Pinahinto ko siya sa gilid ng kalsada. Tiningnan ko ang hilera ng mga stall ng street foods. Mausok ang buong lugar dahil na rin sa mga ihawan. Maraming tao ang kasalukuyang kumakain dahil alas siete na rin ng gabi.
"Dito na lang tayo kumain."
Nauna akong bumaba ng sasakyan. Wala na rin akong balak na hintayin siya dahil hindi na makayanan ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.
Ang plano sana naming kakain sa labas ay hindi ko kaya. Hindi kami compatible na dalawa. Naiilang ako kapag nariyan siya. Kinakabahan naman ako kapag nasa malapit lang siya.
Huminto ako sa harap ng isang stall, kaagad din naman siyang nakasunod at nasa likuran ko na.
"Sigurado ka bang dito mo gustong kumain? I can treat you in a fancy restaurant, Nat."
Hindi ko siya pinansin. Kahit ramdam ang kaba, kaagad akong tumusok sa mga street foods na nakasalang na. Kung hindi ako nagkakamali, calamares itong nakuha ko.
"Nat."
Binalingan ko siya. Palinga-linga ito sa paligid, halatang unang beses pa lang na nakapunta rito. Tinuro ko ang mga pagkain.
"Kumain ka na lang, Rhett. Pumili ka na. Madalas kumain ng ganito sina Mama noon kaya sigurado akong gusto kong kumain dito."
I heard him sighed.
Lumapit siya sa tabi ko. Tulad ko, kumuha na rin siya ng kaniyang baso saka tumusok sa mga naroon.
Tahimik lang kaming kumain. Kahit ramdam ko ang paminsan-minsang tingin nito sa akin, hindi ko siya nililingon. Nanginginig na nga ang mga kamay ko dahil ganito siya kalapit, baka tuluyan na akong sumabog kapag nagkatinginan pa kami.
"Masarap pala ang ganito." Dahil nga ay hindi ko siya nililingon, ipinakita niya sa harap ko ang isang isaw. Panandalian itong natahimik kaya nakayuko ko siyang sinilip. Isinawsaw niya iyon sa sukang puno ng pipino. "Bibili rin ako para matikman ni Mama." Tumango ako.
Nahuli niya ang tingin ko nang lumingon siya sa akin. "Ikaw, gusto mo pa ba?" Umiling ako. Tumayo naman siya para bumili ng iinumin naming nakaboteng tubig.
"Magkano po lahat, Manong?"
Si Rhett ang kumausap sa tindero habang isinusulat nito ang mga kinain namin. Inilabas ko ang pitaka dahil balak kong maghati kami sa pambayad pero naunahan na ako ng lalaki. Nagbigay na ito ng limang daan para sa bayad naming dalawa.
"Babayaran ko 'yong kinain ko," agap ko.
He just shook his head. Kinuha nito ang kaniyang sukli bago naglakad na pabalik sa sasakyan.
"Let's go. Ihahatid na kita."
Nginitian ko na lang si Manong nang magpasalamat ito sa akin. Nauna na kasi si Rhett kaya ako na lang ang napasalamatan niya.
Kita ko ang gulat sa mukha ni Mama nang pumarada ang sasakyan ni Rhett sa tapat ng gate. Nasa labas na rin siya nang bumaba kaming pareho roon. Nilapitan siya ng lalaki para magmano na siyang ikinangiti nito.
"Mabuti naman ay nagkakasundo na kayong magpinsan!"
Nakaramdam ako ng hiya sa pagsigaw na iyon ni Mama. Nayakap pa nga niya ang lalaki sa sobrang tuwa. Natawa naman si Dada saka siya inawat. Lumabas na rin ng bahay si Vios, mukhang kagigising lang sa pagkakaidlip. Namilog ang mga mata nito nang makita kung sino ang kasama ko.
"Kuya Rhett!"
Tumakbo siya papunta sa lalaki saka nagpabuhat. Napatakip na lang ako ng mukha bago nauna ng pumasok sa loob.
YOU ARE READING
Her Last Dance
Teen FictionLOT Series #2 She's a believer of love. Witnessing how her parents fought for their own happy ending, Nathalia Dela Cruz knows that she's a fighter too. But not on the love she has for Rhett Seichii Anonuevo, her cousin. In order to deny it, to conc...