Chapter XVI

208 7 0
                                    

Chapter XVI


"Alam ko ang nangyayari sayo Janelle. At sasabihin ko sayo, komplikado ang pinasukan mo." Panimula ni Eriol sa kanya.

Hindi siya umimik. Hahayaan niya itong magsalita. Makikinig siya. Handa siyang makinig.

"Yes, its normal for you to fall in love even in your state right now, pero nasa coma ang katawan mo. Once you died kailangan mong sumama sakin dahil hindi na kayo allowed na manatili pa sa lupa maliban nalang kung magiging ganap ka ng anghel at maging isang tagabantay na rin. And if you survive from coma, lahat ng nangyari sayo sa panahon na isa kang kaluluwa ay hindi mo maaalala. Ang huling maaalala mo lang ay ang araw na maaksidente ka." Litanya ni Eriol sa kanya.

Parang naninikip ang dibdib niya. Hindi niya maintindihan. Naiyak na siya sa narinig mula kay Eriol. "Hindi ko maaalala si Ryan? Ang mga panahon na magkasama kami?" Napahikbi kong tanong.

Malungkot na tumango si Eriol. "Im sorry Janelle. Pero yun ang rules. Kailangang burahin lahat yun sa alaala mo. Lahat ng dumanas ng coma at muling nagising ay walang maaalala maliban sa huling araw bago siya nacoma." Sagot ni Eriol.

"P-paano si Ryan? M-makakalimutan niya din ba ako?" Nag aalalang tanong niya.

Umiling ito. "No. His memory of you will remain."

Napaiyak nalang siya. Unti unti siyang lumakad palayo kay Eriol. Kailangan niyang mapag isa. Paano na si Ryan sa oras na magising siya? Hindi niya ito maaalala. Masasaktan ito pag nagkaganoon.

Wala sa sariling tumambay lang siya sa hospital room niya. Tinitingnan niyang mabuti ang katawan niya. Wala ang mama niya dahil umuwi muna ito saglit. Mayroon namang nurse na ini assign na magbantay doon kaya okay lang.

Paano kung wag nalang siyang magising? Pero kung ganoon ang mangyayari, mahihirapan lalo ang pamilya niya. Kailangan siya ng mga ito. Hindi ito ang panahon para maging makasarili siya. At isa pa, hindi normal ang relasyon nila ni Ryan. Karapatan nito ang makasama ang isang normal na tao sa normal na kalagayan. If he would stick with me na kaluluwa magmumukha siyang tanga. No. People would think of him as crazy. Ayaw niyang mangyari yun. So siguro nga tatanggapin niya nalang na mawawala ang alaala niya dito sa oras na magising siya.

Ilang oras din siyang nagmuni muni doon bago bumalik sa office ni Ryan ng bandang hapon na. Naabutan niya pa itong nakikipag usap sa telepono. Probably his friends.

Tahimik siyang naupo sa sofa pagkatapos bumati dito ng saglit. Hinayaan niyang makipag usap ito.

"Bukas? Sige pupunta ako." Sabi nito sa kausap nito.

"Oo nga. Nagkaayos na kami. Nagkita kami kaninang umaga. He's with some girl. Kinakapatid niya daw yun." Sagot pa nito ng tila may tinanong siguro ang nasa kabilang linya.

"Oo na nga bukas. Present ako dont worry." Yun lang at ibinaba na nito ang phone.

Sumulyap ito sa kanya. "Its Xander. Nagyayaya na pumunta daw kami ng JS bukas magpeperform daw kami, nagrequest si Topaz." Sabi agad nito na agad kumunot ang noo ng hindi siya umimik. "Jan? Are you alright? San ka nagpunta?" Anito pagkatapos ay tumayo at lumapit sa kanya.

"Yeah. Okay lang ako. Dun lang naman ako sa kwarto tumambay." Matamlay niyang tugon.

