Chapter XVII
"Let's go?" Nakangiting sambit ni Ryan. Kakalabas niya lang mula sa kwarto nito dahil nagbihis siya. Hindi niya maintindihan ang purpose kung bakit kailangan niya pang magbihis gayong wala namang makakakita sa kanya. Gayon pa man ay sinunod niya nalang si Ryan. Anyway gusto niya din naman magmukhang maganda sa paningin nito kahit papano.
Ngumiti siya pabalik at tinanggap ang kamay nitong inilahad sa kanya. "Let's go." Aniya.
Lumabas na sila ng condo unit nito. Dumiretso agad sila sa sasakyan nito ng makababa na sila ng building. Mabilis ang naging byahe nila. Medyo maaga pa para magpunta ng bar, pero dahil nga magpeperform sina Ryan ay inagahan na nito ang magtungo sa bar.
Pagdating dun ay kokonti pa lang ang tao dahil kakabukas pa lang yata. Pumasok agad sila ni Ryan sa loob at agad din naman nilang nakita ang mga kaibigan nito. Nag high five ang mga ito bilang pagbati sa bawat isa saka naupo si Ryan. Nanatili lang siyang nakatayo di kalayuan sa mga ito. Tiningnan siya ni Ryan ay sinenyasan na lumapit pero umiling lang siya.
"Dito nalang ako. Dont worry okay lang naman." Pag aassure niya.
Kahit mukhang diskumpiyado ay hinayaan nalang siya nito. Nag usap usap ang mga ito ng kung ano ano na tila walang anumang nangyari kina Ryan at Cyron. Sabagay mas mabuti na rin yung kinakalimutan nalang ang mga past issues. Ika nga, if you forgive you should forget.
Maya maya ay may lumapit na lalaki sa grupo nina Ryan. Yun ang may ari ng bar na yun. Si Topaz Raven.
"Buti pinaunlakan niyo ang hiling ko." Agad na sambit nito pagkatapos makipaghighfive.
"Oo naman. Malakas ka samin eh. Pero syempre may TF to." Biro ni Cyron.
Tumawa si Topaz. "Oo naman syempre." Sagot nito. "Oo nga pala. Sayang ipapakilala ko sana sa inyo ang bago kong bartender but she was not here tonight. May inaasikaso lang daw."
Nagkatinginan ang magkakaibigan. "She? Is she your girl?" Sabi ng sa pagkakatanda niya ay si Chase.
Umiling si Topaz at nagpasya ng maupo muna. "Nope. She's actually became my interns before. Dahil magaling siya i decided na kunin siyang bartender dito. Dapat last year pa kaso nagtraining pa siya."
"Nag intern siya dito? So kilala na namin?" Si Xander naman ang nagtanong.
"Uh, no. Kasi dun siya sa isang bar nag intern." Sagot ni Topaz.
"Binibuild up mo talaga yan ah. Maganda ba?" Si Xander ulit. Binatukan na ito ni Chase. Nagtawanan naman ang iba.
"Oo naman. Pero bata pa to bawal taluhin Xander. Parang kapatid na ang turing ko dun." Paalala nito.
"Damot talaga. Bawal na nga mga kapatid mo pati ba naman empleyado at interns niyo?" Kunway hinampo na sabi ni Xander.
Tinawanan lang ito ni Topaz. "Oo bawal sila sa mga tulad mong playboy."
Nagtawanan na naman ang mga ito. Tumayo si Topaz. "Anyway, maiwan ko na muna kayo dito."
Nagtanguan ang mga kaibigan ni Ryan saka umalis na si Topaz. Nagkwentuhan pa ang mga ito at paminsan minsan ay tumitingin sa kanya si Ryan at nginingitian siya. Di nagtagal ay nagsitayuan na ang mga ito at nagtungo sa may stage at inayos ang mga kagamitan sa pagtugtog. Maya maya lang ay nagsimula na din ang mga ito.
Karamihan sa mga kinanta nito ay requested songs from the customers. Luckily ay halos alam yun ng grupo nina Ryan. Nagbreak lang saglit ang mga ito saka bumalik ulit sa stage. Nang patapos na, napatingin siya sa stage. Pamilyar ang tumugtugtog ngayon. Nakita niyang kumindat sa kanya si Ryan. Nagtilian naman ang mga babae na malapit sa kanya sa pag aakalang sila ang kinikindatan ni Ryan.
"This song, is for my very special girl. I love her so much." Nakangiting sabi ni Ryan at diretsong tumingin sa mga mata niya.
"Wherever you are tonight girl.."
Napangiti siya. Parang naging theme song na nila ang kantang yun. Nakatingin lang siya kay Ryan the whole time na kinakanta nito yun. Pinipilit niyang itatak sa puso't isipan niya ang alaala niya kay Ryan. At gaya ng kinakanta nito ngayon, forevermore he'll be here in my heart. Kahit pa siguro mawala ang alaala niya matatandaan pa din naman siguro nito ng puso niya.
