Chapter VI

275 9 0
                                    

Chapter VI


Warning: SPG (Lenggwahe)




"Saan ka ba pupunta?" Tanong ni Janelle kay Ryan. Nandoon sila sa condo nito. Nakabihis na ito at handa ng umalis ng sabihan siya na wag na daw sumama kaya mabilis siyang humawak sa laylayan ng suot nitong T-shirt dahil for sure, once na isarado nito ang pinto ay hindi na siya makakalabas.

"Magbabar ako with my friends kaya dito ka nalang." Anito nakatingin sa kanya.

"Magbabar lang pala eh, bat di ako pwedeng sumama? Wala namang makakakita sakin." Sabi niya dito.

Mataman lang itong nakatitig sa kanya. Napalabi siya. Alam niyang medyo inis ito sa kanya dahil matagal siyang nagpakita dito. Hindi niya nga maintindihan kung bakit ito nagalit o nainis sa kanya.

Kanina kasi pagkatapos niyang umalis sa silid na kinaroroonan ng katawan niya ay nagtungo siya sa bahay nila sa Pala-Pala, para iyong squater's area dahil magkakalapit at dikit dikit ang ilang bahay. Medyo swerte sila dahil malapit ang bahay nila sa pathway at hindi sila sa may looban pa nakatira, at hindi rin nakadikit ang bahay nila sa ibang bahay. In fact may maliit pa nga silang bakuran doon.

Agad siyang pumasok sa loob, dahil kaluluwa na siya walang kahirap hirap sa kanya ang makapasok doon. Pagkapasok niya ay nakita niyang nag aalmusal ang kanyang dalawang kapatid na sina Joshua, ang sumunod sa kanya at si Joseph, ang bunso nila, nakabihis pang eskwela na ang mga ito.

"Sana agad maibigay ni Ate Sinang yung pinadala nating almusal kay Mama, kagabi pa siya nandoon eh." Anang nakatatandang si Joshua.

Si Sinang ay ang kapitbahay nila na kaibigan niya. Naalala niya, isa nga pala iyong nurse. Hindi niya lang alam na doon pala ito nagtatrabaho sa Montenegro hospital, wala naman kasi itong nababanggit tungkol sa trabaho nito. Mabuti nalang at mabait yun. Magkaedad lang sila pero mas maswerte ito dahil kompleto ang pamilya nito at nag iisang anak lang kaya naitawid ang pag aaral nito.

"Oo nga. Kamusta na kaya si Ate Jan-Jan noh? Sana maging okay na siya, miss ko na siya eh tsaka yung luto niya." Sabi naman ni Joseph.

Bigla tuloy siyang nakaramdam ng lungkot ng marinig ang sinabi ni Joseph. Jan-Jan ang palayaw sa kanya sa bahay nila. Miss niya na din ang mga kapatid niya. Sa umaga siya ang naghahanda ng almusal para sa kanilang lahat.

"Di bale ipagdadasal natin na sana maging okay na siya." Ani Joshua sa kapatid.

Maswerte sila ng mama niya dahil hindi bulakbol ang dalawang kapatid niya na lalaki. Responsable ang mga ito hindi tulad ng mga ibang kabataan ngayon.

Nag alala siyang bigla kung paano na ang mga ito. Saan kukuha ang mga ito ng pang gastos sa araw.araw kung hindi siya magigising agad? Paano ang pag aaral ng mga ito, kung may mga bayarin ang mga ito, paano na?

Sa naisip ay umalis nalang siya sa bahay nila. Nalulungkot lang siyang isipin ang kalagayan ng pamilya niya. Walang siyang magawa para sa mga ito sa mga sandaling ito. Naglakad lakad siya at hindi na inintindi kung saan siya mapapadpad.  Nang matauhan ay lumingon lingon siya sa paligid at sinipat sipat kung nasaan na siya. Nanlaki ang mata niya ng nandoon siya sa labas ng building ng Indigo Records kung saan siya dating nagtatrabaho. Sa lahat pa talaga ng lugar ay doon pa siya napadpad.

Naisipan niyang pumasok at kamustahin kung ano na ang nangyayari doon, tutal naman ay wala namang makakapansin sa kanya.

Pumasok siya, nagpalinga linga. Ganun pa din naman, walang masyadong pinagbago. Kung sabagay, mahigit isang linggo pa lang naman mula ng umalis siya doon. Namataan niya ang function room kung saan ginaganap ang pag au-audition para maging recording artist ng Indigo Records. Lumapit siya doon, narinig niyang maraming naghihiyawan kaya alam niyang may ginaganap na audition ng mga sandaling iyon. Hindi na siya pumasok pa doon. Nagtuloy tuloy siya sa ibang parte ng building hanggang sa mapadpad siya sa opisina ng dati niyang amo na si Alberto Conception na ngayon ay opisina na ng bastos na si Cyron Conception.

My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon