Chapter X

251 9 6
                                    

Chapter X

"Miss may small kayo nito? I mean size 7?" Tanong ni Ryan sa isang saleslady na nag aabang at nakangiti.

"Yes Sir. Kukuha lang ako, sandali lang po." Anito at kinuha ang nagustuhan kong sapatos para kay Janelle saka umalis.

Nasa mall sila at ngayon ay nasa isang tindahan sila ng mga sapatos. Tiningnan niya si Janelle nakabusangot ito.

Luminga linga muna siya bago ito kinausap. Mahirap na baka mapagkamalan na naman siyang baliw.

"Ano na naman ang problema mo? Bat ka nakabusangot dyan?"

Umirap ito. "Wala. Wala akong problema."

"Eh bat nga ganyan ang hitsura mo? Hindi maipinta?"

"Wala nga. Bilisan nalang natin ng makauwi na tayo." Anito.

May kakaiba sa babaeng ito. Biglang naging silent type. Nag iba ito mula ng umalis ito kanina. Ano kayang nangyari at mukhang kakaiba na ang ikinikilos nito?

Lumapit siya dito. "Ano ba nangyayari sayo? Kanina ka pa kakaiba ah."

Suminghap ito. "A-anong kakaiba ka dyan. Wala noh, dalian na natin dito."

Napailing nalang siya at hinintay na makabalik ang saleslady. Hindi nagtagal ay naroon na ito.

"Sir ito na po." Anito at matamis na ngumiti sa kanya. Alam na niyang nagpapacute ito. Sanay na siya sa mga ganoong babae.

"Ah thanks." Sabi niya nalang at agad iyong kinuha.

"Sir para kanina po ba iyan? Kakadaan lang po kasi dito ni Miss Elise Sandoval at bumili ng sapatos. Size 8 po siya bat po size 7 yan? Hindi po ba yan para sa kanya?" Pagkausap sa kanya ng saleslady.

Napakunot noo siya. May pagka usi din ang isang to. Usisera.

"Hindi naman kasi para sa kanya ito. At isa pa miss dont be too nosy about other people's life." At tinalikuran niya na ito na laglag panga.

Dumiretso siya sa caahier at binayaran na ang mga pinamili. Limang sapatos ang binili niya sa tindahan na iyon para kay Janelle.

Nang makabayad ay agad silang lumabas doon. Medyo madami na siyang bitbit na paper bags dahik na rin sa nauna na niyang pinamili na damit.

Hapon na iyon at nagpasya na din siyang umuwi na dahil na rin sa mukhang hindi naman nag eenjoy si Janelle sa pamimili nilang iyon.

Pero bago umuwi ay nagpasya siyang dumaan sa isang fast food na nasa loob din ng mall na iyon para magtake out ng makakain niya pag uwi.

Nakasunod lang sa kanya ang nakabusangot pa rin na si Janelle. Pumasok na siya sa loob ng fast food at pumila. Buti nalang at hindi naman ganoon kahaba ang pila doon at agad siyang nakabili ng pagkain.

Nang nasa labas na sila ay biglang may humarang sa daraanan niya. Kilala na niya agad kung sino iyon.

"So.. Ikaw nga ang nakita ko a while ago. What are you doing here darling?" Ani Elise sa maarteng boses nito.

Binistahan niya ito. Nakashades ito at nakacap pa. Para siguro hindi ito makilala sa mataong lugar na iyon lalo at di lang ito artista kundi kontrabida pa. Baka bigla nalang may sumabunot ng buhok nito.

"Mall to. Obviously im here to buy." He said sarcastically.

Paalis na siya ng humarang na naman ito. "Para kanino yang binili mo? I bet its a girl stuff based sa tatak ng mga yan." At tumingin pa talaga ito sa mga hawak niyang paper bags.

My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon