Chapter 16

2.1K 50 2
                                    

Hindi ako halos makatingin kay Rhett matapos ang usapang iyon. Tumahimik kasi kaming pareho nang mapagtantong lumalayo na sa sinasagutan ang usapan namin. Siya na ang sumagot sa parteng iyon na pabor naman sa akin dahil wala na akong balak na makialam pa. Nakahinga lang ako ng maluwag nang bumaba ito para magtimpla ng kape. Nagulat ako nang muling bumukas ang pinto, iniluwa noon si Mama. Mukhang nakarating na ang mga ito galing sa business meeting. Dumiretso ito papasok ng study room.

"Hindi pa ba kayo tapos, Thalia?" Nilingon ko si Mama. Nakatalikod kasi ang pwesto ko sa pintuan kaya hindi ko nakikita kung sino'ng pumapasok. Umiling ako.

"Hindi pa po, Ma." Umunat ako. "Pero malapit na po."

Tumango siya. Lumapit ito sa akin para tingnan ang mga ginagawa. Kaagad kong itinago ang huling papel na sinagutan kanina. Siguradong wala lang naman iyon sa kan'ya pero hindi ko pa rin gusto na mabasa niya iyon. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ito sa akin para makapagpahinga. Madaling araw na rin kasi, tiyak kong pagod ito sa maghapong meeting pati na sa biyahe. Eksakto namang bumalik si Rhett, dala-dala ang dalawang tasang kape para sa amin. Nagkausap pa sila ng bahagya kaya nagtagal pa sa pintuan.

Nang makitang papasok na ang lalaki, dali-dali kong kinuha ang papel na nasa lapag saka kunwaring binasa iyon. Inilapag niya sa mesa ang kape na para sa akin saka umupo sa tabi ko.

"Inaantok ka na ba?" Iiling sana ako nang bigla akong napahikab. Sa sobrang tagal no'n ay hindi ko naiwasang maluha. Napailing ito sa akin. "You sleep, Nat. Ako na ang tatapos nito."

Hindi pa ako nakakasagot, ipinagtabuyan na niya ako sa pwesto ko. Kinuha niya ang mga unan na nasa upuan saka inilagay sa tabi nito para hindi ako makabalik sa pwesto. Tiningnan ko siya ng masama. Hindi naman ito nagpatinag bagkus ay tiningnan din niya ako pabalik. Itinagilid niya ang ulo, itinuturo sa akin ang mahabang upuan na paghihigaan. Sa huli ay wala rin akong nagawa kungdi sundin siya. Inaantok na rin naman ako para makipag-away pa.

Komportable akong humiga sa mahabang upuan na nasa likuran nito. Dahil nga ay nasa likuran, mula sa pwesto ay naamoy ko ang buhok nito. Dito siya sa bahay naligo kaya ang shampoo ko ang ginamit niya. Binigyan ko naman siya no'ng shampoo ni Dada kaya lang ay ang shampoo ko raw ang gustong gamitin. Hinayaan ko na lang.

Iniunat ko ang isang kamay para abutin ang buhok niya. Malambot iyon. Bahagya kong hinaplos iyon nang hulihin nito ang kamay ko. Nilingon niya ako, nagtatanong ang mga mata.

Ipinikit ko ang mga mata. "Nagpapatulog ako."

Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon niya dahil nanatili akong nakapikit, pero naramdaman ko na lang ang pagbaba nito sa kamay ko papuntang balikat niya. Pinadausdos niya ang palad upang mas lalong hawakan ang kamay ko. Unti-unti niyang idinampi ang kaniyang hinlalaki sa itaas ng kamay ko. Paulit-ulit iyon pagkatapos ay hahaplos ng malumanay. Sa ganoong senaryo ako nakatulog.

Naalimpungatan ako nang maramdamang parang may nakatingin sa akin. Gumalaw ako nang bahagya sa pagkakapwesto bago unti-unting idinilat ang mga mata ko. Ramdam kong wala pa sa tamang huwisyo, nilibot ko ang tingin.

Doon, natagpuan ng mga mata ko si Rhett, titig na titig sa akin habang nakaupo pa rin sa pwesto kanina. Ang pinagkaiba nga lang ay mas malapit ito sa akin ngayon. Nakapatong ang ulo nito sa nakabaluktot na mga kamay habang seryoso ang matang ipinupukol sa akin. Halata sa itsura niya ang kawalan ng tulog dahil sa bahagyang pangingitim ng ilalim ng mata at pamumungay. Sa awra nito, mukhang kanina pa sa pwesto, pinagmamasdan akong tulog.

Hindi ko naiwasang pamulahanan ng mukha kahit pa pilit kong pinigilan ang sarili. Naiisip ko kasi ang itsura habang natutulog dahil sigurado akong pangit iyon. Kung may muta ba ako sa magkabilang mata o kaya ay may tulo ng laway sa labi ngayong nagising na.

Her Last DanceWhere stories live. Discover now