Pagkatapos ng gabing yun ay tila kay bilis lumipas ng mga araw. As usual palagi pa rin silang magkasama ni Ryan. Tila ba malapit na silang naghiwalay dahil sinusulit nila ang panahon na magkasama sila.
Nitong gabi ay magkatabi na naman sila sa higaan nito. Yakap yakap siya nito. "Mahal na mahal kita Janelle. Tandaan mo yan." Bulong ni Ryan bago nakatulog.
Hinaplos niya ang mukha nito, saka ngumiti. "Mahal na mahal din kita Ryan. Mahal na mahal." Bulong niya kahit di na nito yun naririnig dahil nga nakatulog na ito.
Dahil nga hindi naman siya natutulog, nanatili siyang mulat. Iniisip niya ang mangyayari kung sakali mang bumalik na siya sa katawan niya. Talaga nga kayang hindi na niya maaalala ito? Tutuparin kaya nito ang pangako nito na gagawin ang lahat para maalala niya ito? Napabuntong hininga siya. Mahal niya si Ryan. Ayaw niyang saktan ito sa panahon na mawawala ang alaala niya dito.
Maya maya ay may naramdaman siyang kakaiba. Parang gumagaan siya. Tiningnan niya ang mga kamay niya. Tila unti unti yung naglalaho. Parehong kamay niya ang nawawala hanggang sa braso niya. Nanlalaki ang mga mata niya sa kaba. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya. Gusto niyang sumigaw pero ayaw niya namang magising si Ryan. Biglang lumitaw si Eriol sa may gilid niya. Napatingin siya dito.
"Eriol, anong nangyayari sakin? Ano to?" Nahihintakutan niyang sabi dahil ganun na rin ang nangyayari sa mga paa niya.
Seryosong tumingin si Eriol sa kanya. "Oras na Janelle. Your going back to your body. Nagkakamalay na ang katawan mo kaya babalik ka na doon." Sagot nito.
Nanlaki lalo ang mga mata niya. "P-paano si Ryan. Hindi niya alam to." Aniya at nilingon ang binata saka binalik ang tingin kay Eriol. "Pwede ko ba siyang gisingin?" Pakiusap niya. Gusto niyang malaman ni Ryan ang mangyayari sa kanya. Gusto niyang hindi ito mabigla sa biglaang pagkawala niya.
Umiling ito. Gusto niyang maiyak ng umiling ito. Papano na si Ryan?
Ryan magising ka bago ako mawala. Please? Piping hiling niya. Pero hindi siya pinagbigyan dahil nanatili itong tulog at walang alam sa nangyayari.
Then suddenly, Eriol snapped his fingers in front of her face after that everything became black.
Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Puti. Puro puti ang nakikita niya. Nasaan siya? Tahimik. Wala siyang ibang marinig kundi ang isang kakaibang tunog na hindi niya alam kung ano. Inilibot niya ang kanyang paningin hanggang sa makita niya ang isang pamilyar na mukha. Ang mama niya. Tinawag niya ito sa mahinang boses. Nakahiga ito sa isang sofa at galing yata sa pagtulog ng magmulat din ito ng mata at bumangon. Napatingin sa direksyon niya.
Nanlaki ang mga mata nito ng makita siya. "Jan-Jan? Gising ka na? Teka. Tatawag ako ng nurse." Natatarantang sambit nito at nagmamadaling bumangon.
Nurse? Bakit tatawag ng nurse? Nasaan ba siya? Nang pilit niyang inalala ang mga nangyari sa kanya ay sumakit ang ulo niya. Sinapo niya yun at napansin niyang may IV na nakakabit sa kamay niya. Dextose? Bakit meron siya nito? Sa pag iisip ay lalong sumakit ang ulo niya.
Naramdaman niya nalang ang pagdating ng ilang mga tao na mga nakaputi kasama ng mama niya. Hindi niya malaman kung ano ang ginagawa ng mga ito sa kanya. Wala siyang lakas na mang usisa pa dahil na rin sa matinding pagsakit ng ulo niya. Parang may mga alaala na pilit niyang inaalala pero talagang wala. Pero pakiramdam siya na merong nawawala sa kanya.
Nang hindi na niya matiis ay ipinikit nalang niya ang kanyang mga mata. Ngunit sa pagpikit niya may isang imahe siyang nakikita. Lalaki. Pero malabo. At pagkatapos nun ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]
General Fiction[Completed] Janelle was out there looking for a job. Maghapon na syang nag apply, bukod sa pagod na, ay gutom pa sya. Nang tumawid sya sa kalsada ay di nya nakita na go na para sa mga sasakyan then boom! Nakita nyang may humandusay na babae sa kalsa...