Tahimik ang lahat nang pumasok kaming dalawa ni Rhett sa kwarto ni Tita. Si Mama lang ang naroon, wala sina Dada at Tito. Marahil, lumabas muna ang dalawa para kumalma. Sigurado akong mainit ang ulo nila kanina bago kami makalayo ni Rhett. Si Tita naman ay wala pa ring malay hanggang ngayon.
Lumapit ako kay Mama saka umupo sa tabi nito. Iniyakap ko ang isang braso sa kaniya. Hinaplos lang nito ang buhok ko. Si Rhett naman ay kay Tita dumiretso. Pinanood namin ang lalaki nang hinawakan nito ang kamay ni Tita bago yumuko para gawaran siya ng halik sa noo. I smiled. He really cares for his mom and loves her.
I thought, this vacation will be one of the happiest. Magkakasama kami. Simple yet full of memories with the people I truly love the most. I'd tried riding jetski with Rhett. Sina Dada at Tito, sina Mama at Tita, halatang nawiwili sa lugar at puro kwentuhan. Hindi mo aakalaing pagkatapos ng mga 'yon, ito ang magiging kapalit. Siguro nga, kapag nakaramdam ka ng panandaliang saya, sobrang lungkot ang magiging kapalit noon.
I sighed. Hindi ko napigilang mapasulyap sa tiyan ni Tita. Maliit na nga iyon kumpara sa tiyan nito kanina. Nakakalungkot na wala na nga talaga itong laman.
Ilang sandali pa kaming natahimik bago magpaalam si Mama na hahanapin ang dalawa. Tanging tango lang ang sagot ni Rhett dito habang ako'y sinubukang sumama pero pinigilan niya ako. Mas mabuti raw na may kasama si Rhett dito para kung sakali mang magising si Tita, kaming dalawa ang madadatnan niya. Tumango na lang ako saka bumalik sa kaninang pwesto.
Naiwan kaming dalawa roon, kapwa nakayuko. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin ulit gayong kayakap ko palang ito kanina. Ang akala ko nga ay iiyak ito pero tahimik lang siyang yumakap sa akin, bumitaw din kaagad matapos kumalma. Napasulyap ako sa wall clock na naroon, alas-dos na pala ng umaga. Malamig ang buong silid. Dulot ng biglaang pagpunta, tanging simpleng damit lang ang suot naming dalawa, hindi katulad kay Mama na may suot na jacket.
"Uh, Rhett..."
Sinubukan kong kausapin siya. Sumulyap naman ito sa akin kaya lang ay kaagad ding napaiwas nang biglang bumukas ang pintuan, iniluwa noon ang isang nurse na siyang nag-aasikaso kay Tita. Lumapit ito kay Tita at may kung anong tiningnan dito.
Tahimik lang akong nakamasid habang si Rhett ay katabi ang babae, may ibinibilin sa kan'ya. Natuon sa nurse ang atensyon nito kaya sinamantala ko iyon para makalabas. Balak kong bumili ng kape para sa aming dalawa. Hindi ko rin alam kung nasaan si Mama o kung kailan ito babalik, wala rin akong dalang telepono para tawagan siya.
Sa lobby, nakakita ako ng vending machine. Tahimik ang lugar, tanging mga nurse lang ang nadatnan ko, marahil ay madaling araw. Saglit lang akong nanatili roon, kaagad ding dumiretso pabalik. Mag-isa akong naglakad sa hallway, nanatiling payapa ang lugar na lalong nagpapatayo ng balahibo ko. Iba sa mga napapanood kong horror movies, tumingala ako sa itaas, mukhang wala namang sira ang mga ilaw dito. Ipinagpapasalamat ko ring hindi na kailangan pang gumamit ng elevator para bumaba. Nasa ikalawang palapag lang kasi ang kwarto ni Tita kaya gumamit lang ako ng hagdanan. Napailing ako sa sarili. Nababaliw na yata ako. Hindi naman ako artista sa isang horror movie para mag-isip ng kung ano-ano. Kasi kung pelikula lang ito, hindi ako mag-aalinlangang baguhin ang timeline ng story para gawing happy ending. O kaya naman ay babalik ang lahat sa dati pagkatapos ng "cut!" ng direktor.
Pero hindi ganoon kadali ang lahat. We couldn't conquer this by running away from it.
Nang makarating ako malapit sa kwarto ni Tita, nagtaka ako nang makitang nasa labas na si Rhett, mag-isang nakaupo habang nakayuko. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya mula sa kinatatayuan ko ay maririnig ang ingay na nagmumula sa loob. It was Tita Maricar's voice, crying and shouting. Nasa loob din si Tito kasama ang mga magulang ko. Hindi ako lumapit, nanatiling nakatayo. I can't bear to see her, hearing her voice, I can feel her pain.
YOU ARE READING
Her Last Dance
Teen FictionLOT Series #2 She's a believer of love. Witnessing how her parents fought for their own happy ending, Nathalia Dela Cruz knows that she's a fighter too. But not on the love she has for Rhett Seichii Anonuevo, her cousin. In order to deny it, to conc...