Chapter XIII
Hindi maipaliwanag ni Ryan kung bakit magmula nung sinabi ni Janelle na hindi pa ito nagmamahal ng totoo sa isang lalaki ay sumaya siya.
Hindi niya talaga alam kung bakit masaya siyang kasama si Janelle palagi. Kung ano man ang di maipaliwanag na pakiramdam na yun ay hahayaan niya na lang.
Nang araw na yun ay busy na naman sila ni Janelle sa opisina. Pinanindigan nito ang pagtatrabaho sa kanya bilang extrang secretary. Nagtataka na nga si Mercy kung bakit kumonti nalang ang gagawin nito. Hindi lang siguro ito makapagtanong sa kanya.
Abala siya sa pagbabasa ng isang documento ng mag ring ang cellphone niya. Nakita niya si Chase ang tumatawag. Sinagot niya agad yun.
"Oh Chase, napatawag ka?" Agad niyang ainabi pagkasagot ng tawag. Napatingin sa kanya saglit si Janelle bago binalik ang tingin sa ginagawa.
"Si Cyron nag aaya mag bar. Sa JS Bar mamaya. May sasabihin daw siya. Lalo na daw sayo." Sagot ni Chase sa kabilang linya.
"Oh bakit daw? Bakit hindi siya ang tumawag sakin?" Nagtatakang tanong niya.
"Ewan ko dude pero mukhang problemado na parang galit din. Ewan ko dito."
"Magkasama kayo?" Tanong niya.
"Oo. Pumunta siya dito sa office eh. At nag yaya na ngang mag bar."
Sumulyap siya sa wrist watch niya. Alas kwatro pa lang at alas singko siya madalas umalis ng ospital. Maaga pa naman at wala naman ng ibang gagawin.
"Sige pupunta ako mamaya." Aniya saka ibinaba na ang phone.
"May lakad ka mamaya?" Biglang tanong ni Janelle. Napatingin siya dito.
"Oo. Nag aya daw si Cyron mag bar. Mukhang problemado daw sabi ni Chase."
"Ah. Can i go with you?" Anito.
Napangiti agad siya. Isasama naman niya talaga ito. Hindi niya ito pwedeng iwanan mag isa dahil paniguradong hindi siya mapapakali.
"Of course isasama kita."
Tumango ito.
Pagkatapos nila sa gawain nila ay agad na silang lumabas ng ospital at umuwi sa condo niya. Nag hapunan pa muna siya dahil ipinagluto siya ni Janelle saka siya naligo at nagbihis.
Nang pareho na silang nakabihis no Janelle ay pumunta na sila agad sa JS Bar. Maaga pa para magbukas yun pero dahil kakilala nila ang may ari ay pinapasok na sila. Agad nilang nakita ni Janelle sa isang sofa ang mga kaibigan niya.
Napansin niyang matalim ang tingin sa kanya ni Cyron ng makalapit na sila. Napansin niyang hawak hawak nina Chase at Travis ang magkabilang braso ni Cyron. Para bang pinipigilan nila ito sa tangkang pagsugod. Napahawak si Janelle sa braso niya at bumulong.
"Bakit parang ang sama tumingin ni Cyron sayo?" Tanong nito.
Nagkibit balikat nalang siya dahil siya mismo hindi alam kung bakit. Lumapit pa siya sa mga ito hanggang sa marinig na niya ang mga mura ni Cyron.
"Hey dude, easy lang. Madadaan naman to sa maayos na usapan." Sabi ni Travis.
"Hindi eh, niloko niya tayo, lalo na ako!" Nanggagalaiting singhal ni Cyron.
Tahimik lang sina Xander at Youichi sa isang tabi. Halatang nais marinig ang parehong side.
Napakunot noo siya. Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ni Cyron. Anong niloko?
BINABASA MO ANG
My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]
General Fiction[Completed] Janelle was out there looking for a job. Maghapon na syang nag apply, bukod sa pagod na, ay gutom pa sya. Nang tumawid sya sa kalsada ay di nya nakita na go na para sa mga sasakyan then boom! Nakita nyang may humandusay na babae sa kalsa...