Sa mga sumunod na araw, mainit na pinag-usapan ng batch namin ang pagkakaroon umano ng kasintahan ni Rhett. Madalas kong marinig ang pagdadaldalan ng mga kaklase, ang pinsan ang paksa. Marami rin ang nagsasabing laging magkasama ang dalawa, may iilan pa nga'ng nakakitang naghalikan raw sila sa tambayan ng section nila.
Hindi naman ako apektado roon, iyon ang tingin ko. Kusa akong umiiwas sa tuwing gano'n ang pinag-uusapan, hindi naman sumasagot kapag tinatanong. Hindi ko ginawang martyr ang sarili para tanggapin ang lahat ng sakit at umaktong wala lang sa akin iyon. Naisip kong mabuti nang wala akong alam, hindi ko pa masasaktan ang sarili. Tama nang nalaman kong may relasyon sila, hindi na ako lalampas pa roon.
I remembered that night, when we got home, I cried all the pain and frustrations I have in myself. Pakiramdam ko kasi noon ay kung hindi ko iyon ilalabas, bigla na lang itong sasabog sa kalooban ko at hindi na kayang patigilin pa. Pagkatapos nga lang no'n, ipinangako ko sa sarili na iyon ang una at huling beses na gagawin ko iyon para sa lalaki. Hindi kami pwede. Para akong lulusob sa isang gyera na walang sandata at sasalubungin ng libo-libong pana. Para bang lalabanan ko ang tadhana, makahanap lang ng posibilidad.
"Buntis pala si Maricar, love? Mabuti naman. Ang tagal bago nasundan ni Rhett."
Napukaw ng atensyon ko ang pinag-uusapan ng mga magulang nang umagang iyon. Sabado ngayon kaya kapwa narito sila sa hapagkainan, kasabay naming kumakain ng almusal.
Tumango si Dada.
"Pero hindi pa raw sila sigurado, love. Ang sabi ni Neil, ilang araw na raw nagsusuka, maselan din sa pagkain. Kaya magpapatingin sa Doktor ngayon."
Lumiwanag ang mukha ni Mama. Ganoon din naman kami ni Vios na parehong masaya para sa kanila kung totoo nga iyon.
"Tawagan ko nga sila mamaya. Makikibalita ako!"
Natawa kami nang sumigaw pa si Mama. Uminom ito ng tubig bago muling nagsalita. Nakangiti siyang humarap kay Dada. "What about visiting them tomorrow, love?"
Kaagad na sumang-ayon si Dada. Idagdag pang sumali rin si Vios. Ako naman ay ngumiti lang dahil gusto ko rin ang ideyang iyon.
"Okay, let's visit them tomorrow. Marami na namang iku-kwento si Car."
Nailing si Dada. Kilalang-kilala talaga nito si Tita Maricar. I somehow envy their relationship. Close na close kasi silang magpinsan, hindi nagkakahiyaan, hindi tulad namin ni Rhett.
Naisip ko pa nga, kung sigurong close rin kaming dalawa ni Rhett, malabong magkagusto ako sa kaniya. Baka nga ako pa ang kasama nitong pipili ng susuotin kapag may date at bibili ng bulaklak kapag may okasyon.
"Mas maganda siguro kung maghanda tayo kahit kaunti lang bilang pasasalamat. Kahit tayo-tayo lang muna saka na ibabalita kapag medyo tumagal na."
Nagtuloy-tuloy ang pag-uusap nila. Buong araw, tanging iyon lang ang maririnig sa buong bahay. Excited na excited si Mama at kaagad nang nagpaplano para sa baby. Kahit kami ni Vios ay isinama rin. Naisip ko tuloy ang pinsan. Ano kayang nararamdaman niya ngayon? Paniguradong masaya ito, mas higit pa sa nararamdaman namin ngayon.
Tinawag ako ni Dada nang papaakyat na sa hagdanan. Nilingon ko ito pero nasa telepono ang atensiyon niya. Si Mama ang kumausap sa akin.
"Thalia, mabuti pang tanungin mo rin si Rhett mamaya. Makibalita ka na rin para sigurado."
Bahagyang akong nagulat doon. Nakita kong may isinulat sa papel si Dada pagkatapos ay ibinigay sa akin iyon, numero ng pinsan. Namilog ang mga mata ko. Hindi man sigurado sa gagawin, napilitan akong tumango.
Sumabat si Vios na siya na lang daw ang kakausap pero hindi pumayag ang magulang. Mas pabor sana sa akin iyon lalo na't mas malapit silang dalawa, kaya lang ay nag-aalinlangan din dahil baka hindi iyon maitanong ng kapatid at iba pa ang mapag-usapan nila.
YOU ARE READING
Her Last Dance
Teen FictionLOT Series #2 She's a believer of love. Witnessing how her parents fought for their own happy ending, Nathalia Dela Cruz knows that she's a fighter too. But not on the love she has for Rhett Seichii Anonuevo, her cousin. In order to deny it, to conc...