Prologue

6.3K 132 37
                                    

Kaagad na kumurba ang labi ko nang makitang pumalo ito. Malakas iyon kaya hindi natamaan ng kalaban niya. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang sumuntok ito sa hangin tanda ng pagkapanalo.

"Mas magaling kana nga sa akin."

Humalakhak siya. Pumalakpak sina Mama na pinapanood din sila kaya sumali na ako.

"Ate, gusto mo rin maglaro?"

Nilingon ko si Vios na nasa gilid. Inilahad niya sa akin ang laruang pang-tennis na binili ni Mama para sa kan'ya.

Umiling ako. "Ikaw na lang muna, mamaya na si Ate." Tumango naman siya saka tumakbo sa harap para mag-aya ng laro. Ibinalik ko ang tingin sa lalaki pero wala na siya roon, mukhang pumasok na ito sa loob upang magpalit ng damit.

Sumunod na naglaro sina Mama at Dada kaya napuno ng kantiyawan ang lugar. Halata kasi na sinasadya ni Dada na hindi tamaan ang bola para manalo si Mama. Siya rin ang nagpunas ng pawis nito nang matapos sila.

Commonly, people asked, do you believe in Love and happy endings? Gasgas na ang tanong na iyon pero hindi ko pa rin maiwasang mag-isip kapag naririnig ko sa mga dramang pinapanood.

Being the primary witness of my parent's love story, on how they fought for their own happy ending, and surpassed all those what ifs and you deserve better cliché story, who am I not to, right?

For seven years, I lived my life without my father. Hindi ko siya kilala. Wala siya sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay ko. Walang tumayong father figure sa akin. Walang haring nagparamdam sa akin na prinsesa niya ako.

Isa lang ang alam ko noon, nasaktan niya si Mama. Pinaiyak niya si Mama. He did something worst to force Mama to leave. Pero, paano nangyaring sila pa rin sa huli? Ganoon ba talaga kahiwaga ang pag-ibig?

At the age of 9, I always dreamed of my own love story. Isang perpektong istorya na isusulat ko pagtanda.

Katulad din kaya ako ng mga magulang ko, ipaglalaban ko rin kaya ang pag-ibig na para sa akin?

Sa isiping 'yon, hindi ko maiwasang masabik kapag dumating na ang panahong 'yon. Sino kaya ang lalaking nakatadhana para sa akin?

Sabi sa akin ni Mama noon, ang pag-ibig daw ang kusang maghahanap sa akin. So, I refused to seek for it, to try. Para kasi sa akin, the less you try, the less chance you'll get hurt.

But 4 years later, at the age of 13, I suddenly felt that I've already found him, my the one. The unexplainable butterflies in my stomach, the sudden stop of every moment whenever he's there and my runner heart whenever he's near, they all came to me, like magic.

I thought, meeting him would make me the happiest girl alive. Because, just like my parents, I've already found mine. I've already found a man similar to Dada like I've always tell them.

But surprisingly, I got scared. Natakot ako kasi parang hindi iyon magiging tama.

"Thalia!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Kaagad akong napangiti nang makilala 'yon. It was Gab, my bestfriend.

"Ang aga mo yata?," I asked her.

Sumabay siya sa akin sa paglalakad. Tiningnan niya ang relong pambisig bago nagsalita.

"Hindi naman. Sakto lang."

Gab was the only person who talked to me in school. Walang pumapansin sa akin bukod sa kan'ya. Tanda ko pa no'ng unang araw ko rito, mangiyak-ngiyak akong umuwi sa bahay dahil walang naging kaibigan. Kaya halos mapatay ko siya sa yakap nang kausapin niya ako. Pansin ko nga lang na panay lang ang tingin nila sa akin pero hindi naman sasagot kapag nagtatanong ako o kaya naman ay lalampasan lang kapag madaraanan.

Her Last DanceWhere stories live. Discover now