"Do you know what you're thinking, Rhett?"
Mababa ang boses nitong tinanong ang anak. Malamyos man iyon, alam kong masakit iyong tanong para sa kaniya.
Kinuha ni Mama ang itinapong papel ni Tita. Binasa niya iyon kaya nakiusyoso ako. Nabigla kaming pareho nang makitang DNA test iyon nina Tita at Rhett, 99.9% match ang dalawa, kinukumpirmang mag-ina nga sila. Galing iyon sa hospital kung saan kami pumunta noong nakaraan.
Hindi makapaniwalang tinignan ko ang pinsan. Wala man lang itong reaksyon, nakayuko lang, hindi mapantayan ang tingin ng mga magulang sa harap. Tahimik naman si Tito Niel, tila tinatantiya pa kung anong dapat gawin sa nangyayari.
Hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat, ang maisip niyang magsagawa ng DNA testing para mapatunayang tunay na anak siya nina Tita. Sa mga araw na magkasama kami, wala man lang itong nabanggit kahit pa si Pietro na kaibigan niya. Hindi naglilihiman ang dalawa pero sa tingin ko'y wala ring alam ang lalaki.
"Rhett...anong..."
Pinigilan ko ang tangkang paglapit ni Mama kay Rhett. Nilingon niya ako kaya umiling ako. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil alam kong kasabwat ako ni Rhett kahit papaano. Ako ang kasama niya nitong mga nakaraang araw kaya tiyak kong maiisip nilang alam ko ang dahilan kung bakit nagawa ito ng pinsan. Napayuko ako.
"Anak n'yo nga ako..."
Muling napahagulgol ang tiyahin matapos marinig ang sinabi ng anak. Hindi ko mawari kung bakit niya iyon nasabi. Bakas ang lungkot sa boses nito, hindi ko nga lang alam kung bakit.
"Anong nagtulak sa'yong isipin iyon, Rhett? Anong nagawa namin ng Papa mo para maisip mong hindi kami ang mga magulang mo?"
Tuluyan nang napaluhod ang lalaki. Ilang sandali lang ay narinig na ang pag-iyak nito at paghingi ng tawad sa mga magulang. Paluhod siyang lumapit sa ina bago iyon niyapos ng mahigpit. Kahit si Mama ay umiiyak na rin kaya minabuti kong hilahin na siya palabas upang hindi na makakuha ng atensiyon. Tingin ko'y kinakailangan nilang mag-usap ng walang ibang nakikialam.
Kay Dada lumapit si Mama na noon ay nakaupo sa bandang gilid ng lugar, mukhang kanina pa naghihintay na may lumabas sa amin. Niyakap naman siya ni Dada para aluin. Kakaunti na lang ang mga bisita, kumpara kaninang dumating kami. Mukhang umalis na ang iba matapos masaksihan ang nangyari kanina.
Hanggang pag-uwi, tahimik lang kami, walang nagtangkang pag-usapan ang nangyari. Tanging tinginan lang ng mga ito ang napapansin ko, walang balak na magsalita. Si Vios naman ay tahimik lang din sa tabi ko, mukhang walang kaalam-alam sa nangyari. Kababalik lang nito no'ng papauwi na, galing sa pinuntahang kaklase.
Naunang umakyat sa itaas si Mama para asikasuhin si Vios. Si Dada naman ay inayos pa ang pagkakagarahe ng sasakyan at isinarado ang gate kaya nahuli.
Sumunod ako sa itaas, eksaktong kalalabas lang ni Mama mula sa kwarto ni Vios. Ngumiti ito at bahagya pang hinaplos ang buhok ko nang maraanan ako.
"Ma."
Nilingon ko siya, nagdadalawang-isip pa kung magtatanong. Nakita kong napatigil ito sa paghakbang. Huminga siya ng malalim.
"Hindi ko alam kung bakit nagawa iyon ng pinsan mo pe--"
"Ma." Naputol ang sana'y sasabihin nito nang magsalita ako. "Sino po si Rhea?"
Kita ang gulat sa mukha nito nang humarap na sa akin. Nagtatanong ang mga mata nito kaya't dinagdagan ko ang unang sinabi.
"Sinasabi po ng mga kamag-anak natin na siya raw po ang unang anak nina Tita? Panay po kasi iyon ang naririnig namin no'ng burol ni Rhiane. Alam kong tinanong ko na po ito noon pero pansin kong panay ang pag-iwas n'yo."
YOU ARE READING
Her Last Dance
Teen FictionLOT Series #2 She's a believer of love. Witnessing how her parents fought for their own happy ending, Nathalia Dela Cruz knows that she's a fighter too. But not on the love she has for Rhett Seichii Anonuevo, her cousin. In order to deny it, to conc...