Chapter 1

3.6K 86 20
                                    

Matagal bago ko natanggap na nangyari nga iyon. Napapikit ako bago tinakpan ng mga kamay ang namumulang mukha.

Hindi mawala-wala sa utak ko ang nangyari at paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang eksenang 'yon. Nahihiya ako para sa sarili. That was unexpected!

Matapos nitong ibalik ang mga kamay sa baywang ko ay hindi na ako tumutol. Hinayaan ko siyang isayaw ako habang magkahinang ang mga mata naming dalawa. Aaminin ko, pinili kong kalimutan ang ugnayan naming dalawa kahit sa mga oras na iyon lang. Kung nabigo man akong itago sa kan'ya ang tunay na nararamdaman ko, hindi ko na naisip iyon. Basta ang alam ko, nagpatianod lang ako sa lamyos ng musika. I danced him with my eyes, full of unnamed emotions. At sa mga minutong iyon, naging masaya ako.

Natauhan ako nang ngumisi ito. Kaagad akong nag-iwas ng tingin. Inalis ko ang mga kamay sa kan'yang balikat.

"Nat, don't tell me, you did really believe on that myth? Hindi mo naman iniisip na tayong dalawa 'diba?"

Nanlamig ako. Gusto kong tumutol. Gusto kong paniwalaan ang mga kwento ni Mama noon sa kung gaano kahiwaga ang pag-ibig, na baka sakaling may paraan pa para sa amin. But, I ended up being a coward. I faced him, boldly.

"Maybe, when hell freezes over?" Huminga ako ng malalim. "Tapusin na lang natin 'to, Rhett. Then, let's forget what happened. No big deal. Don't be too full of yourself."

Nakita ko ang pagbabago sa kan'yang timpla. Panandaliang gumuhit ang iritasyon sa mukha nito pero hindi na ako sinagot pa. Hindi ko na rin naman iyon pinansin dahil pinigilan ko ang sarili.

I remembered myself going home, terrified. Wala na akong nadatnan sa sala dahil madaling araw na. Sabay kaming umuwi ni Gab, ang kaibahan nga lang ay hinatid siya ng naging kapareha. Manliligaw niya yata ang lalaki. Iyon kasing sa akin ay sinundo pa ng mga magulang kaya hindi na ako sumabay. Nakakahiya naman.

I somehow regret attending the prom. Pakiramdam ko kasi ay marami akong nagawang pagkakamali noong gabing iyon. Hindi mawala sa akin ang mangamba sa kung ano'ng mangyayari pagkatapos. Hindi pa ako mapakali kakaisip, para namang may magbabago sa relasyon naming dalawa.

Even Mama, she was persistently asking me about my last dance. Ipakilala ko na raw sa kanila dahil siguradong kami na ang para sa isa't isa. Of course, I had no choice but to lie. Sinabi kong isa lang sa mga kaeskwela at hindi ko kilala. Hindi naman na siya nagpilit pero nanatili ang mapanuksong tingin sa akin.

Iniwan ko siya sa kusina at umakyat papuntang kwarto. Nagpaalam akong kukunin lang ang telepono pero ang balak ko ay ang takasan siya. Kinuha ko ito sa loob ng cabinet. Napailing na lang nang makitang napuno ng mga mensahe ng kaibigan ang telepono ko. Isa lang naman ang magiging pakay niya, ang inisin ako.

She saw me with Rhett that night and she was sure that we partnered the last dance. Kahit pa kaagad ko ring isinuot ang maskara, alam kong nakikilala pa rin niya ako.

Nakadagdag pa ng kaba ko nang sabihin niya sa akin na may nagtatanong daw kung sino ang nakasayaw ni Rhett sa group chat nilang magkakaibigan. Manliligaw ni Gab ang isa sa mga kaibigan nito, iyong nakapareha niya noon, kaya sinasabi ng lalaki ang mga pinag-uusapan nila.. Ang mapang-asar namang kaibigan ay pinapabasa pa sa akin ang mga iyon. She was sending me every screenshots!

Ako:

Stop it, Gab. Baka mahalata na ni Fern kung patuloy kang magtatanong sa kan'ya ng ganiyan.

Ilang segundo lang ng matanggap ko ang sagot niya. Naiisip ko na kung gaano kalawak ang ngisi nito habang kausap ako.

Gab:

Chill, Thalia. Hindi 'yon makakahalata. Subukan niya. He knows his limit. He knows my rules, he can't say No.

Her Last DanceWhere stories live. Discover now