Epilogue

363 7 1
                                    

Epilogue

"Ayoko nga niyan! Ilayo mo sakin yan!" Naiiritang sigaw ni Janelle sa kanya. Napakamot siya sa batok niya.

Nasa bahay sila at may kaonting salo salo dahil sinicelebrate nila ang pagbubuntis ni Janelle. Yes, she's pregnant, one month na at two months na silang kasal.

Kahapon lang nila nakumpirma ang hinala nila na buntis nga ito ng magpunta sila sa isang doktor.

Nagsimula silang maghinala ng palagi nalang itong may inaayawan na pagkain. Maging sa opisina nila Cyron ay palagi itong naiirita sa lalaki kahit pa na doon ay amo nito iyon. Kahit na mag asawa na sila ni Janelle ay hinayaan niya pa rin na magtrabaho ito doon dahil sa kagustuhan nito.

Iniaabot niya ngayon ang isang pinggan na naglalaman ng spaghetti pero yun nga ang naging sagot nito.

Natawa nalang ang mga kaibigan niya na naroon sa may garden. Doon siya nagpahanda ng pagkain. Pansamantala silang nakatira sa bahay ng parents niya dahil hindi pa tapos ang ipinapagawa niyang bahay malapit doon. Ang mother-in-law niya naman at brothers-in-law ay doon na muna niya pinatira sa condo unit niya dahil pinapaayos pa ni Janelle ang bahay ng mga ito sa pala pala. Sa kanila naman kasi yung lupa dahil nabili na yun ng papa nito.

Five months lang ang itinagal ng preparation ng kasal nila dahil talagang pinapamadali na siya ng Daddy niya na mag asawa.

"Eh anong gusto mo?" Mahinahon niyang tanong.

Ang sabi ng mommy niya ay sensitive ang mga buntis. Madali lang magalit at magtampo ang mga ito kaya kailangan bantayan ang mga sinasabi at kinikilos.

Lumabi ito. "Gusto ko ng ice cream, yung strawberry flavor."

Napakamot na naman siya. Wala kasi sila nun dito. Kailangan niya pang umalis para bumili.

"Uh, Babe, wala kasi tayo nun dito eh. Okay lang ba na iwanan na muna kita para makabili ako?" Tanong niya at nilapag na sa table ang pinggan na may spaghetti.

"Ayoko. Dito ka lang. Utusan mo nalang si Cyron." Anito at tinuro si Cyron na nasa tapat lang nila at nasamid pa ito ng marinig ang sinabi ni Janelle.

"Bakit ako?"

Tumalim ang tingin ni Janelle dito. "Bakit hindi ikaw? Eh gusto kong ikaw ang bumili eh." Sagot ni Janelle at umirap.

Napakamot sa ulo si Cyron. "Bat ba ang init lagi ng ulo mo sakin? Wala naman akong ginagawa sayo. Pinaglilihian mo ba ako?"

Nanliliit naman ang mata niyang tiningnan ito. Napataas naman ang kamay ni Cyron na tila ba sumusuko. Alam naman na nila na kapag daw galit ang buntis sa isang tao sa di malamang dahilan ay pinaglilihian nito ang taong yun. Ayaw man niya sa ideya na si Cyron ang pinaglilihian nito ay wala naman siyang magagawa. Ang sabi pa naman ni Mommy ay mas nakakamukha daw ng bata ang taong pinaglihian ng kanyang ina. Gusto niyang siya ang maging kamukha ng anak nila pero parang mabuti na rin yun. Di niya maatim isipin na laging galit sa kanya si Janelle. Mas okay na siguro si Cyron. Hehe.

"Okay, fine ako nga ang bibili. Ano ba yung ipapabili niyo?" Nakasimangot na tanong nito ng tumayo.

"Strawberry flavoured ice cream. Taz bili ka na din ng cone. One gallon na ice cream huh?" Bilin ni Janelle na pinandidilatan ito. Minsan na kasi nilang nautusan ito at mali ang nabili kaya galit na galit si Janelle. Isang araw itong nagkulong sa kwarto. Napagsabihan tuloy si Cyron ng mga magulang niya.

"Oo na po. Sige alis na ko." Sabi nito at tumalikod na. "Bakit pa kasi ako ang napaglihian? Alam ko gwapo ako pero ang hirap niyang pakisamahan." Bubulong bulong pa ito na malakas para isang bulong.

My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon