Chapter XX
"San ba tayo pupunta?" Tanong niya kay Ryan. Naglalakad na sila sa loob ng Montenegro Hospital. Kanina ng puntahan siya nito sa bahay nila para sunduin ay sabi nito ay may pupuntahan sila. Hindi niya naman alam na dito lang pala ang punta nila. At ngayon, hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin.
"Gusto mong malaman kung paano tayo nagkita at nagkakilala hindi ba? Ngayon sasabihin ko sayo." Nakangiting saad nito.
Napakunot noo siya. "Bakit dito pa sa hospital?"
[Sa kabilang banda..]
"Eriol, okay lang ba yang gagawin ni Ryan?" Tanong ni Tiana ang tagabantay ni Ryan. Nag uusap ang dalawa habang nakasunod sa mga alaga nila.
Ngumiti si Eriol. "Oo naman Tiana, okay lang yun. Silang dalawa lang naman ang makakaalam."
"Paano kung may maalala si Janelle? Di ba talaga kasama si Ryan sa taong kailangan burahin ang alaala nung panahon na naglalakbay ang kaluluwa ni Janelle?"
"Hindi Tiana. Wala naman yun sa rules. Ang nasa rules lang ay ang alaala lang ni Janelle ang kailangan burahin. Iba kasi ang kaso nila kaya hindi ko alam kung maaalala ba ni Janelle ang mga nangyari noon o hindi. Hindi natin masasabi."
[Back to Janelle and Ryan.]
Ngumisi si Ryan. "Kasi dito tayo nagkita sa ospital. Sa hallway na ito mismo."
Huminto sila. Napakunot siya. "Seriously? Dito? Ano naman ang ginagawa ko dito ng mga panahong yun?"
"That was the day that you were rushed here." Simpleng tugon nito.
Nagpatuloy sila sa paglalakad. Naguluhan lalo siya sa sagot nito. "So you mean nung araw na yun una mo akong nakita? So paano naman tayo naging magboyfriend nun? Niloloko mo ba ko?"
Lumingon ito saglit saka umiling. "Of course not. I told you its hard to explain. Kasi nung una kitang makita kaluluwa ka. Your soul separated from your body." Anito.
Naguguluhan na talaga siya. "So psychic ka? O may third eye?" Tanong niya.
"So naniniwala ka na humiwalay ang kaluluwa mo sa katawan mo?"
"Oo. May napanood kasi akong ganun sa tv. So i guess totoo yun."
He chuckled. "Anyway halos ganyan din yung mga tinanong at sinabi mo sakin noon."
Huminto sila at pumasok sa elevator. Medyo naiilang pa siya at di komportable sa sitwasyon nila kaya medyo dumistansya siya dito. Pero may parte niya ang nais na mapalapit dito.
Hindi sila masyadong nag iimikan sa loob dahil may ibang sakay yun bukod sa kanila. At dahil apat na palapag lang naman yun at sa third floor lang naman sila bababa (yun kasi ang nakita niyang pinindot ni Ryan kanina) kaya mabilis lang yun. Pagdating nila sa third floor ay nagsimula na naman silang maglakad. Nauuna lang ng konti si Ryan at nakasunod naman siya dito.
"San naman ang tungo natin ngayon?" Untag niya dito.
Lumingon ito sa kanya. "Sa office." Maiksing tugon nito.
"Magtatrabaho ka? Bat sinama mo pa ko? Pwede naman na akong umuwi."
"No. Hindi ako magtatrabaho. Gusto ko lang ipakita yun sayo kasi doon tayo lagi tumatambay. I mean kapag nasa trabaho ako mas madalas na kasama kita doon."
Lalo lang siyang naguguluhan. Pero hindi na muna siya nagtanong. Nagpalinga linga nalang siya sa paligid. May iilang rooms din doon na ginagamit para sa pasyente pero hindi ganun kadami. Napansin niyang ang iilan sa mga rooms kasi doon ay opisina ng mga doktor. Nababasa niya kasi sa labas ng pinto ng mga ito.
BINABASA MO ANG
My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]
General Fiction[Completed] Janelle was out there looking for a job. Maghapon na syang nag apply, bukod sa pagod na, ay gutom pa sya. Nang tumawid sya sa kalsada ay di nya nakita na go na para sa mga sasakyan then boom! Nakita nyang may humandusay na babae sa kalsa...