Chapter XI

220 10 0
                                    

Chapter XI


Kinaumagahan ay sinabi niya nalang kay Ryan na hindi naman nagkaroon ng walking dress ng sinubukan niyang lumabas ng condo nito kagabi at mau nakasalubong na mga babae. Hindi iyon totoo pero iyon nalang ang sinabi niya. Naniwala ito pero mukhang galit. Nang tinanong niya kung bakit sumagot ito na wag na ulit daw niyang gawin iyon. Ang lumabas ng dis oras ng gabi ng di ito kasama.

"Ano ba Ryan. Wala naman makakakita sakin kaya wala namang kaso." Natatawa pa niyang sabi dito habang kumakain ito ng agahan na siya ang nagluto. Nakasanayan na niyang gawin iyon para dito mula ng mag stay siya sa condo ni Ryan.

"Kahit na. Gusto kong palagi mo akong kasama." Katwiran nito.

Ngumuso siya at nagpipigil ng ngiti. Lihim siyang kinikilig sa mga sinasabi ni Ryan. Oo inaamin niya na na may gusto siya sa lalaki. Pero hindi niya lulubusin ang nararamdaman dahil hindi normal ang sitwasyon niya.

Ganoon ang routine nila sa araw araw. Palagi niyang pinaghahanda ito ng agahan nito pagkatapos ay sasama sa opisina nito. Maging sa mga meeting at business appointments nito ay sinasama siya. Pero paminsan minsan ay nagpapaalam siya dito na magpupunta sa kwarto niya sa hospital o di kaya ay doon sa bahay nila para silipin ang kalagayan ng mga kapatid niya.

Nag aalala pa din siya dahil dumating na ang bayaran ng miscellaneous ng mga kapatid niya at kailangan ng mabayaran iyon. Narinig niya sa mama niya sa ospital habang kausap sa phone ang principal ng school. Nagsasabi ang mama niya na kung pwedeng magpromisory note muna at next week na magbabayad. Namomroblema na ang mama niya dahil na rin hindi na rin ito ganun kadalas tumanggap ng labahin dahil sa palagi itong nakabantay sa kanya sa ospital kahit di naman kinakailangan kasi unconcious naman siya at maya't maya naman kung may mag check doon na nurse at doktor particular na ang kapatid ni Ryan na nurse doon.

Kinausap niya si Ryan about sa problema niya at may sinuggest pa siya dito.

"Sige na Ryan. Magtatrabaho ako sayo bilang personal secretary mo. Mukhang madami kayong inaasikaso ngayon ng secretary mo dahil nakikita ko siyang hindi magkanda ugaga sa ginagawa niya. Kung gusto mo ako gagawa ng iba. Sige na. Kailangan kasi ng pera ng pamilya ko ngayon." Pakiusap niya kay Ryan ng minsang nasa opisina sila nito.

Kumunot ang noo nito. "Pwede naman kita bigyan ng pera ng hindi mo na kinailangan magtrabaho for me." Seryosong saad ni Ryan.

"Pero ayoko ng ganun Ryan. Kung kaya kung pagtrabahuan ang isang bagay para magkapera yun ang gagawin ko."

"No. Hindi. Ayokong magtrabaho ka. Bibigyan ko ng tulong ang pamilya mo na hindi mo na kinakailangan  magtrabaho para sakin." Giit pa nito.

"Pero Ryan-"

"Okay fine. Pumapayag na ako. Pero paano mo ipapaabot sa pamilya mo ang ibibigay kong pera sayo?"

Napaisip siya sa sinabi nito. Oo nga pala, paano niya ibibigay yun sa pamilya niya? Di pa siya nakakaisip ng ideya ng magsalita na si Ryan. Tiningnan niya ito at nakitang nakangiti ito.

"I have a better idea." Nakangisi ito.

Hindi niya alam kung better ba ang naiisip nitong ideya.

"Ano yun?"

Sumandal ito sa swivel chair nito at umikot pa for effect at muling humarap sa kanya. She rolled her eyes.

"I'll pretend as your boyfriend at ako ang magbibigay sa pamilya mo." Anitong nakangisi pa din.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. "Hoy Ryan anong kalokohan yan huh? Okay. Pwede naman na ikaw ang magbigay pero bakit kailangan mo pang magpretend na boyfriend ko?" Nagtatakang tanong niya.

Ngumuso ito. "Syempre mas madaling ibigay yun ng walang kahirap hirap na hindi sila magdududa sa intensyon ko. Saka ibibigay ko yun as tulong, alangan sabihin ko na sahod mo yun sa pagtatrabaho sakin?" Anitong nakataas kilay.

Lumabi siya. Pwede naman sigurong sabihin nalang nito ang totoo na nakikita siya nito.

Biglang may nagsalita sa likod niya.

"Nope Janelle. Hindi mo pwedeng sabihin kay Ryan na pwede niyang sabihin sa pamilya mo ang tungkol sa kalagayan mo. Its against the rules. Walang ibang pwedeng makaalam ng sitwasyon mo ngayon habang isa ka pang kaluluwa." Nabosesan niyang si Eriol yun at lumingon siya.

"Bakit bigla bigla ka nalang sumusulpot Eriol?" Tanong niyang napasimangot.

Ngunit nginitian lang siya nito. "Kailangan naming sumulpot kapag nakikita, naririnig at nararamdaman namin na ang binabantayan namin ay may binabalak na gawin na labag sa batas sa gitnang mundo. Maari kayong mapahamak kapag sumuway kayo."

"Ganun? Okay. Di ko na isasuggest yun. Thanks Eriol." Aniya at naglaho na naman ito.

Napatingin siya kay Ryan. Narinig kaya nito na may kausap siya? Siguro hindi kasi hindi naman ito umepal.

"Bakit may iba ka bang naiisip kung paano mo yun ibibigay?" Untag nito.

Umiling siya. "Sige pumapayag na ko sa sinabi mo."

Ngumisi si Ryan. "Ayaw mo ba sa ideya na pretend boyfriend mo ko?"

Nag init ang pisngi niya sa tanong nito saka nag iwas ng tingin. "Nakakahiya lang kasi. Imposible naman kasing magkaroon ako ng boyfriend na katulad mo sa totoong buhay." Aniya.

"Bakit imposible? You're beautiful. Smart, nice, thoughtful, caring, loving. Walang hindi iibig at magmamahal sa isang tulad mo." Narinig niyang sabi nito na nagpalingon sa kanya at tingnan ito.

Nakapanglumbaba ito ngayon at matamang nakatitig sa kanya. Bigla siyang naconcious kaya muli niyang ibinaling sa iba ang tingin.

"Imposible dahil magkaiba ang agwat natin sa buhay. Walang mayaman ang magkakagusto sa isang tulad ko lang."

"How can you say so? Wala namang pinipiling estado ng buhay ang pagmamahal. Walang race, walang religion, walang edad, walang kapansanan, walang mayaman, walang mahirap, walang pangit, walang maganda, walang masama, walang mabuti. Kapag nagmahal ka, puso ang nagdidikta. Sabayan mo lang ng tamang pag iisip para siguradong maging masaya ka. Pag nagmahal ka, you wont mind kung anong sasabihin ng tao. Dahil kayong dalawa ang nagkakaintindihan. Kayong dalawa ang magsasama at hindi ang mga taong humuhusga at bumabatikos sa pagmamahalan niyo. In love and in life, people just have to respect someone's decision. Alright, hindi maiiwasan ang manghusga pero respect. Yun ang importante. Husgahan mo man ang isang tao respetuhin mo nalang ang mga desisyon niya sa buhay, kung sinong mamahalin niya at pipiliing makasama sa buhay niya. That is why, hindi tamang isipin mo na walang mayaman ang magkakagusto sa isang mahirap, dahil pag tinamaan ng pag ibig ang isang tao, wala na siyang control dun." Mahabang litanya ni Ryan.

Wow. Hugotss masyado. Natulala nalang siya dito at di malaman ang irereact. Inaabsorb pa ng utak niya ang mga sinabi nito kaya nanatili siyang tahimik hanggang sa marinig niyang humalakhak ito. Napakunot noo nalang siya.

"Sorry. Ang haba ng sinabi ko. Medyo corny kapag ang isang lalaki ang nagsabi ng isang pananaw niya about love." Biglang naging seryoso ito. "Pero Janelle its true. Dont doubt yourself. Anyone is capable of loving you. Anyone.. Even me.."

Hindi niya masyadong narinig ang huling binigkas nito dahil naging bulong iyon at umiwas na ito ng tingin sa kanya. Pero bigla nalang niyang naramdaman ang pagkabog ng dibdib niya.

What was that for?

My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon