Chapter 25

3.1K 55 27
                                    

Masasabi kong isang nakakahiyang pangyayari iyon. Ang lakas ng loob kong magpareto sa kan'ya, hindi ko naman pala mapapanindigan.

He didn't teased me, though. He just remained silent the whole drive. Hinatid lang niya ako sa bahay noong araw na iyon, kaagad ding umalis matapos magpaalam.

Ang akala ko pa nga ay papasok akong hindi kami magpapansinan pero katulad ng dati, sinalubong niya ako at kinausap nang parang walang nangyari. Ganoon din ang ginawa ko, nakahinga pa ng maluwag dahil hindi niya ako iiwasan.

"Kukuha lang ako ng kutsara, ako na rin ang bibili ng tubig mo."

Tinanguhan ko siya. Tumayo siya saka dumiretso sa counter ng cafeteria. Pinapanood ko siya habang kausap ang isang tindera. Pinuntahan siya ni Rhett at may sinabi na ikinatawa niya. Hindi sumasabay sa amin ang pinsan dahil may proyekong pag-uusapan kaya sa mga ka-grupo muna siya pansamantalang sasamang kakain. Paunti-unti ko na ring natatanggap na hanggang doon na lang ang pakikitungo namin ni Rhett sa isa't isa. Sigurado naman ako, pagdating ng araw, magkakausap din kami ulit nang walang inaasahan sa isa't isa, relasyong magpinsan na lang.

Totoo nga ang sinabi nila. Ang pinakamadaling paraan para i-let go ang isang tao ay ang pagtanggap ng hangganan ng relasyon natin sa kanila. He is my cousin, that's the end of it. Hindi na dapat ako maghangad ng higit pa.

Nagmumuni pa ako nang biglang may humarang sa harap ako. Nagtaas ako ng tingin sa kan'ya. Isang lalaki. Seryoso ang mukha nito habang diretso ang mga matang nakatingin sa akin. Inilahad niya ang isang kamay.

"Akihiro Lacsamana, BS in Electrical Engineering."

Gulat akong tumingin sa kan'ya, hindi tinatanggap ang kamay niya. "Bakit ka nagpapakilala sa akin?"

Presko itong ngumiti, kapagkuwa'y umupo sa pwesto ni Pietro. Inilabas nito ang nakakumpol na mga papel mula sa bag. Maganda ang pagkakaayos ng mga iyon, mukhang kagagawa lang. Tumikhim ang lalaki.

"This is my proposal to be your date on our grand ball."

Napanganga ako sa gulat. Sinenyasan niya akong basahin iyon. "I'm not forcing you to accept my proposal but, it would be great if you would let me and give me a chance. As of now, you are my first choice."

Binasa ko ang iilang pahina. Isa lang ang masasabi ko, pang-matalino iyon, hindi akma para sa akin. Sa huli ay tumanggi ako. Tinanggap naman niya iyon at sinabing susubukan na lang sa iba.

Muli kong binalingan si Pietro. Kinabahan ako nang makitang masama na ang tinging ipinupukol nito sa akin. Maya-maya pa ay malalaki ang hakbang nitong pabalik na. Tiningnan ko ang kasama, naitago na niya ang mga papel, nakasukbit na sa likod ang bag at nakatayo na rin para umalis. Tinanguhan nito si Pietro nang mapang-abot sila, wala namang reaksyon ang isa. Saka lang niya ako hinanarap nang tuluyan ng nakalayo ang nagtanong.

"Thals, patago ka na naman bang nakikipagkita, ah? Nagkasundo tayong hindi---"

Kaagad ko siyang pinutol. Umiling ako. "May tinanong lang siya!"

Hindi ito nagpatinag. "Hindi iyon uupo kung magtatanong lang. Nahuli ka na sa akto--"

"Gusto niya akong maka-date sa grand ball."

Doon ko siya napatahimik. Umupo ito sa pwesto kanina saka ibinigay sa akin ang biniling tubig. Muli niya ring kinagatan ang sandwich na iniwan. Pansin ko rin ang pag-iwas nitong tingnan ako. "Pumayag ka?"

Napangiti ako. "Hindi."

Ang totoo niyan ay wala talaga akong balak na pumayag kahit kanino. Siya lang kasi itong hinihintay kong mag-aya. Mahigit isang buwan pa naman bago ang grand ball kaya baka hindi pa siya nag-aaya. Naiintindihan ko ring abala pa ito lalo na't may ipinapasa rin kami para sa clearance.

Her Last DanceWhere stories live. Discover now