Chapter 13

2K 50 1
                                    

Napaupo ako sa kamang malapit sa akin. Muli kong nilingon ang pintuan kahit kinakapos na sa paghinga.

I properly scanned the document. Mula sa birthday nito, date of death hanggang sa kaliit-liitang detalyeng makikita ko. Mukhang ito na nga ang hinahanap namin. Tumutugma kasi ang mga detalye nito sa narinig naming dalawa sa hospital at sa burol ni Rhiane.

Naintriga ako sa mga nababasang impormasyon. They had the same birthdate, the same mass and even the exact time they were born, kung hindi nga lang nauna ng isang minuto si Rhett. Hindi ko alam kung coincidence lang ba ito o peke ang dokumento.

Sa narinig naming dalawa, si Rhea raw ang unang anak nina Tita. Namatay ito noong kakapanganak pa lang ni Tita dahil mahina. Nakakapagtaka iyon dahil sa pagkakaalam ko, si Rhett ang unang anak nila. Halos magkasabay silang nagbuntis ni Mama noon sabi ni Dada. Nakita ko rin naman ang birth certificate ni Rhett, hindi naman ito ipinanganak na may kakambal.

Inilapag ko ang dokumento sa kabinet saka nagmamadaling kinuha ang telepono sa bag. Kailangan kong kinuhanan iyon ng litrato. Ipapakita ko ito kay Rhett. Muntikan kong mabitawan ang telepono nang makarinig ng pamilyar na boses.

"Car, honey."

Bumukas ang pinto, iniluwa noon si Tito Niel. Kita ang gulat sa mukha nito nang ako ang madatnan sa kwarto imbes na si Tita Maricar. Napatingin ito sa hawak ko kaya kaagad kong ibinaba iyon at nagkunwaring inaayos lang iyon saka ibinalik sa drawer. Gamit ang nanginginig na mga kamay, kinuha ko ang mga vitamins na ibinilin sa akin ni Tita Maricar.

"What are you doing here, Thalia? Nasaan ang Tita mo?"

Kumunot ang noo nito. Bumaling siya sa labas ng kwarto, mukhang hinahanap si Tita. Ngumiti ako nang muling dumako ang mga mata nito sa akin. Ramdam ko ang kaba dahil pakiramdam ko'y nahuli ako sa krimeng aminadong nagawa ko.

"Ahm, Tito ipinakuha po kasi sa akin ni Tita itong vitamins na ibinilin sa kaniya ni Mama. Nagulo po kasi itong mga envelope kaya natagalan ako."

Nagtagal ang titig nito sa akin pero tumango rin kinalaunan, hindi na nag-usisa pa. Kahit gano'n, hindi ko maiwasang kabahan dahil sa nagawa. Isinarado ko na ang drawer saka kinuha ang bag. Lumabas ng kwarto si Tito kaya sumunod na rin ako.

Sa baba, nadatnan naming nasa kusina si Tita, abala sa mga ibinabalot nitong ulam. Kung hindi ako nagkakamali, tatlong klase iyon.

Pagkauwi, kaagad kong tinawagan si Rhett. Sa ikalimang pagsubok, doon pa lang nito sinagot ang tawag. Sa messenger pa iyon dahil nakita kong online siya.

"Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko?!"

Tumambad sa akin ang nakakunot nitong mga kilay, naiinis ang itsura. Sa likuran, naroon ang mga kaklase niya, nakikitingin rin. Lahat sila ay kuryosong nakatingin sa screen, mukhang inuusisa kung sino ang tumatawag. Pasimple kong kinutusan ang sarili. Sa sobrang kaba kanina, nakalimutan kong baka nasa eskwelahan pa nga ito, nag-aaral.

"What?"

Napatanga ako, hindi makapagsalita sa nakikita. Mas lumapit pa ang mga kaklase nito. Isa pa nga sa mga iyon ang iniumang ang mukha sa screen, mukhang balak pa nitong pumasok sa telepono ng pinsan.

"Rhett, siya 'yong girlfriend mo? Ang ganda ah!"

Tinapik naman siya ng babaeng katabi. Natawa ito bago nagsalita.

"Baliw! Pinsan niya 'yan!"

Nagsilayuan ang lahat matapos marinig ang sagot ng babae. Ang iba'y nagtanguan pa, mukhang naisip na walang girlfriend ang pinsan kaya may pag-asa pa.

Naiwan sa akin ang naiinis na lalaki. Nakaramdam ako ng pamumula, hindi alam kung ano ang gagawin para mapagtakpan ang nagawa.

"Nat, what is it? Importante ba 'yang sasabihin mo? Hindi mo na ako nahintay na makauwi para masabi 'yan."

Her Last DanceWhere stories live. Discover now