"Ang tamlay mo yata? Na i stressed ka na naman ba? Wag mo muna kasing isipin ang kalagayan mo okay? Tanggap ko naman ang sitwasyon natin. Ang mabuti pa umuwi na tayo. Nalulungkot ka lang yata dito eh." Anito at hinawakan ang kamay niya at hinila patayo.

Tumayo nalang din siya. Siguro sasabihin niya nalang kay Ryan ang bumabagabag sa kanya mamaya. Para maintindihan nito kung ano ang nararamdaman niya.

Nagpasya na nga silang umuwi. Tahimik lang sila sa byahe. Hinayaan siya ni Ryan na manahimik. At ipinagpapasalamat niya yun. Wala pa sila sa tamang lugar para isambulat niya dito ang bumabagabag sa kanyang damdamin.

Pagkarating sa condo nito ay agad itong nagtungo sa kwarto nito habang siya ay naghanda ng hapunan gaya ng nakagawian niya na. Nang matapos siya ay tapos na din si Ryan. Inaya na niya itong kumain na ikinagalak naman nito. Mukhang masayang masaya ito at natatakot siyang iopen ang mga sinabi sa kanya kanina ni Eriol dito.

Pagkatapos kumain ay nag yaya na itong manood ng tv. Wala naman daw kasi itong dinalang trabaho ar hindi pa naman daw ito inaantok at maaga pa naman. Habang nanonood ay nakahilig siya sa balikat nito samantalang marahan nitong hinahaplos ang balikat ko.

"Hindi na ako makapaghintay sa araw na magigising ka. Gusto kong maramdaman ang init na nagmumula sa katawan mo. Okay lang naman sakin kahit ganito tayo pero syempre gusto ko din naman na nasa normal na kalagayan ka. Alam ko naman na nahihirapan ka na sa kalagayan mo." Pahayag ni Ryan habang nakatutok ang mga mata sa tv.

Nagbuntong hininga siya. "Ryan.." Mahinang tawag niya. "Paano kung.. kung pag gising ko, wala akong maalala? Paano kung hindi kita maalala?" Nahihirapan kong tanong sa kay Ryan.

Naramdaman kong umayos ito ng upo at sumulyap sakin. Hindi niya kayang tingnan ito. Baka maiyak siya.

"What do you mean?"

"May posibility kasi na wala akong maalala di ba? Paano kung wala nga akong maalala pag nagising na ako? Paano kung hindi kita maalala? Ayokong masaktan ka pag nangyari yun." Sagot ko saka kinagat ang labi sa pagpipigil na maiyak.

Naramdaman niya nalang ang mga kamay nito na sumapo sa magkabila niyang pisngi at iniangat ang mukha niya para magkatitigan sila. Tumingin naman siya at hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya. Marahan namang pinahid ng thumb finger nito ang masaganag luha na tumulo sa kanya.

"Jan. Kahit hindi mo maalala ang mga nangyari sa panahon ng paglalakbay mo habang kaluluwa ka, gagawin ko ang lahat para mahalin mo ulit ako. Pinapangako ko yan. Alam kong kahit makalimutan ako ng isip ako, ang puso mo, matatandaan niya ako." Nakangiting sabi nito sa kanya.

Kahit humihikbi ay nagawa niya pa ding ngumiti dahil sa sinabi nito. "Pangako mo yan ha?" Parang batang sabi niya.

Natatawang tumango ito. "Oo naman. Ganyan kita kamahal Janelle. Mahal na mahal kita."

"Mahal din kita Ryan." Tanging nasabi niya.

Napapikit siya ng makitang lumalapit ang mukha nito sa kanya. Hinintay niyang lumapat ang labi nito sa kanya na hindi naman nagtagal. Ninamnam niya ang tamis ng halik nito. Pilit niyang inalala hindi lang sa isip kundi pati na din sa puso niya. Para kahit mawala man ang alaala niya sa oras na magising siya, tiyak na maaalala ito ng puso niya. Ayaw niya isipin na hindi siya magigising. Mas gusto niyang isipin na magigising siya. Hindi lang para kay Ryan kundi para na rin sa pamilya niya.

My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon