Chapter XXVI
"Kinakabahan ako Ryan." Sabi niya sa kasintahan. Nasa loob pa sila ng sasakyan nito at hindi pa sila makababa dahil nakaramdam siya ng kaba.
Nakapark na ang sasakyan nito sa labas ng bahay ng mga ito sa isang exclusive na subdivision. Ngayon na siya ipapakilala ni Ryan sa pamilya nito kaya sobra sobra ang kabang nadarama niya.
Naramdaman niyang hinawakan ni Ryan ang mga kamay niya. "Wag kang kabahan. They won't bite you. At kahit anong mangyari, im here by your side. I won't let anything happen to you."
Tumango siya. "Pasensya na. Di ko lang maiwasan na kabahan. Pamilya mo na kasi yun eh."
Ngumiti ito. "Don't worry okay? So.. Let's go?"
Ngumiti na lang din siya at tumango. Nauna itong bumaba pagkatapos ay pinagbuksan siya ng pinto. Inalalayan siya nito sa pagbaba. Hawak nito ang kamay niya habang sabay silang naglalakad papasok sa bahay ng mga ito.
Pagkapasok sa loob ay hindi niya maiwasan ang mamangha. Malaki ang bahay ng mga ito. Malamang dahil nasa exclusive na village yun. Halos mayayaman at mga nasa business world ang nakatira doon. Ang alam niya nga ay doon din yata na village nakatira sina Cyron. Hindi niya masyadong sure dahil hindi pa naman siya nakakapunta doon kahit na nung si Sir Albert pa ang boss niya. At isa pa, makakalimutin din siya kaya ganun. Hehe..
May nakasalubong silang may edad na babae na nakauniporme. Huminto ito para batiin si Ryan.
"Magandang gabi Sir Ryan." Anito at napatingin pa sa kanya. Nginitian niya nalang ito. "Magandang gabi Ma'm." Bati din nito sa kanya.
"Saan na sila Manang?" Tanong mi Ryan.
"Nasa dining na po Sir. Kakababa lang po nila doon." Sagot nito.
Tumango si Ryan pagkatapos ay nagpaalam na saka sila muling nagpatuloy sa paglalakad. Lalo tuloy nadagdagan ang kaba niya ng makita na ang dining area at may mga tao ng nandun. Dalawang babae at isang lalaki. Napakapormal masyado ng kasuotan ng mga ito. Ganito ba talaga pag mayaman? Magdidinner lang todo bihis pa. Nasa loob lang naman ng bahay.
Nang maramdaman ng mga tao dun ang pagdating nila ay nag angat ng tingin ang mga ito. Nakangiti si Yana pati ang Mommy nito pero halata sa mukha na nagtataka ito. Maging ang Daddy nito ay nagtataka pero unlike sa Mommy nito, nakakunot ang noo nito.
Humigpit ang pagkakahawak ni Ryan sa kamay niya at lumapit pa sila doon.
"Good evening everyone. I would like you to meet Janelle Dela Rosa, my girlfriend." Panimula ni Ryan.
Nginitian niya ang mga ito. "G-good evening po." Bati niya.
"Baby, meet my family. Of course you already knew my sister. Alyana Montenegro. And this beautiful lady beside her is my Mom, Aliyah Montenegro and of course my Dad, Randolf Montenegro." Pakilala ni Ryan sa pamilya niya.
Bumati lang ang mga ito saka siya inalalayan ni Ryan na maupo. Magkatabi sila at kaharap niya ay si Yana habang si Ryan ay ang Mommy nito. Nasa dulo naman ang Daddy nito kung saan madalas nauupo ang mga padre de pamilya.
"I didn't know you have a girlfriend." Untag ng Daddy nito.
"Yes i have, i already told Mom. Hindi niya ba nasabi?" Ani Ryan at tumingin sa Mommy nito.
Kinakabahan pa rin siya. She was fidgetting her fingers na nasa lap niya dahil sa kaba niya. Hindi na rin siya makangiti ng maayos dahil sa pag uusap ng mag ama.
BINABASA MO ANG
My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]
General Fiction[Completed] Janelle was out there looking for a job. Maghapon na syang nag apply, bukod sa pagod na, ay gutom pa sya. Nang tumawid sya sa kalsada ay di nya nakita na go na para sa mga sasakyan then boom! Nakita nyang may humandusay na babae sa kalsa...