Chapter I
"Grabe, ang hirap talaga maghanap ng trabaho. Haisst. Nagugutom na ko. Makauwi na nga lang." Sambit ni Janelle sa sarili.
Naglalakad sya sa gilid ng kalsada. Papunta sya sa may jeepney stop para makauwi na. Kanina pa syang umaga nag aapply and unfortunately ay wala pa ding tumatanggap sa kanya on the spot. Tatawagan nalang daw sya.
'Tatawagan. Tss.' Saisip isip nito.
Nanghihina na lumalakad si Janelle dahil na rin hindi sya kumain ng tanghalian o kahit nagmeryanda man lamang. Nagtitipid kasi sya. Isang libo lang ang budget nya para sa araw na ito.
Wala sa sarili na naglakad sya at tumawid ng hindi tinitingnan ang traffic lights.
*Eennnnngkkkkkkk....* (screeched sound)
"Hala? Ano yun? Kawawa naman yung babae. Nasagasaan." Bulong ni Janelle sa sarili.
Nakita nyang may isang babae na nakahandusay sa kalsada at nagkakagulo ang mga tao. Pinag iisipan ni Janelle kung makikiusyuso ba sya o hindi.
Nang mapagdesisyunan nyang maki usyoso muna ay medyo nagtaka sya kung bakit parang hangin lang ang nasa paligid. Wala syang maramdaman na bumabangga sa kanya gaya ng usual na nangyayari kapag nakikipagsiksikan ka. Pero di na muna niya binigyang halaga yun at tuluyan na syang nakalapit sa pinagkakaguluhan.
Hindi nya makita ang hitsura ng babae. Sinasakay na ito sa isang stretcher. At ang nakasagasa ay babae din, buti at hindi nito tinakbuhan yung nasagasaan nito. Aalis na sana siya ng bigla niyang matanawan ang hitsura ng babaeng nasagasaan. At nanlaki ang mga mata nya! It was her!
****
"Oh my God, oh my God! What happen? Am i dead?" Balisang pagkausap ni Janelle sa sarili.
Paglakad lakad sya sa tabi ng katawan nyang nakahiga sa hospital bed.
Nang makita nyang kamukha nya ang babaeng nasagasaan kanina, saka pa lang niya napagtanto ang lahat. Sya ang nasagasaan. Kitang kita nyang dinala sa isang ospital ang katawan nya kaya sinundan nya yun.
Wala syang mahawakan. Tagusan sya sa lahat. Maski sa mama at mga kapatid nya na nagpunta sa ospital. Nakikita nyang iyak ng iyak ang mga ito.
"Dok, kamusta po ang lagay nya?" Narinig nyang tanong ng mama nya. Umiiyak pa rin ito.
"Nacomatose po ang anak nyo. Matindi po ang naging impact sa kanya ng pagkakabangga nya." Sagot ng doktor.
"Im sorry talaga Maam, bigla po syang tumawid ng kalsada. Hindi naman po mabilis ang pagpapatakbo ko pero sumakto po talaga sya na sobrang lapit ko na po sa kanya kaya po siguro ganyan. Pero wag po kayong mag alala sagot ko na po ang gastusin nyo dito." Sagot nung babae na di nya namalayan na nandito din pala sa kwarto.
Mukhang mayaman ang babae na to dahil nasa isang private room ang kinalalagyan ng katawan nya.
"Miss okay lang naman po kung wag nyo nalang po sa private room ilagay ang anak ko." Sabad ni mama.
Umiling ang babae. "Wala pong kaso. Kapatid ko naman ang may ari ng hospital na to eh kaya wag na po kayong mag alala." Sabi pa ng babae.
Nilapitan nya ang mama nya at sinubukan ni Janelle na hawakan ito pero hindi talaga.
"Ano na? Am i dead? Pero nacoma lang daw ako sabi nung doktor. So ano ako?" Di mapigilang pagkausap ni Janelle sa sarili. Wala naman syang magagawa kasi wala namang nakakakita sa kanya.
Lumabas sya or rather tumagos sya palabas ng kwartong yun at naglagalag sa may hallway.
"Ano nang mangyayari sakin? Tsaka bakit humiwalay ang soul ko sa katawan ko? Anong tawag sakin?" Di malaman ni Janelle kung iiyak ba sya sa nangyari sa kanya o ano.
BINABASA MO ANG
My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]
General Fiction[Completed] Janelle was out there looking for a job. Maghapon na syang nag apply, bukod sa pagod na, ay gutom pa sya. Nang tumawid sya sa kalsada ay di nya nakita na go na para sa mga sasakyan then boom! Nakita nyang may humandusay na babae sa kalsa...