Chapter XVIII

191 8 0
                                    

Chapter XVIII

Napabalikwas si Ryan sa pagbangon. Pawisan siya. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Nanaginip siya. May humihila daw kay Janelle palayo at tinatawag nito ang pangalan niya. Umiiyak ito at sinusubukan niyang habulin ito pero hindi niya magawa. Para bang may pumipigil din sa kanya. Nang tuluyan ng mawala si Janelle sa paningin niya ay saka siya nagising.

Nilingon niya ang kinahihigaan ni Janelle kanina. Wala na ito. Nakadama na naman siya ng kaba. Huminga siya ng malalim. Imposible naman siguro ang naiisip niya. Baka maaga na naman ito bumangon kagaya ng nakagawian nito.

Nagmadali siyang tumayo at lumabas. Tinawag niya si Janelle. Usually ay nasa kusina niya lang ito ng ganoong oras. Walang sumasagot sa kanya. Kakaiba talaga ang nararamdaman niya ng mga sandaling yun. Parang may kulang. Parang may nawawala.

Tinungo niya agad ang kusina. Baka sobrang abala ni Janelle at ni hindi na nito nakuha pang sumagot. Pero pagdating niya doon ay wala ito. Nagsimula na siyang nagpanic. Hindi naman siguro siya iiwanan ni Janelle ng ganun nalang. Magpapaalam naman siguro ito. Maliban nalang siguro kung biglaan ang pagbabalik nito sa katawan nito.

Nanlaki ang mga mata niya. Posible kayang.. Biglang tumunog ang cellphone niya. Nakita niya yun sa center table niya. Naiwan niya siguro yun kagabi. Kaagad niyang nilapitan yun at kinuha. Si Yana ang tumatawag.

"Hello?" Sagot niya.

"Kuya! Good news! Gising na si Janelle!" Masayang sambit nito sa kabilang linya.

Nabuhayan siyang bigla. "Really? That really a good news! Kailan pa siya nagising?" Di niya maitago ang galak na nararamdaman niya ng mga sandaling yun. Ang kaba at pag aalala ay nawala na ng parang bula.

"Kaninang madaling araw. I was on duty kaya ako ang naka attend sa kanya kasama ang isang doktor. She's okay na. Ayon kay Dok, walang ibang damage like an amnesia na kadalasan ay kaakibat ng pagkakabagok ng ulo dahil naaalala naman nito ang pamilya nito at ang nangyaring aksidente." Esplika nito.

"Thank God." Was all he could said. He was relieved.

"Kuya are you okay. Do you personally know her? Bakit ganyan ka makareact?" Bakas ang pagtataka sa boses ni Yana.

Umiling siya kahit hindi naman siya nakikita nito. "Ill tell you soon. Anyway, pupunta na ako dyan. On duty ka pa ba?" Tanong niya.

"Oo. Hanggang 8am pa ko."

Nagpaalam na siya dito saka nagmadaling maligo at nagbihis. He cant wait to see Janelle.

Pagkakaba niya ng kotse ay naroon na naman ang kaba niya. Kanina habang palabas na siya ng condo niya ay medyo nanibago pa siya ng hindi niya kasama si Janelle. Kulang ang pakiramdam niya. Nasanay na kasi siya na kasama ito palagi kahit saan.

Ngayon ay nilukuban na naman siya ng kaba. Paano kung mangyari nga ang sinabi nito na hindi siya nito maaalala? Ipinilig niya ang ulo. Kahit mangyari yun tutuparin niya ang sinabi niyang gagawin niya ang lahat para mahalin siyang muli nito. Gagawin niya ang lahat. Mahal na mahal niya ito para bumitaw siya, para igive up nalang basta ito.

Pumasok siya sa loob at binabati siya ng bawat empleyado na nakakasalubong niya. Hindi niya na magawang pansinin o batiin pabalik ang mga ito dahil ang nasa isip niya lang ng mga sandaling yun ay ang makita si Janelle. Nakausap niya kanina si Yana bago siya bumaba at sinabi nito na nandoon daw ito sa kwarto ni Janelle at kasalukuyang kinakausap ito. Sinabihan niya itong wag muna umalis doon at papunta na siya.

Pagkarating niya sa tapat ng punto ng kwarto ni Janelle ay abot abot na naman ang kaba niya. Huminga siya ng malalim saka lakas loob na pumasok. Hindi niya maisip kung ano ang magiging reaksyon ni Janelle at ng pamilya nito sa oras na sinabi niya na boyfriend siya ni Janelle.

My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon