Chapter XII

213 8 0
                                    

Chapter XII


Nang sumunod na araw ay napagpasyahan nila Janelle na pumunta sa kwarto niya dun sa ospital. Kagabi ay sinabi ni Ryan na ibibigay niya na ang pera para hindi na daw siya mag alala. Saka nalang daw niyang pagtrabahuan yun. Pumayag siya dahil kailangan na kailangan na nga ng pamilya niya ng pera lalo at napag alaman niyang nangungutang na ang mama niya sa mga five-six na ayaw na ayaw niya dahil tiyak na mababaon lalo sila sa utang.

Kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa pagkikita nina Ryan at ng mama niya. Alam naman ng mama niya na nagkakaroon siya ng boyfriend noon pero hindi niya lang ipinapakilala. Sinasabi niya lang na may boyfriend siya pero ayaw niyang ipakilala lalo at baka isipin ng lalaki na seryoso siya sa relasyon nila.

Oo aaminin niya na hindi niya masyadong siniseryoso ang pakikipagrelasyon niya dati. Kasi ang priority niya talaga ay ang pamilya niya. Mas uunahin niya ang pamilya niya. Kaya hindi niya masasabing totoo na siyang nagmahal ng isang lalaki.

Nakikipagrelasyon siya noon dahil minsan iniisip niyang kapag may ipinakilala siyang boyfriend ay titigil na ang iba sa pag porma sa kanya. Oo merong tumitigil pero may iba pa ding pursigido kaya kalaunan ay itinigil na niya ang makipagrelasyon pang muli.

Totoong nahalikan na siya noon ng mga naging boyfriend niya pero smack lamang ang mga yun. Pero ang ginawa ni Cyron.. Napailing nalang siya. Ayaw na niyang isipin pa iyon.

Pumasok sila ni Ryan sa kwarto niya at naabutan niya ang mama niya na nakayukyok ang ulo sa gilid ng kama habang nakaupo. Nagising ito ng maramdamang may pumasok.

"Goodmorning Ma'am." Magalang na bati ni Ryan sa mama niya.

Alanganing ngumiti ang mama niya at tinitigan pang maigi si Ryan.

"Magandang umaga din naman. Anong maipaglilingkod ko sayo?" Ani mama niya at tumayo sa kinauupuan.

Hindi inakala ng mama niya na doktor si Ryan. Paano ay napaka pormal ng suot nito para maging doktor. Tsaka isa pa, nagsusuot ng uniporme ang mga doktor bago magtungo sa isang pasyente di ba?

"Uhm, nandito po ako para bumisita kay Jan-Jan." Ani Ryan.

Nanlaki ang mata niya sa binanggit ni Ryan. Maging ang mama niya.

"A-anong sabi mo hijo?" Nautal pang tanong ng mama niya.

"Binibisita ko po si Jan-Jan. Im Ryan, boyfriend niya po." Bahagya pang ngumiti si Ryan.

Nalaglag ang panga ng mama niya. Hindi makapaniwala sa narinig.

"Boyfriend ka ni Jan-Jan? W-wala kasi siyang nabanggit na may boyfriend siya ngayon. Ang alam ko apat na taon na siyang walang nobyo dahil wala naman siyang nababanggit."

Lumapit si Ryan sa katawan niya, nilapag ang basket ng prutas na dala sa table sa may gilid lang din ng kama at umupo sa upuan na inupuan ng mama niya kanina.

Hinawakan pa nito ang kamay ng katawan niya. Napatingin tuloy sa siya sa kamay niya. Bakit parang naramdaman niya ang init ng kamay doon ni Ryan? Nanatili siyang nakatayo malapit sa pinto.

"Actually po, naging kami lang nung pagkatapos niyang umalis sa Indigo Records, love at first sight po ang nangyari. Niligawan ko siya at sinagot niya naman ako agad. Matagal ko na din pong nalaman na naaksidente siya pero hindi ko pa po matanggap kaya ngayon lang ako nakapunta dito. Actually ako ang brother ng nakasagasa kay Jan-Jan." Paliwanag ni Ryan.

Napalabi siya. Ang galing nitong magsinungaling ah. Palagi siguro nitong ginagawa yun. Napailing nalang siya.

Tumango nalang ang mama niya. Mukhang walang masabi.

"Nandito din po ako para ibigay po ito." Tumayo si Ryan at binitiwan ang kamay niya. Nawala na din ang init na nararamdaman niya sa mga kamay niya. Lumapit si Ryan sa mama niya at may kinuha sa bulsa. Isang envelop yun na naglalaman ng pera.

