Chapter XV

222 10 0
                                    

Chapter XV

Maagang bumangon kinabukasan si Janelle. Tumabi kasi siya sa pagtulog ni Ryan kagabi. Naalala na naman niya ang naging usapan nila.

"Ayoko Ryan. Hindi magandang tingnan yun. At isa pa, hindi naman ako natutulog diba?" Paalala ko sa kanya.

"Tayo lang naman ang nakakaalam eh. At isa pa matutulog lang naman tayo." Pang gagaya pa nito.

She rolled her eyes. Kanina pa kasi sila nagtatalo tungkol sa bagay na yun. Ang pagtulog katabi nito.

"Kulit mo naman. Sinabi ng hindi ako natutulog eh." Giit niya.

Lumabi si Ryan. "Tatabi ka nga lang sige na. Please? Wala naman akong gagawin sayo saka kung meron man, pwede ba yun? Di ba sabi mo nga kaluluwa ka?"

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Alam naman niya kasi ang ibig ipahiwatig ng mokong na to. "Excuse me. Di mo talaga pwedeng gawin sakin yun noh!" Sabi niya sabay ismid.

Natawa naman ito. "Kaya nga. Tsaka di ko naman talaga gagawin yun sayo kahit di ka pa kaluluwa. Rerespetuhin ko naman ang gusto mo."

Kaya hayun at tinigilan na niya ang pakikipagtalo dito at tumabi nalang siya sa paghiga nito. Yakap yakap siya ni Ryan habang nakahiga na silang dalawa.

"Alam mo bang kapag hawak kita eh malamig ka?" Biglang sabi nito.habang magkayap sila.

Sinulyapan niya ito. "Talaga?"

Tumango ito. "Oo. Siguro dahil nga sa isa kang kaluluwa sa kalagayan mo ngayon. Hindi na tuloy ako makapaghintay na dumating ang araw na mayakap na kita ng totoo. Yung nasa normal na kalagayan ka na." Pahayag nito.

"Hindi ka ba natatakot na baka hindi na ako magising?" Naitanong niya.

"I admit that there's a part of me that's afraid about it. Pero ayokong isipin yun. Mas gusto kong isipin na magigising ka. Kaya yun din dapat ang isipin mo. Malakas ang power of mind."

Tumango siya at naramdaman niya na hinalikan siya nito sa sentido. Di nagtagal ay nakatulog din ito. Niyakap niya nalang ito ng mahigpit. Nang magmadaling araw na ay naalala niyang malamig daw ang pakiramdam kapag hinahawakan siya nito kaya naisipan niya ng kumalas sa pagkakayakap dito dahil baka lamigin na ito.

At heto nga, naisipan niya nalang na ipaghanda ito ng umagahan gaya ng nakagawian niya na. Saktong natapos siya ay nagising na si Ryan.

"Goodmorning!" Bati niya dito.

Ngumiti si Ryan. "Goodmorning din." Bati nito at hinalikan siya sa pisngi pagkalapit sa kanya.

"Kain ka na." Alok niya.

Agad naman itong umupo ay pinagsilbihan niya ito. Umiling naman ito habang ginagawa niya yun.

"You dont have to do this. You're not a servant. You're my girlfriend." Pahayag nito at pinigilan siya sa ginagawa niya.

Nginitian niya ito. "Oo nga, but i want to do this. Just let me. Okay?"

Bumuntong hininga ito. "Okay. Anyway, im planning to visit your room in the hospital later." Sabi nito.

"Okay. Sana may improvement na noh? Gusto ko na din magising."

"Let's pray for that."

Naupo siya sa katapat na silya habang pinagmamasdan si Ryan na kumakain. "Syanga pala. Wala ka pa bang balak kausapin si Cyron?" Naisipan niyang itanong.

Nag angat ito ng tingin. "Meron naman. Balak ko nga sana this day din after natin bisitahin yung room mo. Malamig na siguro ang ulo nun."

Tumango tango siya. "Dapat lang magkabati na kayo. Ayokong magkaaway kayo ng dahil lang sa sakin o dahil lang sa babae. Malalim ang pinagsamahan niyo dapat wag niyo yun balewalain lang." Seryosong pahayag niya.

My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon