Chapter XIV
Mabilis lumipas ang araw na nasa coma pa rin ang katawan niya. Tinanong niya si Eriol kung alam ba nito kung kelan siya magigising pero ang tanging sagot nito ay hindi nito alam.
Nasa opisina siya ng mga sandaling iyon at patuloy na nagtatrabaho bilang lihim na sekretarya ni Ryan. Nilingon niya si Ryan. Nakayuko ito sa binabasa nito at seryosong seryoso.
Napabuntong hininga siya. Sa paglipas ng mga araw ay alam niya sa sarili niya na hindi na basta crush lang ang nadarama niya kay Ryan. She was falling in love with him. No. She is inlove with him.
Naisip na naman niya ang sinabi ni Eriol na soulmate sila ni Ryan. Kaya imbes na ituloy ang ginagawa ay napunta siya sa google at nag search na naman ng about soulmates. Pilit niyang iniintindi ang mga nababasa niya. Maya maya ay may tumikhim sa likod niya.
"Bat ka pa nagpapakahirap dyan kung pwede ka namang magtanong sakin?" Ani Eriol.
Napalingon siya dito. Nakangiti ito sa kanya. Ngumuso siya. "Nakakahiya kasing magtanong."
Tumawa ito. "Bakit ka naman mahihiya sakin?"
Nakalabi pa rin siya. "Eh kasi malalaman mo ang pinoproblema ko."
"Kahit naman di mo na sabihin ay alam ko na kung ano ang pinoproblema mo. Kaya ako nandito ngayon ay para malaman kung gusto mong marinig ang kasagutan sa mga tanong mo."
Napatingin siya dito ng mataman pagkatapos ay sumulyap kay Ryan na ganun pa din.
"Hindi niya tayo naririnig?" Tanong niya.
"Hindi. Hindi niya maririnig ang usapan natin."
Tumango siya at umayos ng upo. "Gusto ko lang kasing malaman kung ang soulmate ba ay katulad din ng destiny?"
Umupo si Eriol sa katapat na sofa. "Hindi. Hindi sila magkapareho. Kapag sinabing soulmate, compatible kayo ng kaluluwa. Ang isa't isa sa inyo ay ang other half ng kaluluwa niyo. Kumbaga magpartner ang souls niyo. Pero hindi porke sinabing partner ay love agad ang pakahulugan. Kasi it could be friendship or comfortability with each other, and so on."
"So you mean ang soulmate hindi lang sa love umiikot?"
"Tama. Dahil sabi ko nga kapag nandito pa kayo sa lupa, bihira ang soulmate na nagtatagpo dahil malawak ang mundo niyo. At isa pa kahit magtagpo pa kayo hindi niyo naman malalaman na soulmate kayo maliban nalang sa amin na tagabantay niyo. Hindi porket sinabing soulmates ay kayo na ang magkakatuluyan. Diyan na papasok ang destiny."
Nanatili siyang tahimik para makinig. Nagpatuloy ito.
"Diyan papasok ang destiny. Dahil ang kanya kanyang tao ay may nakatakda na para sa kanila dito sa lupa. Kasi kahit ano ang gawin ng tao, dun ang bagsak nila sa kanilang kapalaran. Kung ang kapalaran mo ay ang soulmate mo, swerte ka dahil kahit gaano kalawak ang mundo, pagtatagpuin kayo. Pero ang mga ganoong kaso ay bihira Janelle. Hindi madalas na nangyayari."
"Ganoon ba? Sa tingin mo ba si Ryan ang destiny ko?" Naisip niyang itanong.
Nagkibit balikat si Eriol. "Yun ang hindi ko alam Janelle."
May sasabihin pa sana siya ng bigla niyang marinig na tinatawag siya ni Ryan. Bigla na namang naglaho si Eriol kaya hinarap niya na si Ryan. Nakasimangot ito.
"Anong sinisimangot mo dyan?" Tanong niya dito.
Umiling ito at nag iwas ng tingin. Hindi sumagot sa kanya. Napakunot noo tuloy siya. Nagkibit balikat nalang siya at itinuloy ang naudlot na ginagawa.
BINABASA MO ANG
My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]
Ficción General[Completed] Janelle was out there looking for a job. Maghapon na syang nag apply, bukod sa pagod na, ay gutom pa sya. Nang tumawid sya sa kalsada ay di nya nakita na go na para sa mga sasakyan then boom! Nakita nyang may humandusay na babae sa kalsa...