Tinanggap yun ng mama niya at nagtatakang tumingin kay Ryan. "A-ano hijo?"

Ngumiti si Ryan. "Tulong ko po yan sa inyo. Alam ko po nung bago pa maaksidente si Jan-Jan ay siya ang bread winner sa inyo. At ngayon pong nacoma po si Jan-Jan tiyak na nahihirapan po kayo. Pasensya na talaga kung ngayon lang po talaga ako nagpakita." Hingi pa ng paumanhin ni Ryan.

Tiningnan ng mama niya ang laman ng envelop at nanlaki ang mga mata na ikinakunot ng noo niya.

"Naku hijo, hindi ko matatanggap ito. Sobra sobrang tulong na ito. Sapat na yung wala na kaming gastusin dito sa ospital." Tanggi ng mama niya at iniabot muli kay Ryan ang envelop.

Pero ibinalik lang yun muli ni Ryan sa mama niya. "Hindi po. Sa inyo na po yan. Obligasyon ko na po si Jan-Jan kaya dapat ay kayo ring pamilya niya. Kaya tanggapin niyo na yan okay?" Pangungumbunsi pa nito.

Alanganin man ay tinanggap na rin ng mama niya ang envelop at napaiyak. Niyakap ito ni Ryan. Parang nais niya na din maiyak ng makitang humahagulhol ang mama niya.

"Maraming salamat hijo. Napakabuti mo. Malaking tulong talaga ito samin ngayon. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ka ng anak ko. Napakabuti mong nobyo sa kanya." Umiiyak na sabi ng mama niya.

Napatingin si Ryan sa kanya at ngumiti. "Nagpapasalamat din po akong nakilala ko si Jan-Jan."

Matapos ang ilang sandali ay umalis na sila ni Ryan sa kwarto pagkatapos magpaalam sa mama niya at nangakong dadalasan ang pagbisita doon.

Nagtungo na sila sa office nito at agad niyang hiningi kay Ryan ang ipapatrabaho nito sa kanya. May inabot itong folder at kailangan niya daw itype yun. Ang ginamit niya ang ang laptop niya nung nakaraan. Naupo siya sa sofa at sinimulan ng gawin yun. Sanay na siya sa typing job dahil ganun din naman ang ginagawa niya dati pa.

Halos mangalahati na siya sa ginagawa ng magsalita si Ryan pagkatapos tumikhim kaya napatingin siya dito.

"Kanina, yung mama mo, bat parang gulat na gulat siya ng sabihin kong boyfriend mo ako? Di ka naman NBSB diba?" Tanong nito na nakatingin din sa kanya.

Tumikhim siya bago sumagot. "Hindi. Like i told you before nagkaroon na ko ng boyfriend. Pero di ko sila pinapakilala sa pamilya ko." Sagot niya.

"Hindi mo ipinapakilala? Bakit, bawal ba? Bawal kang magkaboyfriend?"

Umiling siya. "Hindi naman sa bawal. Pero ayoko lang kasi na isipin ng mga lalaking naging boyfriend ko na seryoso ako sa kanila."

"Huh? You mean, hindi mo siniseryoso ang pakikipagrelasyon mo?" Gulat na tanong nito.

"Hindi. Priority ko ang pamilya ko kaya hindi ko siniseryoso ang pakikipagrelasyon. And alam ko na hindi pa ko nagmamahal ng totoo sa isang lalaki." Pag amin niya.

"Oh, i see." Anito at nakita niyang parang nagpipigil ito ng ngiti bago binalik ang tingin sa ginagawa nito.

Nagkibit balikat nalang siya bago muling itinuloy ang ginagawa.

Habang patuloy na nagtatype ay naririnig niyang naghuhum si Ryan ng isang pamilyar na kanta. Napalingon siya dito. Mukhang masaya ito.

"Masaya ka yata?" Di niya napigilang tanong. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Shemay.. Ang gwapo nito. Lalo itong gumuwapo kapag ngumingiti.

"Hindi yata. Masaya talaga ako." Anito at kinindatan pa siya.

Nag init ang pisngi niya sa iginawi nito. Muli nalang niyang pinagtuunan ng atensyon ang kanyang ginagawa habang pinapakinggan si Ryan na naghuhum pa din ng kantang Here In My Heart.

My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon