Chapter IV
"Dito ka na lumabas sa driver's seat." Utos ni Ryan kay Janelle. Kakarating lang nila sa Montenegro Hospital.
Sumimangot si Janelle sa sinabi ni Ryan. "Bakit? Pinapahirapan mo lang ako eh." Reklamo niya.
He almost rolled his eyes. "Oh come on. Magtataka ang makakakita kung bakit bumukas ang passenger seat at wala namang lumalabas. Magmumukha akong baliw kaya maki cooperate ka nalang if you dont want to ba locked up inside this car." Medyo iritadong sabi ni Ryan.
Kanina pa kasi siya nagmamatigas na sa passenger door lumabas pero nakachild lock iyon at di siya marunong papano ia-unlock iyon. Nakabusangot pa rin siya ng lumabas mula sa driver's seat. Pagkalabas niya ay nauuna ng naglakad si Ryan pagkatapos ilock ang kotse nito. Sumusunod siya dito.
"Anong gagawin mo today?" Tanong niya.
Ni hindi siya nilingon nito. "Sa office. Bakit?" Mahinang sagot nito. May mga empleyado doon na binabati ito pero tango lang ang iginaganti nito.
"Ah. Pwede bang puntahan ko iyong room ko? I mean kung nasaan ang katawan ko?"
"Of course. Bat ka nagpapaalam sakin? You can go anywhere you want without asking for my permission." Seryosong saad nito.
Napakamot siya sa ulo. "Ano kasi.. Hindi ko kasi alam kung anong room number nun eh. Di ko natingnan. Wala naman kaming special connection ng katawan ko na kapag feel kong puntahan iyon eh automatic akong mapupunta doon." Paliwanag niya.
"So what do you want me to do?" Tanong nito.
"Can you check it out for me?"
"Fine. Later when we got to the office."
"Okay. Thanks." Tanging sagot niya at tahimik nalang na sumunod dito.
Nang marating nila ang office nito ay agad itong nagpunta sa table nito at naupo doon. Nagbuklat na din ito ng mga folders doon at inopen ang computer nito. Naupo siya sa upuan sa harap ng table nito.
"Wala ka bang secretary?" Naisip niyang itanong.
"Meron. Nasa kabilang room. I'll just call her if i need anything. Why did you ask?" Hindi na naman ito nakatingin sa kanya.
Nagkibit balikat siya. "Wala naman. Just wondering. Anyway what are you doing?"
Doon lang ito nag angat ng tingin. "Seriously, are go gonna ask every single thing that i'll do?" He jeered.
Lumabi siya. "Ang sungit mo naman. Parang nagtatanong lang eh. Pwede mo namang hindi sagutin."
Napapalatak ito at umiling iling. "Im just checking something."
Nanahimik nalang siya at pinagmasdan nalang ito.
'Hmm.. Gwapo pala ito.' Naisip niya.
Ngayon lang niya napansin na napakagwapo nito. Napatitig siya kay Ryan. Ilang taon na kaya ito? May girlfriend na kaya ito? Bakit kaya ito lang ang nakakakita at nakakahawak sa kanya? Anong meron sa lalaki? Parang bigla may naririnig siyang tumatawag sa kanya pero hindi niya pinapansin dahil abala pa siya sa pagtitig kay Ryan. Saka pa lamang siya natauhan when he snapped his fingers right infront of her face.
"Ha? Bakit?"
Binibigyan siya ni Ryan ngayon ng nagtatakang tingin. "You're Janelle dela Rosa right?"
Wala sa loob na tumango siya.
"25 years old, living in baranggay Pala-Pala, a former secretary at Indigo records-" Hindi na natuloy pa ang sasabihin nito dahil pinigilan na niya ito.
BINABASA MO ANG
My SOUL Mate?? (RGB #1) [Completed]
Genel Kurgu[Completed] Janelle was out there looking for a job. Maghapon na syang nag apply, bukod sa pagod na, ay gutom pa sya. Nang tumawid sya sa kalsada ay di nya nakita na go na para sa mga sasakyan then boom! Nakita nyang may humandusay na babae sa kalsa...