Chapter 7

2.3K 62 25
                                    

Napahilamos ako ng mukha. Mabilisan kong tinakbo ang kama saka lumundag doon.

Ramdam ko pa rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko kahit mahigit kalahating oras na ang nakakaraan. Paulit-ulit na rumirehistro sa akin ang nakangisi at mapang-asar na mukha nito bago lumabas ng kwarto ko. Hindi ako nakasagot sa kan'ya, nanatili lang na nakatulala hanggang makaalis na siya. Hindi ko alam pero big deal para sa akin 'yon. Ang plano kong tuluyan ng kalimutan siya ay biglang naglalaho, para bang binigyan nito ng pag-asa ang isang bagay na kailanman ay hindi maaaring mangyari.

Nakita ko lang ang mukha nitong mukhang natutuwa sa akin, bakit parang biglang naduduwag ako?

Being in love with my cousin was a mistake. Isa iyong pagkakamali na dapat ay iniwasan ko na noong una ko itong maramdaman, noong una ko siyang makilala.

I repeatedly shook my head. I shouldn't be thinking of him. I lay on my bed, wanting to get good sleep tonight.

Napabuntong-hininga ako. Napatingin ako sa bintana nang tumama sa akin ang sinag ng buwan. Mukhang naiwan ni Tita na bukas iyon. Muli akong bumangon saka tumungo roon. Napatingala ako sa maaliwalas na kalangitan.

Napangiti ako nang maalala ang isang nabasa ko sa libro. Ayon doon, ang pag-ibig daw ay parang pagbibilang ng mga bituin sa kalangitan. Aabutin ng isang milyong taon bago mabilang ang mga iyon, gayundin ang pag-ibig, maaaring isang milyong tao rin ang kailangan nating makilala para dumating iyong para sa atin. Isang pakiramdam din iyon na mas masakit ng isang milyong beses.

Napailing ako sa sarili. Sino bang tao ang sasayangin ang isang milyong taon para lang bilangin ang mga nasusunog na bato? O kaya'y kikilala ng isang milyong tao para lang matagpuan ang taong para sa kan'ya? Isang baliw lang sa pag-ibig ang matiyagang gagawin iyon. Isang taong sobra kung magmahal, isang taong siguradong hindi ako.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi ko na nga namalayang nakatulog na dahil naninibago sa higaan. Nadatnan kong nagluluto si Tita nang bumaba ako. Tuwang-tuwa ito nang samahan kong magluto. Sa akin din tumabi ng upuan sa hapagkainan. Napapangiti na lang ako sa kakulitan niya. Masigla na kaagad kahit alas sais pa lang ng umaga. Hindi ito nagpapapigil kahit panay ang saway ni Tito.

"Car, hayaan mo munang kumain si Thalia. Pareho kayong hindi matatapos kung kukulitin mo siya ng ganiyan."

Sumimangot si Tita. Inilayo nito ang pagkain sa asawa. Natawa naman si Tito, kaagad siyang sinuyo.

Ilang minuto ko muna silang pinanood bago ko pasimpleng nilingon ang pinsan. Abala ito sa pagbabasa ng dyaryo habang humihigop ng kape. Mukhang sanay na sa kulitan ng magulang kaya hindi na naaabala sa ganoong tagpo. Sa ayos nito, bigla kong naaalala iyong nabasa ko kahapon. Like the character on that book, he was also a metaphor of sunrise, a perfect sight to be looked for every morning.

Pinigilan ko ang sariling mapahagikgik sa mga naiisip. Napatingin ito sa akin kaya kaagad akong nagseryoso. Kumunot ang noo nito, nagtataka sa inasal ko kaya nagtagal ang tingin sa akin. Hindi naman ako nagpatinag, itinuloy ko ang pagkain nang hindi siya sinusulyapan.

I immediately finished my breakfast. Sinamahan ko sa pagliligpit ng pinagkainan si Tita para makaiwas sa lalaki. Mabuti na lang ay umakyat ito sa taas para kuhanin ang mga gamit. Nasa sala na iyong sa akin dahil isinabay ko na pababa kanina. Nauna akong pumunta sa garahe para doon siya hintayin.

"Put on your seatbelt, Nat."

Tumango ako. Saka ko lang naalalang hindi ko pa nga pala nailagay iyon gayong prente na ang pagkakaupo. Kaya pala hindi nito pinapaandar ang sasakyan, hinihintay pa ako. Muli akong napasinghot. Mula pagpasok ko sa sasakyan nito ay hindi na nawala sa pang-amoy ko ang malamyos at pamilyar na amoy na iyon. Tama lang ang tapang nito at hindi masakit sa ilong. Napansin siguro niya ang pagsinghot ko kaya tinaasan niya ako ng kilay. Naglakas-loob akong magtanong sa kan'ya.

Her Last DanceWhere stories live. Discover now