Chapter 14

2.1K 44 1
                                    

"Mama, hindi po muna ako bibisita kina Tita. May meeting po ako sa school club na sinalihan ko kaya baka gabi na makakauwi."

Nagpaalam ako kay Mama habang kumakain kami ng almusal. Tinusok ko ang isang hotdog na nasa harapan saka bumaling sa katabing pitsel para magsalin ng tubig. Tumawag daw sa kan'ya ang tiyahin kanina para itanong kung pwede akong bumisita sa bahay nito pagkatapos ng klase. Kaagad akong tumanggi roon dahil alam kong tiyak na kasama rin ang pinsan mamaya.

Iniwasan ko si Rhett pagkatapos ng tawag na 'yon. Tumatawag pa rin naman ito sa akin pero ni isa ay wala akong sinasagot. Sa mga text at chat lang niya ako sumasagot para hindi niya mahalata ang ginagawa ko. Mukhang hanggang sa university ay ganoon pa rin ang set-up namin. Hindi pa rin kami magkaayos ni Pietro kaya hindi ko siya pwedeng kasama maghapon.

"Nasabihan mo na ba ang Tita Maricar mo? Pati si Rhett nagtanong kanina, may gusto yatang sabihin sa'yo pero hindi ka matawagan."

Kunwari kong pinagsalubong ang mga kilay bago binalingan si Mama. "Sumasagot naman po ako sa mga text at chat niya lalo na kapag hindi ko nahahabol ang mga tawag niya. Wala naman po siyang sinasabi kaya baka naitanong lang ako."

Tumango-tango lang si Mama dahilan para makahinga ako ng maluwag. Baka kasi makahalata pa ito sa akin at isumbong ako kay Dada na inaaway ko na naman ang pinsan. Noong isang beses kasing nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaang dalawa ay pinagalitan ako ni Dada. Imposible daw na ang lalaki ang may kasalanan gayong bihira lang ito magsalita. Napairap na lang ako sa mindset ng ama.

Nadatnan kong magkausap sa harap ng lecture room sina Rhett at Pietro. Parehong seryoso ang dalawa kahit na panay ang bati sa kanila ng mga kaklaseng babae. Nakasandal si Pietro sa pader, paharap sa direksyon ko habang ang pinsan naman ay tinatalikuran ako, nakapamulsa at kaharap ang kaibigan. Napatingin sa akin si Pietro, nagtagal ang titig nito dahilan kaya mapalingon na rin ang kausap.

"Good morning, Nat. Late ka yata ngayon?"

Binalingan ko ang suot na pambisig na relo, 6:54 pa lang. Alas-siyete pa ang pasok ko kaya maaga pa ako ng anim na minuto. Baka ang tinutukoy nitong pagiging late ko ay madalas kasi na trenta minuto bago ang pasukan ay nandito na ako.

"Morning," tipid kong bati.

Nilampasan ko ang dalawa saka diretsong pumasok sa room. Marami na ang naroon, mukhang ako na lang ang wala. Nginitian ko ang katabing kaklase bago umupo sa pwesto. May isang kape ang nakapatong sa desk ko. Kinuha ko iyon para itapon sa pag-aakalang naiwan lang iyon ng kung sino pero nagtaka ako dahil mabigat ang cup at may laman. Base sa itsura nito ay mukhang lumamig na dahil kanina pa. Binalingan ko ang mga kaklase at inilibot ang tingin sa kanila pero wala ni isa man ang nakatingin sa akin habang hawak ko ang kape. Sunod ko namang binalingan ang dalawa na nasa labas, nahuli ko silang parehong nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin nang mapagtantong isa sa kanila ang nagbigay. Ibinalik ko ang atensyon sa kape. Napansin kong may maliit na papel ang nakadikit sa ilalim na parte ng baso kaya kinuha ko iyon at binasa.

Bati na tayo?

Mas lalo akong naguluhan sa kung sino sa dalawa ang nagbigay sa akin nito. Sino sa kanila ang nakikipagbati sa akin? Napansin kaya ni Rhett ang pag-iwas ko kaya akala niya ay hindi kami bati? O pwede rin namang narealize na ni Pietro ang ginawang pang-iinsulto nito sa akin? Tikman ko kaya baka sakaling nalaman ko kung kanino galing?

Napailing ako sa sarili. Binuksan ko iyon saka iniumang sa labi para uminom. Bago ko pa malasahan ang kape, isang kamay ang biglang umagaw sa akin ng cup.

"Huwag mo ng inumin, malamig na. Hindi na 'yan kape."

Si Pietro.

Gulat akong napatingin sa kan'ya. Maging ang ibang malapit sa amin ay nagulat din sa ginawa nito.

Her Last DanceWhere stories live. Discover now