Chapter XXIII
"Bakit ano kailangan mo?" Tanong ni Cyron pagkapasok niya sa opisina nito. Talagang sinadya niya ang kaibigan na puntahan dun para makausap ito.
Hindi ito magkandaugaga sa paghahalungkat ng kung ano ano sa table nito na tila may hinahanap. Magulo na dun at sa ginagawa nito ay lalo pang gumugulo. Nakatayo lang siya dun at pinagmamasdan lang ito.
"Ryan ano ba ang kailangan mo? Hindi kita maaasikaso because as you see im busy." Untag nito ng hindi siya umimik.
He chuckled dahilan para mapaangat ng tingin sa kanya ito. Nakakunot noo ito.
"Ano namang nakakatawa?" Sita nito. Nanliit ang mga mata nito at tinitigan siyang mabuti. Todo ngiti naman ang ibinigay niya dito. "Teka, iba na kinikilos mo ngayon ah. May improvement na ba sa alaala ni Janelle?" Tanong nito at huminto na sa ginagawa.
Naupo siya sa sofa nito na di naman kalayuan sa table nito. Nakangiti pa rin siya ng tumingin dito.
"Wala naman masyado. Ganun pa rin naman, wala pa siyang naaalala." Sagot niya. Wala pa din namang naaalala si Janelle. Ang sinasabi lang nito paminsan minsan may sumasagi sa isip nito o di kaya ay may napapanaginipan ito pero blurred daw at hindi naman malinaw. At ang mga conversation lang umano ang tila naririnig nito.
"Eh bakit ganyan ka makangiti dyan?" Magkasalubong na ang kilay nito.
"Kasi kami na ulit ni Janelle. She still loves me despite of her lost memory of me, of us." Tugon niya.
Tumango tango ito. "Eh di mabuti naman kung ganun. So ano nga ang kailangan mo? Hindi ka naman siguro nandito para inggitin ako?"
Natawa na siya. "Syempre hindi. Nandito ako para sana pakiusapan ka na ibalik na si Janelle bilang sekretarya mo."
Umayos ito ng upo. "What?" Di makapaniwalang sabi nito. "Gusto mong pagtrabahuin si Janelle with me? Alam mo ba ang sinasabi mo Ryan?" Seryosong tanong ni Cyron.
Nagseryoso na din siya. "Of course Cyron alam ko. I know what i am saying."
"Di ka ba natatakot na baka agawin ko sayo si Janelle? You know about my feelings towards her. Hindi pa rin yun nagbabago. Pero since kayo naman ang nagmamahalan kaya hinahayaan ko na kayo. Pero sa gagawin mo di mo ba naisip na baka mahulog lang ako lalo sa kanya?"
Napailing siya. "No. I trust you. I trust Janelle. At isa pa, alam kong hindi malalim ang kung ano man yang ang nararamdaman mo para kay Janelle. Kailangan lang ni Janelle ng trabahong ito ngayon at dito matagal na siya dito napamahal na siya sa trabaho niya. Ayaw niya naman na tulungan ko siya na magtrabaho sa iba." Tugon niya.
"Ewan ko sayo dude. Pero bakit kailangan niya pang bumalik sakin dito? Okay, given na matagal na siya dito at napamahal na siya sa trabaho niya dito. Pero aalis din naman siya pag nag asawa na kayo. Imposibleng hindi mo siya pahintuin." Sabi pa nito.
Napangiti siya. Ang advance talaga mag isip ng isang to. "Hindi pa naman kami mag aasawa. At kapag nangyari na yun hahayaan ko siya sa kung ano man ang gusto niya. Kung gusto niya pa ring magtrabaho dito o hindi. Hindi ko siya kailangan manduhan ng kung ano ang dapat niyang gawin. She can do whatever she wants. I'll support her all the way." Litanya niya.
Umiling iling ito. "I can't believe na nagsasabi ka na ng ganyan ngayon. Talagang seryoso ka na. Sana nga seryosuhin mo si Janelle kung hindi kukunin ko siya sayo." Banta pa nito.
He smirked. "Syempre seryoso ako sa kanya. Im planning to introduce her to my family soon."
Napakunot noo si Cyron. "Eh di ba ang gusto ng Daddy mo na si Elise ang pakasalan mo? Hindi kaya tumutol siya sa relasyon niyo?"
BINABASA MO ANG
My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]
General Fiction[Completed] Janelle was out there looking for a job. Maghapon na syang nag apply, bukod sa pagod na, ay gutom pa sya. Nang tumawid sya sa kalsada ay di nya nakita na go na para sa mga sasakyan then boom! Nakita nyang may humandusay na babae sa kalsa...