Chapter XXVIII
[Musical to. Beware. Hehe]
Habang inaayos ng konti ang mga instrumento ay nakadama siya ng kaba. First time niya lang gagawin ito para sa taong mahal niya at natatakot siyang pumalpak. Bigla ay nakaramdam siya ng tapik sa balikat at lumingon siya. Si Cyron na katabi niya ang tumapik.
"Relax ka lang. Magpoprose ka pa lang hindi pa ikakasal." Then he chuckled.
He smirked. Oo magpoprose na nga siya kay Janelle. Alam yun ng pamilya niya. Pero hindi ng mga taong nandun. Ang alam lang ng mga ito ay birthday niya. Oo birthday niya din at sinadya niyang hindi ipaalam yun kay Janelle kasi nga gusto niyang isurprise ito. At ayaw niya din na mag isip ito ng kung ano ano sa araw na yun. Alam din ng pamilya nito ang tungkol sa binabalak niya. Ang totoo ay kinabahan siya kanina ng mapansin niya na napatingin si Janelle sa gawing puwesto kung nasaan ang pamilya nito. Hindi kasi nito alam na pupunta dun ang mga ito.
Kanina kasi pagkatapos nilang umalis ay pinasinundo na rin niya ang pamilya nito. Bahagi talaga yun ng plano. Gusto niya kasing masaksihan ng pamilya nito at maging parte ang mga ito ng gabing yun.
Mabuti nalang at napakiusapan nila ang mga nagpunta na wag magbanggit na birthday niya ngayon.
"Hindi ako kakabahan sa oras na ikasal kami. Ngayon lang dahil baka pumalpak kayo." Panunukso niya pa.
Tumawa ito. "Palusot pa. Alam ko yang nararamdaman mo dude." At tinapik na naman siya.
Nginingisihan niya pa din ito. "Bakit nagmamahal ka na?"
Naubo naman ito na parang nasamid na ikinatawa niya. Nag iwas ito ng tingin at lumayo.
"Di ko alam ang sinasabi mo." Pagmamaang maangan nito.
Napailing nalang siya. Tiningnan niya ang direksyon kung nasaan si Janelle. Kumaway ito ng makitang nakatingin siya dito. Nginitian niya naman ito.
Maya maya ay narinig na niya si Xander. "So gay." Reklamo nito.
Binatukan naman ito ni Chase. "Reklamador ka talaga."
"Tama na yan. Start na tayo." Sabi naman ni Travis.
Pumuwesto na sila ni Cyron. Nag intro at nakatingin lang siya kay Janelle.
"She's been my queen since we were sixteen
We want the same things, we dream the same dreams, alright, alright
I got it all cause she is the one
Her mom calls me love, her dad calls me son, alright, alright
I know, I know, I know for sure."Isa yung kanta ng One Direction na ang title ay Steal My Girl. Pinili niya yun ng personal para kantahin dahil nagustuhan niya ang lyrics at ang pinapahiwatig ng kanta dahil yun ang gusto niyang iparating sa lahat.
"Everybody wanna steal my girl
Everybody wanna take her heart away
Couple billion in the whole wide world
Find another one cause she belongs to me."Naalala niya pa ang usapan nila ng mga kaibigan lalo na nila ni Cyron habang binibigay niya ang listahan ng kakantahin nila sa araw na yun.
"Halos one direction to ah. Fans ka ng one direction dude?" Nakakunot noong tanong nito habang binabasa ang nasa papel.
Binato niya ito ng nilakumos na papel at natawa. "Gago! Fans agad kapag nahilig sa kanta nila? Hindi ba pwedeng nagustuhan ko lang talaga ang kanta?" Bwelta niya.
Tumawa na din ito. "Gago ka din. Para ka kasing nagbibigay ng tribute sa mga kantang nandito."
Silang dalawa lang ang nag uusap dahil abala ang iba sa pag aaral ng tutugtugin na kanta.
BINABASA MO ANG
My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]
Narrativa generale[Completed] Janelle was out there looking for a job. Maghapon na syang nag apply, bukod sa pagod na, ay gutom pa sya. Nang tumawid sya sa kalsada ay di nya nakita na go na para sa mga sasakyan then boom! Nakita nyang may humandusay na babae sa kalsa...