Chapter 5

2.4K 67 34
                                    

Umihip ang malamig na simoy ng hangin. Naramdaman ko ito kahit pa balot ako ng jacket na ibinigay ni Rhett. Napayakap ako sa sarili.

Nilingon ko si Rhett. Abala ito sa kan'yang telepono at paminsan-minsan ay titingin sa entrada. May kausap siya kanina, mukhang may inaasahan na bisita. Hindi nito mabitawan ang telepono kahit pa tawagin siya sa ibang mesa. Tahimik lang kaming pareho, hindi nag-uusap o nagtitinginan man lang.

Nagpatuloy ang kasiyahan. Marami pa rin ang mga bisita ni Tito Neil kahit nagsisimula nang lumalim ang gabi. Maingay pa rin ang lugar dahil sa kwentuhan ng mga bisita bukod na lang sa kinauupuan namin ni Rhett. Mabuti na nga lang ay malakas ang tugtog mula sa speaker kaya hindi masyadong awkward para sa amin. Mukhang wala talaga itong balak na kausapin ako. Pabor naman sa akin iyon dahil wala rin naman akong balak na kausapin siya.

"Rhett!"

Sabay kaming napalingon sa entrada nang marinig ang pagsigaw ni Tita Maricar. Papalapit ito sa amin kasama ang isang pamilyar na babae. Binitawan na rin ni Rhett ang telepono,mukhang wala ng ibang kakausapin dahil nandito na siya. Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo kaya napasandal ako sa kinauupuan. Tumayo naman si Rhett, naglakad palapit sa kanila.

I saw how Veronica kissed his cheeks. Rhett even bend a bit for her to reach him. Isama pa ang mapanuksong tingin ni Tita Maricar sa kanila na kaagad ding napalitan ng isang nasisiyahang ngiti.

Napabuntong-hininga ako. Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ako ng pagkainggit sa babae. Malaya nitong nagagawa ang lahat sa pinsan. Higit doon, gustong-gusto siya ni Tita.

"Rhett, hindi mo man lang sinundo si Veronica! Dapat lagi mong tinitingnan ang telepono mo para sa kaniya!"

Tumawa si Veronica. May sinabi si Rhett sa kan'ya kaya hinampas nito ang braso ng pinsan. Sumagot naman ang babae na ikinatawa nilang pareho. Nag-iwas ako ng tingin nang hindi ko na makayanang tingnan sila.

Humigpit ang hawak ko sa jacket na ibinigay ng lalaki. Tumayo ako para pumunta muna sa labas, magpapahangin. Kaagad din namang napaupo nang makaramdam ako ng pagkahilo.

"Are you okay, Rhett's Cousin?"

Gulat akong napalingon sa nagsalita. Kinabahan ako nang makilala ang lalaki. Siya ang lalaking itinuro ko kay Rhett na gusto ko. Nakikilala ko siya kahit pa nakagilid ito noong pumunta ako sa tambayan nila. Iba rin ang pagkakaayos ng buhok nito kumpara noong nakita ko siya. Napahawak ako sa dibdib.

Tumawa siya. "Sorry kung nagulat kita."

Inalalayan niya akong umupo. Nawala kasi ako sa pagkakaayos dahil sa pagkagulat. Umupo ito sa upuang inokupa ni Rhett kanina saka swabeng ikinrus ang mga paa. Nilingon niya ako, bahagyang nakakunot ang noo.

"Bakit may cool fever ka riyan sa noo mo?" Tinangka nitong hawakan iyon kaya kaagad akong lumayo sa kan'ya. Napangisi siya. "Kahit naman may lagnat ka, alam mong bata lang ang nilalagyan ng ganiyan."

"Bata pa rin naman ako, ah."

"Isip bata siguro?"

Lihim akong napairap nang maramdamang feeling close sa akin ang lalaki. Wala naman akong naaalalang nagkausap kami nito sa university para magkaroon ito ng lakas ng loob na kausapin ako ngayon. Kung makapagsalita pa, akala mo ay kilala talaga ako.

"Ano bang kailangan mo? Sumasakit ang ulo ko. Wala akong balak makipag-usap kahit kanino."

Alam kong may pagkabastos iyon para sa pakikitungo ko sa kan'ya pero hindi ko naisip pa. Gusto ko rin namang umiwas sa mga kampon ng pinsan ko. Sapat na ang isang sakit sa damdamin at ayaw ko ng dagdagan pa.

"Masungit ka pala talaga. Sabagay, iyon naman ang sinabi ni Rhett. Siguro kaya hindi kayo nagkakasundo dahil sinusungitan mo siya."

Nagtaas ako ng kilay. Lumingon ako sa banda ni Rhett. Kausap pa rin nito si Veronica. Napailing ako saka ibinalik ang tingin sa kausap na base sa tingin nito ay binabasa ang ekspresyon ko.

Her Last DanceWhere stories live. Discover now