Chapter III
"Anong oras kaya nagigising si Ryan?" Tanong ni Janelle sa sarili.
Madaling araw na. Gising siya dahil di naman siya nakakaramdam ng pagkaantok. Siguro dahil tulog ang katawan niya o baka ganito talaga pag kaluluwa. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa sofa. Magdamag lang siyang nakaupo doon at nagbabasa ng libro. Samantalahin na ang pagkakataon na may nahahawakan siya sa loob ng condo na yun.
Nagtungo siya sa kusina. Pwede niya sigurong ipagluto ito tutal parang normal naman siya doon. Binuksan niya ang ref. Ang daming stocks doon.
"Hmm.. Yung usual na breakfast nalang siguro. Nagbebreakfast naman siguro ang taong to." Pagkausap niya sa sarili.
Kumuha siya ng bacon strips, at eggs. Niluto niya iyon. Ng makaluto na ay nag toast siya ng bread tsaka nagtimpla ng kape kung nagkakape man si Ryan.
Natapos na siya doon ng saktong bumukas ang pinto ng kwarto ni Ryan. Mukhang nagulat pa ito ng makita siya. Nagulat din siya ng makitang nakaboxer shorts lang ito. Agad siyang napatalikod.
"Oi Ryan! Magdamit ka naman. May babae kang kasama." Sabi niya dito. She heard him chuckled.
"Sorry i forgot that you're here. And besides, what's the matter with it? Girls don't mind seeing me wearing only these." He teased.
Nakatalikod pa din siya at hindi tinitingnan ito. "Kahit na. Im not one of those girls. Magbihis ka na please?"
Tumawa ito at naramdaman niya nalang na lumayo ang mga yabag nito. Napabuga siya ng hangin ng wala na ito paglingon niya.
"Wheew. Grabe lang ang hot." Aniya at pinaypayan pa ang sarili gamit ang dalawang kamay.
Malinaw niya kasing nakita kanina ang katawan nito kahit na agad siyang tumalikod. Pakiramdam niya namamanyak siya dito. For sure namumula na ang pisngi niya ngayon.
Di naman nagtagal ay lumabas na si Ryan na naka puting tshirt na pero nakaboxer shorts pa din. Pero sa paningin ni Janelle keri na iyon. Lumapit agad ito sa lamesa at naupo.
"You've made breakfast for me?" Tanong nito.
Naupo nalang din siya sa katapat na upuan nito. "Yup. Nakakahiya naman kasing tumambay dito at walang ginagawa. At tutal naman i can touch things here kaya ayan." And she smiled at him.
Humigop ito ng kape na tinimpla niya. "It taste good."
"Talaga? Thank you."
Nagsimula na itong kumain at pinapanood niya lang ito. Mukhang sanay naman itong pinapanood habang kumakain kaya siguro hindi siya sinita nito.
"Saan ka nga pala natulog kagabi? Im sorry that i fell asleep so early and i forgot that you're here." Sabi nito.
Nagwasiwas siya ng kamay. "Ah iyon ba? Wala iyon. Hindi naman ako natulog. Hindi kasi ako makaramdam ng antok."
Nag angat ito ng tingin. "Really? What did you do all night?"
"Uhm, may nakita akong libro sa center table, binasa ko iyon."
"So what are your plans now?" Tanong nito.
Napakunot noo siya. "Plano? Hindi ko alam eh. Siguro maghahanap nalang ako ng mga kasagutan sa mga katanungan ko. Research ba. Kasi wala naman talaga akong magagawa, im in a coma. I mean yung katawan ko. Bibisita nalang siguro ako doon paminsan minsan." Sagot niya.
"Ano ba kasing nangyari sayo? Why are you in a coma?"
"I got into a car accident. Uhm, nasagasaan ako ng kotse." Sagot niya dito.
BINABASA MO ANG
My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]
General Fiction[Completed] Janelle was out there looking for a job. Maghapon na syang nag apply, bukod sa pagod na, ay gutom pa sya. Nang tumawid sya sa kalsada ay di nya nakita na go na para sa mga sasakyan then boom! Nakita nyang may humandusay na babae sa kalsa...