Chapter V

221 8 0
                                    

Chapter V




"Ang tagal naman yatang makabalik ni Janelle? Saan naman kaya iyon napadpad?" Pagkausap ni Ryan sa sarili.

Nandoon pa din siya sa loob ng opisina niya. Hindi niya maintindihan pero hinahanap hanap na niya ang presensya ng babae. Hindi niya pa rin maintindihan ang mga nangyayari sa kanya. Unang una, alam niyang wala naman siyang third eye. Posible kayang bigla bigla nalang iyon nabubuksan? At pangalawa, sabi ni Janelle tanging siya lang na tao ang nahahawakan nito. Napabuntong hininga siya.

Babalik na sana siya sa pagbabasa ng mga pipirmahang documento ng tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag. Si Cyron. Sinagot niya agad iyon.

"Oh dude, napatawag ka?" Seryosong sabi niya pagkasagot ng tawag.

Natawa ang nasa kabilang linya. "Ang seryoso mo naman dude."

Kumunot ang noo ni Ryan. "Ano nga itinawag mo? Nasa opisina ako at maraming ginagawa."

"Relax lang. Tumawag ako para sabihin na magkita kita tayo mamaya sa JS Bar. Hang out lang."

"Titingnan ko kung makakapunta ako. Busy kasi ako." Aniya. Iniisip niya si Janelle. Naaalala kasi niya na may galit ang babae kay Cyron.

Muling tumawa ang nasa kabilang linya. "Ano naman pinagkakabusyhan mo? Don't tell me may babae ka nang pinagkakaabalahan?" May panunuyang sabi nito.

"Sira ulo ka. Ikaw lang ang babaero dito." He retorted.

Nagmura si Cyron. "Iisang babae lang ang gusto ko. Hindi ako babaero. I told you, may babae akong gusto, kaso dude, she's missing. Hindi ko pa siya nakikita, yung imbestigador ko wala pang report." Pagkukwento ni Cyron.

Nangunot naman ang noo ni Ryan. "What? You're still stalking her?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Easy dude, i just wanna check up on her. Ako ang reason kung bakit siya nagresign."

"G*go ka kasi, bat mo hinayaang magresign?" Paninisi niya.

"Sinabi ko na sa inyo diba? Yung about sa company rules. Paano ko siya ipupursue kung nasa company siya?" Pagdadahilan ni Cyron.

Napailing si Ryan. At hindi din niya maintindihan ang sarili kung bakit may part niya ang medyo nainis sa pinaggagagawa ni Cyron kay Janelle.

"Ewan ko sayo dude. Kawawa naman yung tao. You're being selfish."

Narinig ni Ryan ang pagbuntong hininga ni Cyron sa kabilang linya. "I know dude. That's why im checking up on her okay? Gagawa ako ng paraan para makabawi sa kanya."

"I think you should do that."

"Yeah i know. Anyway, mamaya, pumunta ka okay? Nakausap ko na ang iba, pupunta sila."

"I told you titingnan ko. I'll just call you kung makakapunta ako. May kakausapin lang ako para makapunta." Sagot ni Ryan.

Cyron chuckled. "Sino? Girlfriend mo?" Pununudyo na naman ni Cyron.

"Hindi nga. I'll hang up. Busy talaga ako."

"Okay okay, bye." Yun lang at nawala na ito sa linya.

Pagkatapos ng tawag ay napaisip si Ryan sa napag usapan nila ni Cyron. Mukhang malakas talaga ang tama nito kay Janelle na sa di malamang kadahilanan ay ikinaiinis niya. Napag isip din niya na kapag nalaman ni Cyron na naospital si Janelle ay susugod agad dito yun dito.

Napailing nalang siya. Sinulyapan niya ang relo at napansing ilang oras na mula ng umalis si Janelle. At ayan na naman ang weird feeling niya. Nag aalala siya kung saan na nagpunta ang kaluluwa ni Janelle.

My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon