Chapter VII

227 10 0
                                    

Chapter VII


"San ka ba nagpunta kanina? Akala ko ba doon ka lang sa kwarto mo pupunta?" Tanong ni Ryan kay Janelle.

Nasa sasakyan na sila patungo sa bar kung saan naroon ang mga kaibigan niya. Buti nalang at maayos na sila ni Janelle. Hindi niya kasi maintindihan sa sarili niya kung bakit nagalit siya dito. Siguro naghalo halo na ang mga nararamdaman niya.

Nung umaga kasi pagkatapos umalis ni Yana ay siya namang pagtawag ni Elise. Ipinaalala nito na may dinner nga na magaganap. Agad niya itong tinanggihan na ikinagalit nito. Kung ano ano na ang pinagsasabi nito kaya hindi na niya napigilan na sabihin na may girlfriend na siya kaya sana ay tantanan na siya nito.

"What? No. I don't believe you. You were just saying that to avoid me. No Ryan, you can't do that. We're going to get married!" Hysterical na sigaw ni Elise sa kabilang linya.

Napailing nalang siya. Alam naman niya kasi na matagal ng may gusto sa kanya ang babae. Lantaran din naman kasi nito iyon ipinapakita pero hindi nalang niya pinapansin. Sa tingin niya din ay ang babae ang nagbigay ng ideya sa mga parents nila na ipakasal sila. She was being desperate.

"No Elise. We. Are. Not. Getting. Married. Hear that?" Mariing sabi niya sabay pagpindot sa end button ng phone. Pinatay niya na rin ang cellphone para hindi na ito makatawag pa doon. Sigurado kasing mangungulit lang ito at tatawag ng tatawag. Buti nalang at hindi nito alam ang number sa opisina niya kaya hindi ito makakatawag doon.

Ilang oras ang lumipas at ang mommy niya naman ang tumawag. Sa linya ng office ito nakaconnect.

"Son, bat off ang phone mo? Di ka na raw makontak ni Elise. Kinukulit sakin na ibigay sa kanya ang office number mo." Bungad na sabi ng mommy niya bago pa man siya makapag 'hello'.

"Mom, don't you dare give her the number. She's annoying." Di na niya naitago ang frustration sa boses niya sa ina ng mabanggit si Elise.

"Of course i wont do that without your consent." Ipinagpasalamat niya ang sinabi ng ina. "Anyway son, sinabi ni Yana and Elise sakin that you're not going to the dinner. Why is that?"

Napapikit siya. 'Bat ang kukulit ng mga tao sa araw na ito? Speaking of makulit, nasaan na si Janelle?' Bigla niyang naisip. Damn. Kanina pa ang weird feeling na nararanasan niya. Parang namimiss niya ang babae!

"Mom, im going with my friends. Sorry My, di ko kayo mapagbibigyan. Alam ko namang tungkol sa amin na naman ni Elise ang pag uusapan sa dinner na iyan eh."

"Oh yeah, speaking of that, sabi ni Elise, may girlfriend ka na daw? Is that true?" Curious na tanong ng mommy niya.

"Mom," Nag isip pa siya ng sasabihin ng maisip na naman niya si Janelle. "Yes its true."

"Really? Sino? Saang clan galing? Come on tell me." Naeexcite na turan ng mommy niya.

Napapikit siya ng mariin. Parang biglang sumakit ang ulo niya. "Mommy, yan lang ba ang importante sa inyo ni Dad? Ang pera? Ang Fame? Mom, im old enough to know what i want. Mahalaga ba na mayaman ang mapangasawa ko? Hindi naman siya ang bubuhay sakin. And besides i work hard for our company, isn't that enough? Kailangan pa ba akong ipakasal sa isang mayaman na babae?" Hindi na niya maiwasang manumbat.

Naiinis na kasi siya sa pagrereto ng mga ito ng kung sino sinong babae na galing sa mga kilalang angkan dati. Tapos ngayon ito naman, fixed marriage? Nagpakasal lang din ba ang mga ito dahil sinabi ng mga magulang nito? Aren't they a believer of what they called Love?

Alam niyang hindi pa niya naeexperience ang magmahal ng totoo pero believe it or not, naniniwala siya sa bagay na iyon. Hindi man siya romantic person, pero naniniwala siya sa Love. And he was just waiting for the time na tatamaan siya ng pagmamahal. And he'll marry the girl he loves who also love him of course.

My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon