. I grew up loving the sun, especially the sunset. Noong bata ako, madalas kaming magpunta ni Dada sa labas para panoorin ang paglubog ng araw. Ang turo kasi sa akin ni Dada, sabihin ko raw sa araw lahat ng problema ko para isama niya ang mga iyon sa paglubog. Nakasanayan ko ng gawin iyon sa tuwing may problema ako, para kasi sa akin ay epektibo, biglang gumagaan ang pakiramdam ko.

Muli ko siyang nilingon. "Kung gano'n, hindi pala sunset ang nagustuhan ko, ilusyon na lang?"

Itinaas nito ang kilay, bahagya akong tiningnan. Iniunat niya ang mga paa palapit sa dagat. Kasabay noon ang mahinang pag-alpas ng mga alon kaya naaabutan na ang mga paa nito.

"Pagmasdan mo ang dagat." Sabay kaming tumingin sa dagat. "Kung titingnan mong mabuti, parang binibigyan tayo nito ng illusyon na nakikita natin ang hangganan nito. Pero ang totoo, iyon na lang ang hangganan ng abot-tingin natin. Walang masamang nagustuhan mo ang isang ilusyon, Nat. Para sa akin, isa iyong magandang ideya."

Napangiti ako. Seryoso kasi ang pagkakasabi ng lalaki, aakalain mong seryoso talaga ang usapan naming iyon. Nahuli niya ang pagngiti ko kaya napayuko ako. Tumayo siya mula sa pagkakaupo kaya napaangat din kaagad ng tingin. Pinagpag nito ang suot na board short bago niya ako nilingon.

"Nat, tara na. Baka hinahanap na nila tayo."

Tinanguhan ko siya. Tumayo na rin ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad.

Eksakto namang kumakain na ng hapunan nang makarating kami. Mukhang nag-ihaw ang mga ito habang wala kami. Maingay ang lahat sa mesa kaya hindi pa napansin ang pagdating namin. Si Tito Neil ang unang nakakita na kaagad kaming inayang umupo na. Nginitian ko lamang ito nang mapalingon sa akin.

"Kumusta ang pagjejetski, Thalia, Rhett? Payapa ang dagat kanina kaya hindi gaanong delikado."

"Okay lang, Pa. Nag-enjoy kami ni Nat. Nandito rin pala sina Manong Greg, Pa? Nagjejetski pa rin pala siya."

Si Rhett ang sumagot kay Tito. Si Manong Greg pala 'yon. Siya 'yong sumunod sa amin ni Rhett nang masyado nang nakakalayo sa pampang. Hindi ko siya kilala, nahihiya naman akong itanong siya kay Rhett.

"Siya naman ang madalas na naiiwan dito, hijo. Madalas sigurong sumakay kaya hanggang ngayon, marunong pa rin."

"Si Greg? Kabatch natin, Niel?"

Unti-unti nang nakisali ang iba pa nang tuluyang napag-usapan ang lalaki kaya hindi na rin kami nakasingit. Sariwa ang mga isdang naihaw kaya doon ko na lang itinuon ang pansin. Paminsan-minsan ay napapalingon nga lang kay Vios dahil nagkikipagbiruan kay Rhett. Mukhang may balak din yata itong subukan ang jetski.

"Sa susunod na pupunta kami doon, isasama ka namin. Para naman may kasamang sumigaw ang ate mo."

Tumawa ang dalawa. Nilingon ko ang lalaki, nakatingin ito sa akin kaya sinamaan ko ng tingin. Nagkibit-balikat lang ito saka tiningnan si Vios, tinutukso ako. Inirapan ko na lang sila, hindi na nakipagtalo pa.

Her Last DanceWhere stories live. Discover now