Chapter 2

3K 74 22
                                    

"Ano'ng sabi mo?!"

Napaigtad ako sa biglang pagsigaw ni Gab. Kasabay no'n ang pagpalo niya sa mesang nasa harapan naming dalawa. Pinanlakihan niya ako ng mata saka inilebel ang tingin sa akin.

"Na may gusto ako kay Pietro?"

I answered her, unsurely. Naniningkit ang mga mata nito na nakatingin sa akin at base sa kaniyang mukha, siya pa yata itong mas apektado sa gulong pinasok ko.

Anong magagawa ko? I was cornered by him. Hindi ako makakawala sa mga tanong ng pinsan kung hindi ko iyon sinabi. I had to lie, or else, I'll ruin everything. Iyon lang ang tanging pumasok sa isipan ko, wala na akong magagawa pa roon.

"Ano'ng balak mo niyan? Ang panindigan na may gusto ka kay Pietro? Paano na lang kung malaman ng lalaking iyon? Gulo ito, panigurado!"

Napapikit na lang ako. Bigla akong napaisip sa mga sinabi niya. Inaamin ko, noong araw na 'yon, hindi nga ako nakapag-isip ng tama. Basta ang tanging gusto ko lang no'n ay ang matakasan siya. Hindi ko na inisip kung anong magiging kahihinatnan ng nagawa ko.

"Anong gagawin ko, Gab?"

Palihim kong kinurot ang sarili. Wala nga akong ideya sa lalaking 'yon, ang magustuhan pa kaya siya? Tingin ko'y hindi naman ako ilalaglag ni Rhett sa kan'ya lalo na't hindi naman kami close para ipagsabi sa iba na may nagugustuhan na ako. Kung malalaman man iyon ng kaibigan niya, tiyak kong hindi naman iyon gagalaw ng biglaan. Masasabi kong hindi naman ako ganoon ka-espesyal para pagtuunan niya ng pansin at magustuhan din.

Napahilamos ako ng mukha sa mga naiisip. Ipinagsiklop ko ang mga kamay pagkatapos.

Nandito na 'to, wala na akong magagawa. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang mag-isip ng plano para makalusot. Madali lang naman iyon sa tingin ko. 

Pwede kong sabihin na may gusto nga ako kay Pietro, sa ngayon. Palilipasin ko lang ng ilang araw saka ko sasabihin na wala na akong nararamdaman para sa kan'ya dahil may iba na ulit gusto. O kaya'y pwede naman sabihing hindi na natuloy pa ang nararamdaman ko dahil wala naman kaming interaksyong dalawa. Hindi pa nga kami nagkausap, kahit isang beses lang. Wala rin naman akong balak.

That was a perfect plan, honestly. Simple lang iyon at hindi naman mahirap magpanggap. Hindi ko naman kailangang ilapit ang sarili sa kan'ya para patunayan ang pagkagusto.

Ang ikinakatakot ko lang ay ang posibleng pangingialam ng mga magulang ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang nila malalamang may magugustuhan ako kung sakali.

Dada will surely stay out of this. Baka nga ilayo pa ako sa lalaki. But eventually, there's Mama coming in, to the picture. She might misinterpret my situation. Baka kung ano pang magawa nito para magustuhan din ako pabalik at iyon ang pinaka iniiwasan kong mangyari.

"Sabay na tayong pumunta sa tent. Mainit na rito, tara!"

Napalinga ako sa paligid. Nagtatayugan ang mga puno at may mga hayop na dumadagsa sa lugar.  Maaliwalas ang panahon at mainit na nga ang sikat ng araw na tumatama sa balat ko. Ngayon ko tuloy pinagsisihan ang hindi ko paglalagay ng sunblock, tulad ng utos ni Mama.

Ngayong araw ang simula ng team building naming mga graduating student. Sinuyod ko ang tingin sa mga narito. Sa libo-libong estudyanteng kasama ko rito, si Gab lang yata ang pamilyar sa akin pati ang mga kaklase.

"Sinong hinahanap mo? Si P 'no?"

P was our nickname for Rhett. P short for Pinsan. Natatawa na lang ako rito dahil sa daming nalalaman. Bawal daw kasing pag-usapan ang pinsan nang ginagamit ang pangalan nito dahil baka may makarinig. Kaya para maiwasang mangyari iyon, naisip nitong gumawa ng palayaw para sa kan'ya.

Her Last DanceWhere stories live. Discover now