Chapter 17

2.1K 43 7
                                    

Hinatid nga ako ni Rhett, pauwi. Mabilis ang andar ng sasakyan dahil wala namang traffic, malalim na rin kasi ang gabi. Sa biyahe, panay ang paalala nito sa akin na huwag kakalimutan ang lakad namin sa Sabado. Kinakabahan pa rin ako kapag pinag-uusapan iyon.

"Hindi kaya makahalata sina Mama? Alam mo na, lagi tayong magkasama nitong nakaraan?"

Lumiko ang sasakyan nito sa subdivision namin. Bumagal ang pagpapatakbo nito dahil malapit na rin naman kami. Ipinarada niya iyon sa tapat ng bahay namin. Hinintay ko siyang bumaba pero nanatili siya sa pwesto. Nilingon niya ako.

"Hindi naman siguro. Baka nga ito rin ang gusto nila, maging close tayo..."

Isinandal niya ang katawan sa driver's seat pero hindi inaalis ang pagkakahawak sa manibela. Ininguso nito ang pintuan.

"Bumaba ka na, baka akalain pa nina Tita, kung sino pang naghatid sa'yo."

Natawa ako para itago ang pamumula. Nakasuot pa rin kasi sa akin ang seatbelt, prente pang nakaupo, halatang wala pang balak bumaba.

"Isama na lang din kita pabalik?"

Mas lalo akong namula sa tanong nito. Nag-iwas ako ng tingin. Inalis ko ang pagkakasuot ng seatbelt saka bumaba na. Dahan-dahan iyon dahil alam kong pinapanood niya ako. Nilingon ko siya nang ibaba nito ng bahagya ang windshield ng sasakyan. Nakangisi ito.

"See you tomorrow, Nat. Good night."

Bahagya akong ngumiti. "Yeah, see you tomorrow."

Nadatnan ko pang gising sina Mama nang pumasok ako. Kaagad kong tinakpan ng unan ang mukha nang makarating sa kwarto. Gustuhin ko mang sumigaw, natatakot akong marinig iyon nina Mama. Nasa baba lang ang mga ito, naglilinis sa kusina.

Nagtanong ang mga ito sa kung sino ang naghatid sa akin. Natukso pa nga ako na baka manliligaw ko raw iyon. Tumigil lang sila nang sinabi kong si Rhett iyon. Hindi pala nagpaalam si Tita na doon ako maghahapunan. Kaya ano na lang ang isipin ng mga ito kung sakaling magsisigaw ako rito?

Sino ba naman kasi ang nasa tamang pag-iisip ang aaktong parang kinikilig gayong pinsan ang naghatid sa kaniya?

Napailing ako. Kailanma'y hindi ko pa naranasang ihatid ng isang manliligaw kaya hindi ko rin alam ang pakiramdam no'n. Marami naman ang nagbalak na manligaw sa akin, kaya nga lang ay hindi ko pinayagan.

Namilog ang mga mata ko. Hindi ko naman naiisip na manliligaw ang pinsan, 'diba? Hindi ko naman itinatanggi sa sarili na may nararamdaman nga akong hindi dapat, pero hindi ko kailanman naisip na liligawan niya ako balang araw.

Umiling ako, hindi na makayanan ang mga naiisip. Mabilis akong pumasok sa banyo para makaligo. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko, nahihibang na nga yata ako.

Kinabukasan, maaga akong hinila ni Gab papuntang Med course building. Ang sabi niya ay aabangan namin si Fern doon. Kasama rin namin doon sina Rhett at Pietro na kanina pa sunod ng sunod sa amin. Nakita kami ng dalawa kaya sasama na rin daw sa pag-aabang sa may garden. Hindi naman kami nakikita dahil bahagyang natatakpan ng mga halaman.

"Hihintayin pa ba talaga natin 'yon? Malapit nang mag-alas siyete, ah? Baka mahuli tayo!"

"Ang ingay mo naman, baka mahalata tayo!" mariing bulong ni Gab. Inilagay nito ang kamay sa tapat ng bibig ni Pietro, pilit niyang pinapatahimik.

"Saldivar, makisama ka nga." segunda naman nitong katabi ko. Nalukot ang mukha ni Pietro. Pakiramdam siguro niya'y pinagtutulungan siya ng dalawa.

"Alam mo, Anonuevo, dapat diyan sa kaibigan mo, bugbugin na lang natin, eh. Tumatandang gago."

Sinamaan siya ng tingin ni Gab. Kapagkuwa'y hinampas nito ang braso ni Pietro.

Her Last DanceWhere stories live. Discover now